Bakit Nagkaka-Migraine? Ano sanhi o dahilan? Why do I have severe headache, acute migraine? Pananakit pangingirot ng ulo stress

Dr. Marie Gabrielle Laguna-Bedia
is a Medical expert in the Philippines

Bakit ako nagka-migraine?
Ano sintomas, senyales o Symptoms?
Madalas bang sumasakit ang ulo mo, lalo na kung napuyat ka sa gabi, nasobrahan ng tulog, napagod o naiinitan? Baka meron kang migraine. Ang migraine ay isang kondisyon na kung saan paulit ulit na sumasakit ang iyong ulo na may kasamang pagkahilo, pagiging sensitibo sa liwanag, pagsusuka, o pagiging sensitibo sa mga tunog. Ang migraine headache ay maaring lumala kapag ikaw ay gumagalaw at mabilis na humupa kapag ikaw ay nakakapagpahinga na. Ang sakit sa ulo ay parang pulso at marararamdaman sa isang bahagi ng mukha lamang. Kusa din itong nawawala kapag ikaw ay nakapagpahinga na.

Ano sanhi o dahilan ng pananakit ng ulo? Causes
Iba’t iba ang pinagmumulan ng migraine headache sa bawat tao. Ang pinakakaraniwang sanhi ng mga migraine headache ay ang stress, regla sa mga babae, pag iba ng iyong mga routine na ginagawa tulad ng panibagong ehersisyo o panibagong oras ng pagtulog, gutom, pag-iba ng panahon, init, sinag ng araw o masyadong maliwanag na mga ilaw, mga pagkain tulad ng tsokolate, alcohol, mga amoy tulad ng perfume o pinta o mga bulaklak, mga emosyon, mga pagkaing may aspartame o monosodium glutamate (MSG) o nitrate o tyramine, paninigarilyo o usok, kape, mga birth control pills o hormone therapy, mga gamot tulad ng nifedipine o nitrates, o iba pang mga gamot.

Nakakaapekto rin ang migraine sa lahat ng tao, kasama na pati bata man o matanda. Iba-iba ang sintomas na nararamdaman, depende sa lala ng kaso. Ito ang apat na yugto ng migraine: Prodrome, Aura, Headache at Postdrome, ngunit maaaring hindi maramdaman ng lahat ng tao ang bawat isang yugto. Ang Aura ay mga panlalabo sa paningin dahil tila nasisilawan. Posible rin makaramdam ng kakaiba sa katawan tulad ng touching sensations (sensory), movement (motor) or speech (verbal) disturbances. Nararanasan ang Auro bago o pagkatapos ng sakit ng ulo na may migraine. Hindi lahat ng may migraine ay nakakaranas ng aura. Sa Postdrome naman, nararamdaman ng pasyente na parang pagod at walang sigla, ngunit may ibang nakakaramdam ng pagkasigla.

Kumplikadong sakit ang migraine na nauugnay ang ating utak at mga blood vessles na nakabalot sa ating ulo. Kahit hindi pa natutuklasan ang tunay na sanhi o dahilan ng migraine, maraming pagaaral ang nagpapatunay na may mga bagay sa paligid ang maaaring makaudyok sa pananakit ng ulo o migraine attack, tulad ng ilaw at mga ibang amoy. Mayroon ding mga pagkain na nakakapalubha ng ating migraine, tulad ng alak, sigarilyo, aged cheeses/keso, tsokolate, fermented/pickled or marinated foods at vetsin/betsin (Monosodium glutamate o MSG), kape (caffeine) at aspartame. 

Ano ang pinaka mabisang gamot o lunas sa migraine o pananakit at pangingirot ng ulo? Remedy, Treatment, Cures
Una, hanapin mo kung ano ang nagpapasakit ng ulo mo. Ang pinakakaraniwang sanhi ng mga migraine headache ay ang stress, regla sa mga babae, pag-iba ng iyong mga routine na ginagawa tulad ng panibagong ehersisyo o panibagong oras ng pagtulog, gutom, pag-iba ng panahon, init, sinag ng araw o masyadong maliwanag na mga ilaw, mga pagkain tulad ng tsokolate, alcohol, mga amoy tulad ng perfume o pinta o mga bulaklak, mga emosyon, mga pagkaing may aspartame o monosodium glutamate (MSG) o nitrate o tyramine, paninigarilyo o usok, kape, mga birth control pills o hormone therapy, mga gamot tulad ng nifedipine o nitrates, o iba pang mga gamot. Kapag alam mo na kung ano ang mga ito, ilista mo ang mga ito sa notebook at iwasan.

Panatilihing maging healthy ang iyong lifestyle. Matulog ng maayos nang hindi bababa sa 6 oras bawat gabi at kumain ng mga healthy foods. Umiwas sa alak at droga at iwasan ang mga pagkain na nagpapa migraine. Huwag magpakapagod ng masyado.

Magandang halimbawa ang lavender oil. Pwede itong langhapin o ipahid sa balat. Kahit dalawa hanggang apat na patak lang ang ilagay sa 2-3 tasang kumukulong tubig. Kapag nalanghap ito, makakatulong mabawasan ang pananakit ng ulo. Pwera sa mga essential oils o langis, nakakatulong din ang paggamit ng kamay upang maibsan ang pagkirot ng ulo. Halimbawa ang pagmasahe, chiropractic, physical therapy at paglapat ng mainit o malamig na pomento (hot or cold compresses) ay mga epektibong alternatibo upang mapaginhawa ang madalas na pagsakit ng ulo.

Iwasan ang stress at sakit ng ulo sa pamamagitan ng mga methods tulad ng biofeedback, acupuncture, transcutaneous electrical nerve stimulation (TENS), cognitive-behavioral therapy or problem-solving therapy, yoga, meditation o iba pang mga supplements. Magtanong sa iyong duktor kung paano gamitin ang mga ito at kung ang mga ito ay pwede sa’yo.

1 person likes this

About the author

Dr. Marie Gabrielle Laguna-Bedia

Internal Medicine/ Adult Medicine/ Palliative Medicine. Online Consultation at https://www.facebook.com/bediamedicalclinic/
Profession: Internal Medicine
Bedia Medical Clinic
Office Address: Meds at Sea Pharmacy, Tabucan, Barotac Nuevo, Iloilo
Philippines , Iloilo , Iloilo City

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Ano po ba mga sinasabing pagbabago sa hormones ang makaapekto sa migraine ng babae? Madalas po ako magka migraine lalo na po pag malapit magka regla.
Dr. Arvin Ramos
is a Medical expert in United Arab Emirates
Kung ikaw ay babae malalaman mo na ang iyong hormone levels ay nakakaapekto sa pagkakaroon mo ng migraine. Ang pagbabago sa iyong hormone levels bago ka magkaroon ng buwanang dalaw ay maaring maging sanhi ng iyong migraine. Para sa iba, maaaring makaapekto ang pagbubuntis, menopause o contraception.
Kadalasan nagkakamigraine ang mga babae kaysa sa mga lalaki, dahil sa pagbabago sa hormone. Kadalasan nagsisimula ang migraine sa pagdadalaga hanggang sa pag menopause. Maari itong huminto o mawala kapag buntis. Maraming kababaihan ang nagsasabing nagkakamigraine sila dahil sa buwanang dalaw. Maaring magkaroon sila nito ng ilang araw bago dumating ang regla o sa mismong unang araw.
Maaaring tumindi at mapadalas ang migraine kapag papunta na sa menopausal stage. Sa ibang mga babae ang HRT( Hormone Replacement Theraphy) ay nakakatulong ngunit para sa iba ito ay nagpapalala lamang. Kung ang migraine mo ay hormone related, ang iyong doctor ay maaaring magbigay ng gamot na pang pakalma. Ang ilang mga kababaihan nagsasabing ang pills ay nagpapalala ng kanilang migraine at ang iba naman nagsasabi nakakatulong ito sa kanila. Kung sa tingin mo ang pills ang nagdudulot ng iyong migraine, kaagad na kausapin ang iyong doctor para mapayuhan ka ng ibang klase ng oral contraceptives. Kung umiinum ka naman ng combined oral contraceptive at nagkaroon ng aura sa migraine, maaring payuhan ka ng iyong doctor na itigil ito. Dahil sa pag inum ng pills ay maaring mapataas ang posibilidad na magkaroon ka ng stroke.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Nagkaka-migraine po ako. Sintomas daw po ba ito ng magkaka stroke? Babae po ako na 39 years old.
Dr. Arvin Ramos
is a Medical expert in United Arab Emirates
Kung babae ka at edad 45 pababa at nakaroon ng migraine na my “aura” (lumalabo ang paningin at nahihilo), mas nasa panganib ka magka stroke, lalo na kung naninigarilyo ka o gumagamit ka ng combined oral contraceptive pill (birth control pill).
Nangyayari ang stroke kapag ang suplay ng dugo sa bahagi ng iyong utak ay naputol at nagiging sanhi ng pinsala sa mga cell ng utak. Mayroong dalawang pangunahing uri ng mga stroke - ischemic at haemorrhagic. Ischaemic stroke ang tawag kapag ang suplay ng dugo papunta sa utak ay naharangan ng namuong dugo o taba. Haemorrhagic stroke naman ang tawag kapag may pagdugo sa utak sanhi ng pagsabog ng blood vessel sa loob. Ayon sa pag aaral, ang mga babae edad 45 pababa na nagkakaroon ng migraine na my aura ay mas nanganganib magkaroon ng ischaemic stroke kaysa sa mga hindi nagkakaroon ng migraine.
Mas makabubuti na huwag uminum ng combined contraceptive pill ang mga babaeng madalas magka migraine, lalo na pag may “aura” o panlalabo ng panigin, para makaiwas sa stroke. Kung nakakaranas ka ng migraine at nagaalala baka ma-stroke ka, kausapin and iyong doctor tungkol dito..
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Naiiba po ba ang sintomas ng migraine sa mga bata? Sumasakit po kasi minsan ulo ng anak ko pag nagaaral
Dr. Arvin Ramos
is a Medical expert in United Arab Emirates
Kadalasan katulad din sa mga matatanda ang mga sintomas ng migraine na nararanasan ng mga bata. Subalit kadalasan hindi nagtatagal ito sa mga bata, mga mula 1 hanggang 2 oras lamang. Kung may mga sintomas ng migraine ang iyong anak, agad i-konsulta sa iyong doctor.
Mga 1 sa 10 bata na nag aaral ang nagkakaroon ng migraine at maari itong maranasan ng kahit anong edad. Kadalasan magkakapareho ang sintomas ng migraine ng mga bata sa mga matatanda ngunit may mga ilang pagkakaiba ito.
Nakakaranas lamang ang mga bata ng saglit na pagsakit ng ulo na di aabot ng 4 na oras. Hindi rin ito sobrang masakit tulad sa mga matatanda na nararamdaman ang sakit sa buong ulo nila. Bihira din magkaroon ng “aura” (panlabo ng paningin at pagkahilo) ang mga bata bago magka migraine at kadalasan kaunti lang ang mga sintomas ng migraine nila.
Maaaring makaramdam ng sakit o pagsusuka ang iyong anak kapag may migraine. Maaari rin makaramdam ng sakit ng tiyan imbes na sakit ng ulo. Sa ibang mga bata ang pagkahilo sa biyahe ay palatandaan din ng sintomas ng migraine.Mas mabuting itala kung gaano katagal nagka migraine ang iyong anak. Subukan din alamin kung ano maaaring sanhi at ano ang nakapagpagaling nito. Kapag lumalala ang sakit ng ulot, ipatingin kaagad sa doctor.
Mheanne Legaspi
is in the Philippines
Madalas po kasi sumakit ang ulo ng asawa ko sya po ay taxi driver pati po ang kanyang balakang ay madalas din sumakit.
Lanz Mendoza
is in the Philippines
ako po ay isang lalake 23 yrs old po biglaan lng nmn sumakit ung ulo ko ng matinde. anu po kayang dahilan ng pagsakit ng ulo ko at hanggang ngaun paulit ulit po , tsaka anu po ba maari kung gawin para mawala po ang sakit salamat po
Wow Weng
is in the Philippines
Doc. Sumasakit po ang ulo ko at nagsuka ako sa gabi, pero malapit na po ako magka mens buntis po ba ako? Nag do po kami ni bf in last 3 pills ko, Umiinom ako ng arianne contraceptive pero nasa tama ang pag inom ko... Buntis po ba ako?
Ariel Castro
is in the Philippines
Dra. kagabi bigla ako nahilo pagbangon ko sa higaan,hanggang ngayon parang naliliyo pa ako,di naman sumasakit ulo ko,nakasalamin kasi ako,tinatangal ko lang kapag matutulog...pagbangon ko umiikot na paligid ko,ako po kaya ito..slamat po
Christopher BO
is in the Philippines
Goodafternoon mam . May tnong po ako kasi almost 2 mos. Na ako msakit ulo nahihilo nanghihina at wala sa wisyo . Panu po mwawala ang sakit na ito thnks po sa sagot doc.
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.