Swollen testis due to STD-Naliliyo, mapait panlasa

Eric Anoni
is in the Philippines

Hi to all the doctors

Meron po ako problem na nangyari nung last 2 weeks ng november 2014 gumimik kami ng kaibigan ko sa isang massage parlor then kuha kami ng girls tig-isa then nakipagdeal ako dun sa girl and nag proceed kami sa sex. Naka condom from start to finish and ang di ko po maintindihan is after 1 week namaga ang testicles ko ngayon nag punta ako sa regional hospital and pinabili ako ng Ceftriaxone IV naturukan ako and niresitahan ako ng Ofloxacin 400mg, generics lang ang nabili ko since kapos ako sa budget, Oframac ang brand P6.50 and price number of tablets 28 for 2 weeks 2 each day. Ang isa ko pa po ikinababahala is 3 days na ako nainom ng anti-bio still paga pa din testis ko. Nag google ako and sabi sa net is azithromycin and doxycycline for oral. Yun po ba Ofloxacin na nabili ko effective and kung Ofloxacin pa din recommend nyo should I switch to more expensive brand like Pharex 41.00 and others na almost P80.00 ayaw ko na po magulit ng madami na anti bio kasi masama din sa katawan di po ba? Mapait na rin panlasa ko and nalliliyo. Paki email and post na din po yung answers nyo sa [email protected] , Thanks in advance doc.



Topic: Two weeks ago (in November 2014), my friends and I went to a massage parlor and we got some girls and negotiated their services. So I had sex with a girl, but I used condom from start to finish. After one week, my testicles started swelling. So I went to a regional hospital and was told to buy Ceftriaxone IV, and was injected this. I was also prescribed Ofloxacin 400 mg, but I was onlly able to buy generics, since I had limited budget, Oframac was the brand, P6.50 and 28 tablets for 2 weeks, twice a day.

I'm worried now because I've been taking the tablets for 3 days now but my testis is still swollen. So I googled it on the Internet and it says to take Azithromycin and Doxycycline orally. Is Ofloxacin effective, and if so, should I buy the more expensive brand like Pharex, which costs around 41 pesos each or others which cost 80 pesos? I don't want taking so much antibiotics again, because it is not good to take too much antibiotics, right? I'm feeling giddy/dizzy and have bad/bitter taste in my mouth.

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
May Gablinez
is in United States
Hope you learned from that experience. 3 days ka pa lang umiinom, i don't think that is something you need to worry about. You need to finish the exact dosage the doctor gave you. Also, huwag kang mag-skip or else, those bacteria nay develop immunity, if that happens, good luck!
Eric Anoni
is in the Philippines
Hello po Doc. Di ko na po uulitin, nag switch ako ng ibang brand pero same ng generic from Ofloxacin Oframac to Ofloxacin Pharex naramdaman ko bisa nya nawawala na yung pamamaga unti unti, last question dra. kailangan ko pa ba bawiin yun 3 araw na nagtake ako ng Oframac in short sa halip na 14 days mag 17 days ako. Ramdam ko side effects nung murang Oframac kesa medyo mahal na Pharex, di na ako na liliyo at dry mouth. Thank you po ulit.
Mabuhay Pilipinas
is a Medical expert in Nicaragua
Hello Eric,

Kumusta ka na? Matagal na ring walang nakapansin sa katanungan mo. Ilang buwan narin ang nakalipas. Batid ko lang na kumustahin ka kung wala nang pamamaga sa iyong bayag. Naintindihan ko na malinaw sa iyo ang dahilan ng pamamaga ng iyong bayag at sana ay naitindihan mo rin ang silbi ng antibiotics na nireseta sa iyo ng doctor. Ngayon, sa tingin ko ang hindi malinaw sa iyo ay kung ang generic na gamot. Ang nirereseta naming gamot ay batay sa generik name nito. Ibig sabihin, walang partikular na brand ng gamot ang aming prinopromote. Sa paraang ito, nabibigyan ng malayang karapatan ang mga tao sa pagbili ng kung anumang brand na tumutugon sa kanilang 1)budget 2) nakasanayan 3)kung ano ang tumatalab ayon sa pansariling karanasan. Ang generik drugs ay parepareho naman ang sangkap. Ngunit hindi lahat. Mahabang usapin sa parmacolohiya kapag ilalahad ko lahat ang mga pagkakaibang ito. Ang masasabi ko lang, mainam na sumangguni sa iyong doctor kung ano sa tingin nya ang magandang brand na para asa iyo. Sa paraang iyon ay makakalap mo ang brand na sa tingin ng iyong doctor ay epektibo at subok na. Subalit sa reseta, generik name lamang ang sinusulat. Parang ganto lang yan. Pwede kang pumili ng kurso na gusto mo sa kolehiyo, halimbawa ay medisina. gaya ng generik name, ang medisina ay pangkalahatang kurso. Ang brand naman ay ang paaralan kung saan ka kukuha ng medisina. Halimbawa, Ateneo School of Medicine ay katulad ng brand name ng generic name na "medisina".

Kalimitan ang pamamaga ay hindi agad agad nawawala. Ang antibiotics ay nakakatulong lamang sa pamamaga sa pamamagitan ng pagpatay sa pathogens gaya ng bacteria o virus. Huwag agad kabahan kapag ang pamamamaga ay hindi agad humuhupa. Ang importante ay tiyak kang unti-unting pinapatay ng antibiotics ang mga pathogens sa apektadong parte ng iyong katawan. Ang pagtigil ng gamutan sa gitna ng intake schedule ay nakakapagwalang bisa sa gamot lalot ito ay antibiotics. Parang ganto lang. Bago ka makarating sa Baguio ay kailangan ka munang dumaan sa Pangasinan. Kung tumigil ka sa Pampanga pa lamang, sa tingin mo ba ay makakarating ka sa Baguio? Ganun din ang antibiotics, dapat tuloy tuloy ang pag-inom. Malala jan, baka hindi tuluyang gumaling ang sakit at kung gumaling man, baka may natitira pang pathogens na magiging sanhi naman ng tinatawag na relapse o ang pagbabalik ng dati nang gumaling na sakit.

Sana ay nakatulong ako sa iyo. Pakibalita narin kung kumusta na ang inyong nararamadaman sa ngayon. Salamat!

Doc rands

About the author

Mabuhay Pilipinas

Profession: Adolescent Medicine
Office Address: Tandang Sora, Q.C
Nicaragua , Managua
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.