Dementia: Makalimutin, pagkalimot, pagbago ugali, wala memorya, hirap salita, memory disorder, brain disease

Dr. Ed Santos
is a Medical expert in Saudi Arabia

Ano ang dementia? / Unsa ang dementia o pagkabungawon? What is meaning


Ang dementia ay hindi spesipikong masasabing sakit. Bagkos, and dementia ay naglalarawan sa grupo ng mga sintomas na seryosong umaapekto sa ating kakayanang mag-isip at pakikihalubilo sa ibang tao na umaapekto sa ating pang-araw-araw na gawain. Maraming sanhi ang nagdadala ng sintomas ng dementia. Ang “Alzheimer’s disease” ang pinaka-karaniwang sanhi ng “progressive dementia”. Ang pagkawala ng memorya ay pangkaraniwan na sa dementia. Subalit ang pagkawala ng memorya ay hindi nagsasabing meron ka nang dementia. May hindi bababa sa dalawang problema sa paggana ng isip ang nangyayari sa dementia – tulad ng pagkawala ng memorya at hindi na makapagsalita, hindi na nakakagawa ng pang-araw-araw na gawain tulad ng pagbabayad ng renta o pagkawala habang nagmamaneho. Ang dementia ay maaaring magpalimot sa iyo sa mga tao at pangalan nila. Maaari ring magbago ang iyong personalidad at pag-uugali. Subalit, ang ilang dahilan ng dementia ay maaaring pang lunasan.



Ano ang dahilan ng dementia? / Unsa ang hinungdan sa dementia? Causes of chronic disorder


· Mga sakit na nagsasanhi sa pagkawala ng “nerve cell” o mga pangunahing yunit na bumubuo sa utak tulad ng “Alzheimer’s disease at Huntington’s disease”.

· Mga sakit na umaapekto sa daanan ng dugo o “blood vessels” tulad ng “stroke”.

· Mga reaksyon sa nakakalason na mga kemikal tulad ng alcohol o “drug abuse”.

· Kakulangan sa nutrisyon tulad ng Bitamina B12 at “folate”.

· Mga impeksyon na umaapekto sa utak at “spinal cord” tulad ng “Acquired Immunodeficiency Syndrome (AIDS)”.

· Mga klase ng pagkakaroon ng tubig sa utak.

· Pinsala sa utak – tulad ng mga aksidente at napinsala ang ulo.

· Mga sakit sa bato, atay, baga at iba pang sakit na maaaring magdala ng dementia.

Ang “Alzheimer’s disease” ang nagsasanhi ng 50% hanggang 60% ng lahat ng dementia.



Sintomas/ Ang mga mabatian, symptoms, signs of dementia


Maraming sintomas ang dementia depende sa dahilan nito, ngunit ang mga pinaka-karaniwang sintomas ay ang:

· Pagkawala ng memorya


· Hirap sa pagsasalita


· Hirap sa paggawa ng mga komplikadong gawain


· Hirap sa pagpapaplano at pag-oorganisa


· Hirap sa koordinasyon at mga gawain


· Problema sa pagkabatid kung nasaang lugar na siya, kaya madalas ay napapadpad sa ibang lugar at nawawala


· Pagbabago sa ugali


· Hindi na marunong magpaliwanag


· Madaling nagagalit


· Mayroong naririnig, nararamdaman, nakikita na wala naman talaga.



Paano lulunasan ang dementia? / Unsaon pagtambal ang dementia? Remedies, cure, medication, treatment, medicine


Maraming klase ng dementia ang nalulunasan. Subalit ang mga doktor ay makakatulong sa iyo sa pagkontrol ng mga sintomas. Ang paggamot sa sintomas ng dementia ay nakakapagpabagal o nakakabawas sa pagkakaroon ng sintomas. Ang mga gamot na ito ay:

· “Cholinesterase inhibitors”. Ang mga gamot na ito ay tumutulong upang pataasin ang kakayahan ng mga kemikal sa utak na pabutihin ang memorya at kakayanang makapag-desisyon. Meron nga lang itong mga dulot na hindi maganda sa pakiramdam tulad ng pagsusuka at pagtatae.

· “Memantine”. Ang gamot na ito ay tumutulong upang kontrolin ang aktibidad ng “glutamate”. Ito rin ay isang kemikal na mensahero na gumaganap sa mga trabaho ng utak tulad ng memorya at kakayanang matuto. Ang hindi nito kaaya-ayang epekto ay pagkahilo.

· Iba pang mga gamot. Ang iyong doktor ay maaari kang bigyan ng gamot upang malunasan ang iyong problema sa hirap sa pagtulog.

· Mayroon ring mga “therapy” kung tawagin na tumutulong upang makagawa ng paraan na maging mas madaling gumalaw-galaw sa paligid sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng hindi maingay na tirahan. Kailangan ring baguhin ang kanilang mga gawain. Nararapat na gawin itong mas simple at paulit-ulit upang hindi sila malito.


Mga pagbabago sa pamumuhay at mga pwedeng gawin sa bahay. / Mga kabag-uhan sa panginabuhi ug mga pwede buhaton sa balay.


Ang mga taong may dementia ay makakaranas ng paglubha ng sintomas at problema sa ugali paglipas ng panahon. Ang mga tagapangalaga sa kanila ay kakailanganing gawin ang mga ito sa iba’t-ibang sitwasyon:

· Mas pabutihin ang pakikipag-usap. Kung kinakausap ang may dementia, kailangang magsing-abot ang paningin. Marahan dapat ang pagsasalita at simple ang mga pangungusap. Huwag madaliin ang mga salita.

· Akayin silang mag-ehersisyo. Ang pangunahing benepisyo ng ehersisyo ay ang mas pinaiging lakas ng puso ng may dementia.

· Kailangan rin nilang sumali sa mga palaro, kailangang may sundin silang ritwal sa pagtulog upang mas makapagpahinga sila, kailangan nilang malaman ang bawat araw sa kalendaryo at dapat magplano sa mga magaganap sa hinaharap.


About the author

Dr. Ed Santos

My uncles and aunts were pediatricians and family physicians, so I had an inkling that I would do primary care. So at a young age, I dreamt of becoming a physician.
Profession: Family Medicine
Saudi Arabia , Jeddah

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.