Ano ang Arthritis?
Ang arthritis ay ang pamamaga ng kasukasuan. Ang pananakit at paninigas ng mga kasukasuhan o buto ang pangunahing sintomas ng karamdamang ito, kung saan lumalala itong pananakit habang tumatanda ang isang tao. May dalawang klase ng arthritis na karaniwang nararanasan ng mga tao: ang osteoarthritis at rheumatoid arthritis. Ang “wear and tear” ng mga kasukasuhan ang nagdudulot sa osteoarthritis at ang rheumatoid arthritis naman ay dulot ng autoimmune disorder. Ang iba pang klase ng arthritis ay maaaring dulot ng uric crystals, impeksiyon, at iba pang mga karamdaman kagaya ng lupus at psoriasis.
Ang pangunahing layunin ng gamot sa arthritis ay para mabawasan ang sintomas, sakit at mapabuti ang pamumuhay ng taong apektado nito. Read more: Pananakit ng kasukasuan
Mga Sintomas ng Arthritis at Rayuma: Senyales, Symptoms
Ang nararanasan sa mga kasukasuhan ang mga karaniwang sinyales at sintomas ng arthritis. Maaaring maranasan ang mga sumusunod na sintomas depende sa klase ng arthritis:
· Pananakit sa kasukasuan
· Paninigas
· Pamamaga
· Pamumula
· Pagbaba sa abilidad ng paggalaw
Ang sintomas ng osteoarthritis ay ang pananakit ng mga kasukasuhan at ang unti-unting paninigas ng mga ito. Ang sintomas naman ng rheumatoid arthritis ay ang masakit na pamamaga, implamasyon at paninigas ng mga daliri, braso, binti at wrist. Kadalasang nararanasan ito sa mga kasukasuhan sa magkabilang bahagi ng katawan, pag-gising sa umaga.
Ano Sanhi ng Arthritis? Causes
Magkaiba ang paraan ng osteoarthritis at rheumatoid arthritis sa pagsira ng mga kasukasuan. Pinakakaraniwan sa klase ng arthritis ang osteoarthritis. Sanhi nito ang “wear and tear” o ang normal na pagkasira sa cartilage ng kasukasuhan na nagsisilbing coating sa dulo ng mga buto. Kapag nasira ang cartilage na ito, kumikiskis ang buto sa buto kung saan magdudulot ito ng pananakit at napipigilang paggalaw. Maaaring mangyari ang “wear and tear” pagkalipas ng maraming taon o kaya mapabilis ito dulot ng impeksiyon o pinsala sa kasukasuhan.
Ang nangyayari naman sa rheumatoid arthritis ay inaatake ng immune system ng katawan ang lining ng joint capsule. Kapag nangyari ito, magkakaroon ng implamasyon o pamamaga sa lining na ito. Sa paglala nito masisira ang cartilage at buto sa kasukasusan. Read more: Pananakit ng leeg o back pain
Ano mga pinakamabisang Lunas at Gamot?
· Analgesics. Tumutulong ang mga analgesic na bawasan ang pananakit na nararamdaman mula sa arthritis. Kabilang dito ang paracetamol, tramadol, hydrocodone at iba pa.
· Non-steroidal Anti-inflammatory drugs (NSAIDs). Binabawasan ng NSAIDs kagaya ng ibuprofen at naproxen ang pananakit at implamasyon mula sa arthritis. Ngunit ang mga iniinom na NSAIDs ay maaaring magdulot ng iritasyon sa tiyan at may panganib o risks sa atake sa puso o kaya stroke. Kaya may mga cream at gel na NSAIDs na maaaring ipahid sa mga kasukasuaan.
· Counterirritants. May mga cream at ointment na may sangkap na menthol o capsaicin. Ang pagpahid nito sa mga sumasakit na kasukasuan ay maaaring makapigil ng pain signals mula dito.
· Disease-modifying antirheumatic drugs (DMARDs). Ito ang kadalasang gamot sa rheumatoid arthritis kung saan pinapabagal o pinipigilan nito ang pag-atake ng immune system sa mga kasukasuan. Halimbawa nito ang methotrexate at hydroxychloroquine.
· Biologics. Kadalasang ginagamit ito kasama ng mga DMARDs. Ito ay mga genetically engineered drugs na tumatarget sa protein molecules na kasali sa immune response ng katawan. Halimbawa nito ang etanercept at infliximab.
· Corticosteroids. Ang mga gamot na kabilang dito kagaya ng prednisone at cortisone ay nakapagpapababa ng implamasyon at immune system. Maaari itong inumin o i-inject direkta sa mga kasukasuhan.
Therapy
Pinapabuti ng pag-eehersisyo ang paggalaw ng kasukasuhan at pinapalakas nito ang mga kalamnan na nakapaligid dito. Kung minsan, kakailanganin ang paggamit ng brace at splint.
Surgery
Kapag hindi umubra ang ibang paraan ng lunas sa arthritis, maaaring irekomenda ng doktor ang mga operasyong joint replacement o kaya joint fusion.
Home Remedies at natural cures
· Ang pagbawas ng timbang ng katawan ay makatutulong sa pagbaba ng stress sa mga weight-bearing joints.
· Ang regular na pag-eehersisyo ay tumutulong panatilihing flexible ang mga kasukasuaan.
· Ang paggamit ng heating pad o ice pack ay tumutulong mabawasan ang pananakit mula sa arthritis.
· Ang paggamit ng assistive devices kagaya ng tungkod, walker at iba pa, ay makatutulong protektahan ang kasukasuan at mapabuti ang pagganap sa mga pangaraw-araw na gawain.
Read more: Mabisang Halamang gamot laban sa Arthritis o Gout