Ano ang sanhi ng paglapot ng dugo at ang mga bawal?

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.

Ano po ang sanhi ng paglapot ng dugo at ang mga bawal kainin o gawin?

The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately.

 

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Mabuhay Pilipinas
is a Medical expert in Nicaragua
Hello,

Ang ekspresyon na "paglapot ng dugo" ay may dalawang konteksto. Yan ay una, ang pagkukumpara ng karamihan na malapot ang dugo ng mga may high blood dahil sa pagkain ng matatamis at matataba. Pangalawa, ay sa lente ng isang doktor. ang paglapot ng dugo sa aming bokabularyo ay thrombocytosis o iyong pagtaas ng platelet count.

Subalit naiintindihan ko na ang iyong gustong malaman sapagkat tinatanong mo kung anu ang dapat at bawal na kainin. Ang paglapot ay dahil sa pagtaas ng blood sugar sa dugo dahil hindi na kayang gampanan ng insulin na ilipat ang asukal sa mga body tissues. At maari rin dahil sa pagtaas ng triglycerides sa dugo na galing sa matatabang pagkain.

Bawwas bawasan ang pagkain ng white rice o kanin at lahat ng source ng white sugar. Gaya ng cake, ice cream, soft drinks, beer, chocolates, white bread etc. Huwag kumain ng animal fats at mga derivativess nito gaya ng trans fat sa margarina, lard, butter etc.Pinakamataas ang bad cholesterol na galing sa karne ng manok, baka at ang taba ng talangka. Bawasan ang pagkain ng pula ng itlog, mga lamang loob, at mga street foods gaya ng fish balls, kikiam etc. Ang paulit ulit na pagpakulo sa mantika ay nakakabuo ng trans fat na napakasama sa kalusugan.

Higit sa lahat mag ehersisyo araw-araw at magpatingin sa doctor para magpablood chemistry. ito ang mga labtest na pwede mong ipagawa, FBG, trigly at maarin naring magpa check ng liver enzymes.

Ito yaon ang ibig mong ipakahulugan sa malapot ang dugo at sana ay mayroon kang natutunan.

/doc jie
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
magandang araw po doc.

ang anak ko po ay kasalukuyang nasa ospital. dengue case po.. martes po ay nilagnat na po siya. kinabukasan po ay dinala ko na agad sa isang klinika upang maipasuri kung bakit siya nilalagnat.. Nakita po nila sa resulta na maaaring dengue. Kaagad naman po namin siya dinala sa isang ospital. Hanggang sabado ng hapon po siyang may mataas na lagnat. Maganda naman daw po ito. Isang indikasyon na lumalaban ang system ng sampung taong gulang na bata. bumaba na po ang lagnat niya pagdating ng gabi. isang indikasyon na siya ay nasa kritikal stage na dahil mas bibilis bababa ang kanyang platelets at kapag hindi ito nabantayan ay maaring ikamatay.

malaki naman po ang tiwala sa doktor ng anak ko pedia po ng mga anak ko at galing din sa pamilya ng mga doktor na pinagkakatiwalaan din ng pamilya namin at siyang nag-aalaga sa isang kasapi ng aming maliit na pamilya na may sakit sa puso. ngunit hindi maiaalis sa isang ama ang gumawa ng paraan upang makatulong sa kalagayan ng anak, kaya nagsaliksik ako tungkol sa sakit na ito..

sa ilang araw ko na paghahanap ng kasagutan sa napakaraming tanong sa isip ko.. marami-rami rin akong natuklasan. magkakatugma naman. mula sa pinagmulan, paano nakukuha, haba at epekto ng pamiminsala ng sakit na ito. Nakakalungkot pong malaman na wala pa rin itong lunas... Ang tanging paraan lamang ay tulungan ang biktima nito na ibalik sa dati ang anumang napinsala sa kanyang pamamalagi sa katawan ng biktima..

pakitama lamang po kung may mali akong natuklasan.. isa sa kinatatakutan at binabantayan ang pagbaba ng platelets. upang makatulong pataasin, sinubukan kong ibigay sa bata ang mga halamang gamot na ayon sa kasaysayan ay subok na mabisa kahit na ito ay kulang pa sa mga pagsusuri. ayaw ko po sana ngunit wala naman daw pong masamang epekto at wala naman daw masamang subukan.. ginawa ko na rin Upang hindi umabot sa puntong sasalinan siya ng dugo dahil sa patuloy na pagbaba ng platelets count.

epektibo naman.. tumaas ang platelets count ngunit lumapot naman. Masama din daw ito at mas nakakapangamba dahil wala na siyang lagnat. kinakailang pa rin daw siyang salinan ng dugo. bumabagal ang pulse beat niya at minsan daw ay nawawala. ito naman po ang panibagong hinahanapan ko ng kasagutan... kung paano palalagnawin ang dugo. at ang isasaling mahirap hanaping fresh frozen plasma naman daw.

sana po ay mabigyan po ninyo ako ng karagdagang kaalaman tungkol dito sa mga komplikasyong ito at sa fresh frozen plasma na ito na mahirap hanapin.

About the author

Mabuhay Pilipinas

Profession: Adolescent Medicine
Office Address: Tandang Sora, Q.C
Nicaragua , Managua