Maganda po ba inumin ang sinecod para sa ubo? Persistent cough

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.

Hi doc, ano pong magandang gamot para sa pagpigil ng ubo? Ok po ba sinecod






What medicine is good for someone who has persistent coughing? Is Sinecod good?

The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately.

BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

 

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Maria Theresa Castillo
is a Pharmacist in Israel
Kailangan mo magpakonsulta sa doctor kapag may ubo ka. Kahit na over the counter drug ang butamirate citrate, may mga side effects ito. Ang Butamirate citrate (Sinecod Forte ang isang brand name na gawa ng Novartis) ay ang generic name na iniinom para agapan ang sintomas ng pag-ubo mula sa iba’t ibang mmga sanhi. Kung kaya’t nabibilang ito sa grupo ng gamot na tinatawag na antitussive dahil pinipigalan nito ang pag-ubo.

Para sa mga nakatatanda, kadalasang iniinom ang gamot ng dalawa hanggang tatlong tableta kada walo o labing dalawang oras. Ang mga batang nasa edad mahigit labing dalawa naman ay maaring uminom ng isa hanggang dalawang tablet kada araw. Pero mabuting kumonsulta sa iyong doctor kung paano inumin.

Pwede din inumin ang syrup ng gamot na ito. Para sa mga nakatatanda, iniinom ang isang kutsara (15ml) ng syrup, apat na beses sa isang araw. Para sa mga batang mahigit sa labing dalawang edad, isang kutsara (15ml) tatlong beses sa isang araw. Ang mga batang may edad na anim hanggang labing dalawa, dalawang kutsarita (10ml) tatlong beses sa isang araw. At para sa mga batang may edad na tatlo hanggang anim, isang kutsarita (5ml) tatlong beses sa isang araw. Tandaan na mahalaga pa rin magpatingin sa doktor para magamot ng maigi ang karamdaman.

Ano ang mga side effects ng gamot na ito? Ang gamot na Butamirate citrate ay maaaring magdulot ng pagka-antok, pagkaduwal at pagtatae.

Ang mga taong may allergy sa butamirate citrate ay hindi dapat uminom ng gamot na ito. Dapat din iwasang inumin ito ng mga buntis na nasa kanilang 1st trimester ng pagbubuntis. Pagkatapos ng unang tatlong buwan ng buntis, magkonsulta sa doctor kung maaari na itong inumin kung kinakailangan lamang. Kailangan suriin ng maigi ang benepisyo o panganib ng gamot na ito para sa nagpapasusong nanay at sa kanyang sanggol.

May mga dapat din tandaan habang umiinom ng Butamirate Citrate. Dahil nagdudulot ito ng pagka-antok, kailangang mag-ingat sa pagmamaneho at sa paggawa ng mga bagay na nangangalaingan ng pagka-alerto. Kailangan na ring magpakonsulta kapag ang ubo ay tumagal ng mahigit sa pitong araw.