Pinakakaraniwang naipapakalat ang mga kuto sa pamamagitan ng direktang pagdikit sa buhok ng taong may kuto. Maaari itong maikalat dahil sa pagdikit sa bagay na walang buhay at mga kagamitang personal, ngunit hindi ito karaniwang nangyayari. Ang mga paa ng kuto ay ispesyal na nakaangkop upang kumapit sa buhok ng tao. Mahihirapan itong kumapit nang mahigpit sa makinis o madulas na mga bagay tulad ng plastik, bakal, mga polished na synthetic na balat, at iba pang kahalintulad na materyales.