Acute Sinusitis o nahihirapan huminga, barado ilong: Paggamot at lunas, Symptoms, signs

Dr. Ed Santos
is a Medical expert in Saudi Arabia

Ang acute sinusitis ay nagsasanhi sa daanan ng hangin sa loob ng ilong at ulo o “sinuses” na mamaga at sumakit. At ito ay nagdudulot ng hindi magandang labasan ng sipon at pagka-imbak nito sa loob ng ilong. Sa acute sinusitis, ang paghinga sa ilong ay nagiging pahirapan. Ang lugar na nakapalibot sa mata at ang mukha ay nagiging masakit hawakan at nagdadala rin ng sakit ng ulo. Ang sinusitis ay maaaring dala ng infection, allergy at iritasyon ng mga sinus. Ang sinusitis ay isa sa pinakakaraniwang karamdaman na nararanasan ng tao sa kanyang buong buhay.


Ano ba ang sinuses?


Ang sinuses ay isang lugar sa loob ng ulo at mukha na napupuno ng hangin. Sila ay konektado sa paghinga at nagsisilbing mga daluyan ng hangin. Ang tao ay may apat na klase ng daluyan ng hangin at sila ay ang “frontal sinus” na matatagpuan sa loob ng nuo, ang “maxillary sinus” na matatagpuan sa likod ng pisngi, ang “ethmoid sinus” na nasa gitna ng mga mata, at ang “spenoid sinus” na nasa likod ng “ethmoid sinus”. Sa kabuuan, ang apat na ito ay tinatawag na “paranasal sinuses”. Ang mga trabaho ng sinuses ay ang pagpapainit sa hangin na pumapasok sa mga ilong, nagpapanatili rin itong maganda ang temperature sa loob ng mata, nagpapaklaro at nagpapalakas ng boses, at nagpoprotekta sa mukha laban sa “facial trauma” at nagpapagaan sa ating mga bungo upang hindi masyadong mabigat ang ating ulo.


Sanhi , Causes


Ang infection sa sinuses ay nangyayari kapag mayroong masamang organismo ang nakapasok sa sinus tulad ng virus, bacteria, at fungi – at namamalagi dito. Dahil sa pamamahay nila sa sinuses ay nagbabara ang dapat sanay labasan ng hangin sa ulo. Ang iba pang sanhi ng sinusitis ay ang simpleng sipon, allergies, at irritants tulad ng nasal sprays, bawal na gamot tulad ng cocaine, at paninigarilyo. Kapag rin maraming naiimbak na sipon sa sinuses ay mas nabubuhay ang mga bacteria dito. Mayroon ring mga karamdaman na nagtataas ng iyong tsansang magkasinusitis tulad ng nasal polyps at tumors, mga problema sa hugis ng ilong, infection sa ngipin, at iba pang mga sakit.


Sintomas, Symptoms, Signs


Ang sintomas ng acute sinusitis ay ang paglabas ng malagkit at kulay dilaw na discharge mula sa ilong at sa likod ng lalamunan, pagbabara ng ilong na nagdudulot ng hirap sa paghinga, sakit, pamamaga at pressure sa palibot ng mga mata, pisngi, at nuo, kabawasan sa panlasa at pang-amoy, ubo na mas gumagrabe sa gabi. Ang iba pang mga sintomas ay masakit na tenga, ulo, ngipin, mabahong hininga, madaling pagkapagod, at lagnat.


Lunas, Cure, Treatment


Karamihan sa mga sinusitis ay hindi nangangailanga ng gamot dahil dala lamang sila ng simpleng sipon. Mas maigi pa rin na alagaan parati ang pangangatawan upang hindi magka-sinusitis. Subalit, upang maagapan ang mga sintomas, narito ang mga binibigay ng mga doktor. Nariyan ang “saline nasal spray” na ini-ispray sa loob ng ilong ng ilang beses sa isang araw upang ma-“rinse” ang loob ng ilong. Ang isa pang gamot ay ang “nasal corticosteroids”. Ito ay mga nasal sprays rin na nagbabawas sa pamamaga ng mga sinuses. Ang mga halimbawa nito ay ang fluticasone, Nasonex, beclomethasone, etc. Mayroon ring mga “decongestants” na nagpapabawas sa bara sa ilong. Para naman mawala ang sakit na dala ng sinusits ay maaaring uminom ng mga pain relievers tulad ng aspirin, paracetamol, at ibuprofen. Ang antibiotics ay ginagamit lamang sa mga sinusitis na ang sanhi ay bacteria.


Home Remedies at Prevention


Ang mga tulong sa sarili na nakakabawas sa sintomas ng sinusitis ay ang pagkakaroon ng sapat na pahinga, pag-inom ng maraming tubig at juice na nakakalabnaw sa sipon at madali itong nalalabas sa mga sinus. Ngunit iwasan ang mga inumin na may caffeine at alcohol dahil nakaka-dehydrate sila. Maaari ring gawing moist ang loob ng sinuses sa pamamagitan ng paglalagay ng towel sa ulo habang lumalanghap ng water vapor mula sa bowl ng mainit na tubig. Ito ay nakakabawas rin sa sakit ng pamamaga. Maaari ring maglagay ng “warm compress” sa mukha at kung matutulog ay itaas ang parte ng ulo upang madrain ang mga sipon at mabawasan ang nararamdamang bara sa sinuses.


About the author

Dr. Ed Santos

My uncles and aunts were pediatricians and family physicians, so I had an inkling that I would do primary care. So at a young age, I dreamt of becoming a physician.
Profession: Family Medicine
Saudi Arabia , Jeddah

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Ilang araw na po ako may sinusitis. Napapansin ko ang lugar na nakapaligid sa mata ko nagiging pula at namamaga. Ano po ba dapat kong gawin?
Dr. Ed Santos
is a Medical expert in Saudi Arabia
Kung ikaw ay may impeksyon sa iyong sinuses, ito ay maaaring lumaganap sa iyong mata at sa paligid. Ito ay nagdudulot ng seryosong mga problema sa kalusugan, kaya importanteng maghanap kaagad ng medikal na atensyon. Para sa karamihan sa mga tao, ang sinusitis ay gumagaling nang walang problema, at karaniwan itong walang partikular na lunas. Subalit, mas seryosong komplikasyon ang nagaganap kapag ang impeksyon ay pumupunta sa ibat-ibang parte ng mukha at bungo na malapit lamang. Kabilang na dito ang iyong “eye sockets” at utak. Ang impeksyon ay maaari ring lumaganap sa iyong buto at dugo na nasa paligid.
Ang mga problemang ito ay minsan lamang mangyari, subalit maaari silang maging napaka-seryoso, kaya importanteng malapatan ng lunas sa lalong madaling panahon. Kapag ikaw ay may sinusitis at nagkaroon ng ganitong sintomas, maaaring ito ay sintomas na mayroon impeksyon ang iyong eye sockets.
• Pamamaga o pamumula sa paligid ng mata
• Problema sa iyong paningin, gaya na lamang ng “double vision”
• Nakausli na mga mata
• May kirot na nararamdaman kapag ginagalaw ang mata
Ito ay tinatawag na “orbital cellulitis”. Kapag walang nilapat na lunas, ang orbital cellulitis ay maaaring magdulot ng seryosong problema, kabilang na ang pagkabulag at meningitis. Importanteng makapag-pagamot kaagad kapag ikaw ay may kahit isang sintomas sa itaas. Kabilang sa mga gamot ay ang antibiotics na binibigay direkta sa ugat o sa pamamagitan ng operasyon upang ma-drain ang pamamaga.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Pwede ba akong sumakay ng eroplano kapag may “chronic sinusitis” ako?
Dr. Ed Santos
is a Medical expert in Saudi Arabia
Ang paglipad ay nagdudulot ng pananakit ng iyong sinuses, kaya naman ang iyong doktor ay maaaring magrekomenda na huwag munang lumipad kapag ikaw ay may sinusitis. Subalit, kung ikaw ay may “decongestant spray”, maaari nitong mabawasan ang sintomas nang sapat upang ikaw ay makalipad nang mas komportable.
Kung ikaw ay nasa eroplano, ang pressure sa loob ay nag-iiba-iba sa panahong umangat na ito sa ere, pumapaitaas, o pumapaibaba sa lupa. Ang hangin sa loob ng iyong sinuses ay nag-eexpand o lumalaki kapag ikaw ay umaakyat sa matatayog na lugar at lumiliit naman kapag ikaw ay bumababa mula sa mataas na lugar. Kapag ang iyong sinuses ay barado o namamaga, ang hangin sa loob nito ay maaaring hindi makalabas-masok. Kapag ang air pressure sa sinuses ay mas mataas o mas mababa sa nakapalibot na pressure sa isang lugar, maaari itong magdulot ng pagkirot. Maaari rin itong makasanhi ng pagdurugo o pagputok ng “eardrum”.
Kung ikaw ay nagpa-plano na magbyahe sa himpapawid, mas maiging maghintay muna hanggang ang ga sintomas ay mawala. Kapag hindi ito posible, gumamit ng decongestant. Magtanong sa iyong doktor para sa iba pang mga payo.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Maiiwasan po ba ang sinusitis?
Dr. Ed Santos
is a Medical expert in Saudi Arabia
Hindi, ang sinusitis ay hindi naiiwasan. Subalit, may mga bagay na pwede mong gawin upang makatulong na mabawasan ang iyong tsansang makakuha nito.
Walang naitatalang mga paraan upang maiwasan ang sinusitis. Subalit may mga paraan upang maiwasang magkaroon nito. Ang mga pangunahing pwedeng gawin ay ang nasa ibaba.
• Gumamit ng “salt water sprays” o drops upang mapanatiling mamasa-masa ang loob ng ilong.
• Kapag ikaw ay nakatira o nagtatrabaho sa napakatuyo na lugar, subukang gumamit ng “humidifier”. Ito ay makakatulong na mapanatiling mamasa-masa ang hangin sa paligid.
• Huwag manigarilyo.
• Huwag maglagi sa mga lugar na merong naninigarilyo o mayroong amoy na napakatapang.
• Kung ikaw ay may allergies na maaaring maka-trigger ng sinusitis, subukang huwag lumapit sa kanila.
• Kapag palagi kang nakakakuha ng sinusitis, makakatulong na magkaroon ng “allergy tests.” Tanungin ang iyong doktor para sa marami pang impormasyon.
• Ang chlorine sa mga pampublikong paliguan ay maaaring maka-irritate sa loob ng sinuses at ilong, kaya huwag manatili ng napakatagal sa mga pools.
Jennyjoy Leyson
is in the Philippines
Lagi po aq sinisipon at bumabahin,smskit dn po ung ulo at mata q dahil s pgluluha,ano po b ang pwede qng gmot d2..
May Gablinez
is in United States
patingin ka sa ENT, i think allergies yan
Reden Vergara
is a non-Filipino member from Saudi Arabia
Doc palagi po akong may sipon,kaya lang tuyo po ito at laging nababahing,at kapag humihinga ako,may tunog po ito,may nalasaan din po akong dugo sa laway ko...ano po ang sanhi nito? plss reply mo po thanks po...
May Gablinez
is in United States
patingin ka sa doctor baka kailangan ng tests para diyan
Mer Starne
is in the Philippines
sinus po ba to ? pag dura ko ay may dugong kasma ang sipon ko..hindi pula parang kuay marron.
May Gablinez
is in United States
pa-check up ka. baka may kailangan i tests para matukoy yung problema
Reysie Casela
is in the Philippines
mam yun po sipon q po para po naiipon sa loob ng ilong q sinisinghot q po tapos po wla nman q makuha pero ramdam q may bara po e! un po ba "decongestant spary" need pa po ba ng reseta? or kahit wala na po? salamat po
Reysie Casela
is in the Philippines
doc yun po ilong ko paparang nanunuyo ung loob po tapos po singhot q nhg singhot wla naman po ako masinghot! tanong ko lang po yun po bang "decongestan spray" need pa po ba ng reseta pag bibili?
Reysie Casela
is in the Philippines
doc bakit po nagkakaroon ng putik buhok ung ilong ko? 30 pa lang naman ako!
JHong F
is in Asia/Pacific Region
Doc, ask ko lng po. Pano po ba ang dapat kong gawin s sinusitis ko. Ksi palagi po akong may sipon na. Allergie din po ksi ako tulad s mga alikabok at usok. Tpos po mainit po ang paligid ng mata ko. At minsan masakit ang ilalim n part s bandang pisnge. At ung pang amoy ko po may ndi magandang amoy. Pano po ba dapat ko gawin.
Alwyn Naboa
is in the Philippines
doc laging barado ung ilong ku tapos hindi mawala ung sipon at ubo ku tapos mabilis na akung hingalin anu gagawin ku?
Alwyn Naboa
is in the Philippines
lagi pong barado ung ilong ko tapos hindi po nawala ung ubo ko kase po may sinus po ako para din akong hinihingal !dahil po ba sa plema un?
Namamaga po yung bandang buto ng ilong ng boyfriend ko. Masakit po ang ulo nya kapag ginalaw nya yung mata nya. Nillagnat na din po sya. Ano pong gagwin ko?
Orlando Sacate
is in Saudi Arabia
Tanong kolang po.. andito po ako sa jeddah magkano po ba nagkakahala ang pagpaopera ng sinus kc nahihirapan na po laging nangangati mata ko at diko maiwasang kamotin kaya lagi po namamaga mata ko at hirap po aking makahinga dahil barado po ilong ko na parang may jolens sa loob.. kya gusto ko na pp ipaopera magkano po kaya magkakahala ang pagpapaopera?pls reply tnx.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
mabaho na po ang hininga ko dahil sa sinusitis. napansin ko lang po ito dahil sa mga reaction ng mga nakakatabi ko. ultimo ung hininga na lumalabas sa ilong ko ay mabaho na rin po. ano po ang dapat kong gawin? salamat po sa tulong ninyo.
Michael Chato
is a None in the Philippines
Magandang araw po ano po ba tong sakit ko kasi nagsimula to allergy bahing ako ng bahing gang sa naging barado na ilong tapos parang ang init niya pag inhale at exhale kinabukasan ok na tapos nagka dry cough ako kinabukasan medyo kumalma na yung ubo ko pero ambigat naman ng katawan at ulo ko sa loob ng isang araw may times na ang init ko at may times din naman na hindi tapos yung ilong ko normal lan ba yun ? kasi palipat lipat pagbara ng ilong left and right tapos nag nanana yung lalamunan ko ano po kaya to ? Salampat po sa reply
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.