Paano malalaman kung mayroong kuto ang isang tao? Ano senyales
Paano malalaman kung may kuto sa buhok o bulbol?
Ang dayagnosis ng pagkakaroon ng kuto ay ginagawa sa pamamagitan ng paghahanap ng buhay na kuyumad o kuto sa anit o buhok ng isang tao. Dahil napakaliit ng mga ito, mabilis gumalaw, at umiiwas sa liwanag, maaaring mahirap mahanap ang mga kuyumad at kuto. Ang paggamit ng magnifying lens at suyod ay makakatulong sa paghahanap ng buhay na kuto. Kapag walang nakitang gumagapang na kuto, ang paghahanap ng mga lisa na nasa ¼ pulgada ang layo mula sa base ng hibla ng buhok ay nagsasabi na malaki ang posibilidad na mayroon kang kuto, ngunit hindi nito kinukumpirma na kailangang gamutin ang isang tao dahil sa impestasyon ng kuto. Ang mga lisang nakakabit sa mahigit ¼ pulgada ang layo mula sa anit ay karaniwang patay na o napisa na. Madalas na naipagkakamali ang mga lisa bilang balakubak, maliliit na patak ng spray sa buhok, at mga dumi. Kung walang nakitang buhay na kuyumad o kuto, at tanging mga lisa lamang na nasa mahigit ¼ pulgada ang layo mula sa anit ang nakita, malamang na dati pa ang naganap na impestasyon at hindi na aktibo at hindi na kailangang gamutin.
Kung hindi ka sigurado kung may kuto ang isang tao, kailangang isagawa ang dayagnosis ng isang health care provider, ng lokal na departamento sa kalusugan, o iba pang taong sinanay sa pagtutukoy ng buhay na kuto.
Kung hindi ka sigurado kung may kuto ang isang tao, kailangang isagawa ang dayagnosis ng isang health care provider, ng lokal na departamento sa kalusugan, o iba pang taong sinanay sa pagtutukoy ng buhay na kuto.
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.