Bipolar Disorder: Sumpong, baliw, sira-ulo, loko-loko, sintomas, gamot, lunas, sanhi

Medical Team
is a Medical expert in United States

Nakarinig ka na ba ng sakit na “Bipolar Disorder”? / Nakadungog na ba ka ug sakit nga “Bipolar Disorder”?

Ang “Bipolar Disorder” o kilala rin sa pangalang “manic-depressive illness”, ay isang problema sa utak na nagsasanhi ng kakaibang pagbabago sa tiyempo ng ugali, enerhiya, kakayanang magtrabaho at gumawa ng pang-araw-araw na gawain. Malubha ang sintomas ng “Bipolar Disorder”. Sila ay malayo sa karaniwang pagkabalisa o sobrang saya na minsan nating nararamdaman. Ang mga sintomas ng sakit na ito ay maaaring magresulta sa pagkasira ng relasyon sa iba, hindi magandang pagganap sa skwelahan o trabaho, at sa seryosong kaso ay kahit pa pagpapakamatay ay maaaring mangyari.

Bakit nagkakaroon ng “Bipolar Disorder and isang tao? / Ngano man nga magka-Bipolar Disorder man ang usa ka tao?

Hindi pa ganap na nalalaman kung ano ang sanhi ng sakit na ito, ngunit may mga bagay na maaaring nag-iimpluwensya sa pagkakaroon nito tulad ng: Kakaibang struktura ng utak, kemikal na ginagamit ng utak para sa komunikasyon (neurotransmitter), at mga katangian na namamana mula sa ating ninuno. Para sa naiibang struktura ng utak, ang mga taong may “Bipolar Disorder” ay mapapansing may pagbabago sa pisikal na anyo ng kanilang utak. Hindi pa nga lang nalalaman kung gaano ba kaimportante ng kaibahang ito. Sa kabilang banda, ang hindi balanseng dami ng mga kemikal sa utak ay maaaring may malaking epekto sa sakit na ito. Ang isa pang tinutukoy na dahilan ng problemang ito ay ang pagkakaroon ng malapit na kamag-anak na may parehong kondisyon, maaaring kapatid o mga magulang. Ang mga siyentipiko ay kasalukuyan ring naghahanap ng “genes” na konektado sa pagkakaroon ng naturang sakit.


Ano ba ang mararamdaman mo kung meron kang “Bipolar Disorder”? Unsa ba imong mga mabatian kung naa kay “Bipolar Disorder”?

Ang “Bipolar Disorder” ay isang komplikadong sakit. Napakarami nitong sintomas, at marami rin itong klase. Ang nangungunang sintomas nito ay ang biglaan at hindi maintindihang pagbabago-bago ng ugali. Meron rin itong hindi masyadong malala at napakalalang mga klase. May mga sintomas ding tinatawag na “mania” o iyon bang hindi mapakali ang may sakit nito. Ang mga sintomas ay sobra-sobrang kaligayahan, madaling magalit, hindi humihinahon, mataas ang enerhiya, hindi gustong matulog, napakadaming iniisip, mataas na libido, at ang pagkakaroon ng napakalaki ngunit imposibleng mga plano. Meron ring sintomas na nasa ilalim ng depresyon tulad ng pagkalungkot, pagkabalisa, pagkamatamlay, hindi mapigilang pag-iyak, nagbabago ang ganang kumain, gustong palaging natutulog, hindi makagawa ng desisyon, at may mga sumasagi sa isipan na pagpapakamatay. Marami ring klase ng bipolar disorder – ang lahat ay may iba’t-ibang antas ng depresyon at “mania”.

Anu-ano ang magagawa mo kung napapansin mo ang iyong sarili o ang ibang tao na mayroon silang “Bipolar Disorder”? Unsa imong mabuhat kung nahibal-an nimo nga naa kay sakit nga “Bipolar Disorder”?


Kung napapansin mo nang meron kang sintomas o ang ibang tao, huwag nang mag-atubili pang humingi ng tulong. Kapag hindi mo pinagtuunan ng pansin ang problema, hindi ito mawawala, bagkos, mas lalala pa ito. Kinakailangan mo talagang magpatingin sa doktor bago ka pa makapanakit ng ibang tao lalo na ng mga mahal mo. Matagal ang gamutan sa ganitong sakit dahil pabalik-balik ito. May mga medikasyon na kailangang inumin upang maiwasan na umatake ang mga sintomas. Ilan sa mga gamot ay para panlaban sa depresyon, pagkawala sa sarili, pampakalma, at mga bitamina. Kailangan ring may kaakibat na therapy, pagbabago sa pamumuhay at suporta mula sa kapamilya upang maging matagumpay ang gamutan. Kailangan ring magpatingin sa “psychiatrist” upang mas maintindihan pa ang pinagdadaanan ng pasyente.

About the author

Medical Team

Our medical team verify the medical accuracy of the articles you read on our site. U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.