Ang OFW At Ang Sexually Transmitted Disease (STD)

Dr. Marie Gabrielle Laguna-Bedia
is a Medical expert in the Philippines

Risks from Sexually transmitted infections and diseases to overseas Filipino workers

by Marie G. Laguna-Bedia M.D.


Napakalungkot para sa mga OFW na mawalay sa kanilang mga asawa’t anak. Naiintindihan naman natin na ang sexual na relasyon ay bahagi ng pag-aasawa. Kung ang isang tao ay malayo sa asawa, maari siyang matukso at makipagrelasyon sa ibang tao para mabawasan ang lungkot at pangungulila sa pagmamahal ng asawa. Dito nagsisimula ang sekswal na relasyon sa labas ng kasal (outside of marriage) na humantong sa isang nakakahawang sakit: STD.


Sexually transmitted infections (STIs) are passed from one person to another through unprotected sex or genital contact. Madalas, ang mga pasyente na nagpapagamot ng STD sa klinika naming mga duktor ay mga OFW, kaya naisipan kong isulat ito.


Ano ang mga sexually transmitted diseases (STD)? Ang mga sexually transmitted diseases (STDs) ay kabilang sa mga nakakahawang sakit na karaniwan sa buong mundo. Higit sa 20 STD na ang nakilala ngayon ng mga experto at makakaapekto ang mga ito sa libu-libong mga kalalakihan at kababaihan sa bansang ito bawat taon. Malaki-laki rin ang gastos sa pagpapagamot ng STD.


Ang isang taong nakikipagtalik sa maraming sexual partners ay maaring mahawaan ng STD at manghawa sa kanyang asawa. Hindi lamang ang mga asawa ang apektado; kapag buntis ang asawang babae, maaapektuhan din ang sanggol sa sinapupunan nito.


Paano ba makakaapekto ang STD sa mga babae? Ang mga problemang pangkalusugan na dulot ng STD ay pwedeng lumala at magdulot ng komplikadong mga sakit. Maaring kumalat ang STD sa matris (bahay-bata) o fallopian tubes at magdulot ng pelvic inflammatory disease (PID), abortion, pagiging baog at ectopic (tubal) na pagbubuntis. Ang ectopic pregnancy ay nakamamatay.


STDs are sometimes referred to as sexually transmitted infections (STIs) since they involve the transmission of a disease-causing organism from one person to another during sexual activity. It is important to realize that sexual contact includes more than just sexual intercourse (vaginal and anal). STDs probably have been around for thousands of years, but the most dangerous of these conditions, the acquired immunodeficiency syndrome (AIDS or HIV disease


Ang STD sa mga kababaihan ay maaaring ding magdulot ng cervical cancer. Ang human papillomavirus na impeksiyon (HPV) ay maaaring magdulot ng genital warts at mga kanser. Ang STD ay pwede ding ipasa ng ina sa kanyang sanggol bago, habang o pagkatapos ng kapanganakan. Ang ilan sa mga impeksiyon na ito ay madaling gamutin, ngunit ang iba ay maaaring magdulot ng disability o kamatayan sa sanggol.


Ang ilan sa mga karaniwang STD ay ang chlamydial Infection, genital herpes (herpes sa ari), genital warts, gonorrhea at syphilis. Ang iba pang mga STD ay ang mga sumusunod: human immunodeficiency virus (HIV), trichomoniasis, bacterial vaginosis, impekisyon nga cytomegalovirus at kuto o pubic lice (crabs). Many STDs are treatable, but effective cures are lacking for others, such as HIV, HPV, and hepatitis.


Paano mo ba mapoprotektahan ang sarili mo sa STD? Ang pinakamaganda mong gawin ay ang pag-iwas sa sekswal na kontakt sa ibang tao bukod sa iyong asawa. Siguraduhin na ang iyong kapartner ay walang STD. Labanan ang lungkot ng pangingibang bayan sa tulong nga ilang mga activities na makakapag-divert ng atensyon mo. Kung hindi mo talaga maiwasan ang makikipagtalik, gumamit ng mga condom sa tamang paraan. Ang latex o polyurethane na mga condoms, kapag ginamit ng tama, ay makakaprotekta sa iyo laban sa mga STD.


    • Before you have sex, look closely at your partner for any sign of an STI – a rash, a sore, redness, or discharge. If you see anything you are worried about, don't have sex!

    • Get checked for an STI every time you have a health exam. If you have more than one sex partner, get examined for an STI any time you think you might be at risk, even if you don't have symptoms.

    • Know the signs and symptoms of an STI. If you notice a symptom that worries you, get checked out.

    • Pwedeng i-delay mo ang iyong mga sexual na relasyon kung ikaw ay malayo sa asawa o kung ikaw ay bata pa. Kung ikaw ay unang makikipagtalik sa mas batang edad, mataas ang iyong chance na makakuha ng STD. Ang mga taong may mas maraming sexual partner ay higit na may mas mataas na chance na magkaroon ng STD.



    • Sana makatulong ito sa ating mga kababayang OFW. Ang susunod nating talakayin ay tungkol sa mga paraan ng paglaban sa stress habang ikaw ay nagtatrabaho sa abroad.




      Si Dr. Marie ay isang espesiyalista ng Adult Medicine na kasalukuyang nagpa-practice sa Iloilo City. Kung kayo ay may mga tanong tungkol sa inyong mga sakit o health concerns bilang OFW, maari kayong magtanong sa "Medical Advice" column.


2 person likes this

About the author

Dr. Marie Gabrielle Laguna-Bedia

Internal Medicine/ Adult Medicine/ Palliative Medicine. Online Consultation at https://www.facebook.com/bediamedicalclinic/
Profession: Internal Medicine
Bedia Medical Clinic
Office Address: Meds at Sea Pharmacy, Tabucan, Barotac Nuevo, Iloilo
Philippines , Iloilo , Iloilo City

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Lyn Sushar
is in the Philippines
Doc, Dra. dati po akong ofw at nung umuwi po ako ay ngkabf po ako.may nangyari po sa amin at nlaman ko po na mero. po syang genital warts nang ngpacheck up ako s obgyne.nhawaan ako ng genital warts.ung bf ko po ang unang lalakeng pnayagan kong mkipagtalik sakin.tanong ko lang po kung kpag mgApply po ako abroad, posible pa rin po ba akong maApprove at maHire kahit na meron akong history ng genital warts?salamat po.
Dr. Marie Gabrielle Laguna-Bedia
is a Medical expert in the Philippines
Dear Lyn,
Na treat na ba ang genital warts mo? Kapag nagamot na ito, pwede kang humingi ng medical certificate sa duktor na gumamot sa'yo na hindi na aktibo ang genital warts mo at nagamot na ito. Ang medical certificate na ito ay maari mong ipakita sa kung sinumang duktor na mag-memedical examination sa'yo before ka mag-abroad. I think wala namang magiging problema kapag nagamot na ang genital warts mo. Depende pa rin sa evaluation ng duktor na aprubado ng agency or company mo kung makakapasa ka sa medical exam o hindi dahil sa history mo ng genital warts.

Regards and Happy New Year!

Dr. Marie
2 person likes this
Erick Aguilar
is in the Philippines
hi dra marie aq po c erick from bulacan..my asawa at kapapanganak nya lng po..meron po akong ibang experience sa sex sa iba..at nung una wala po aqng nararamdaman..at makalipas ang ilng buwan..my tumubo po saaking parang kulugo sa part po ng aking penis..walang ibang sintomas kundi un lng po tlaga..std po b un?mklipas po ang ilang buiwan nanganak po ang aking asawa..at aq po ay inuubo..ngtae at nilagnat ng 2 araw..pero nawala po un kaagd dhil uminom po aq ng gamot..kinakatakot q lng po hindi p aq ngpapatingin sa doctor..at natatakot po aq sa aking asawa bka nahawaan q xa ng skit q..nung oingbubuntis nya pa ung baby nmin meron sa knyang lumalabas n parang nana at masangsang n amoy..nung ngpatingin xa sa ob..nkitaan nga xa ng skit n std..at neresetahan po ng gamot na co.amoxiclav..kylangan nya dw po un mainum at bka dw po mabulag ang bata..ang kinalulungkot q po..isa lng po ang nainum nyang gamot..at hnggang sa manganak nga sya..posible po bng mahawaan ang baby nmin?at qng mahawaan nga xa..my gmot po ba para sa baby?at para saamin?please dra tulungan nyo po aq..ang laki n po ng pinayat q kakaicip sa mgina q..sobrang stress n po aq..hindi po aq mkpgtrabaho ng maayos..dhil ang isip q po ay nasa mgina q..dra humhenge po aq sa inyo ng payo qng anu po ang dapat qng gwin..my lunas po b sa std?lagi po aqng ngdadasal alam q pong makaktulong un khit papaanu..sana po iligtas kmi sa skit n un...gusto q pa pong mabuhay para sa mgina q..dhil sa katrntaduhan q po nilagay q cla sa panganib..pero ang babay q ok nman xa ng isang buwan n po xa nungt july 2 at my injection n po xa sa bcg..sana po matulungan nyo po kmi dra..mrming salamat po..godbless
Erick Aguilar
is in the Philippines
pwede po bng mgpasuso ng baby ang my std?
Atsuck Lee
is a none in the Philippines
doc nag ka gonnorhea po ako dulot ng sexual contact & 1.st ng yare nun feb 25.2k15 & nalaman ko nlng nag tulo nko mga march 6.2k15 nag self medications po ako nka pero nag tae po ako kati kati after ku sia nagamot at nagamot ko nmn nawala po yun fuel discharge then tumagal po ng march 31 bago kupo nalaman na my oral gonnorhea ako april 1.2k15 nun nag pa consulta nko sa doctor niresetahan po ng 3 meds yun isa pang 7days ko tinake yun isa pang 15 antipungal ata yun tas yun isa nmn 10.days ko tinake yun para sa oral mount 20.Pisces... sa ngaun po kc nkka randam ako ng pag kati kati padin at my singaw padin po ako sa gums pero yun sa labe ko pero nag pa lab test npo sabe sa resolt non react po sa dugo ko . ibig sabihin ba dok my pag asa pato gumaling hanggat hndi pa nakkuntamina ng gonnorhea yun dugo ko . please response sa ngaun po nag ttake padin ako ng meds ng dok tas tea na soursop leaves & fruits malunggay leaves guava leaves & ginger ni extract kupo yan at ginawang tea ...
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
good day..yung pamangkin q sugat daw sya sa bukana ng pwerta nya..mahapdi dw 0o kapag nghuhugas sya ng pwerta nya at mdyo malansa ang likido..anu po iyon?
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.