ANO MABISANG GAMOT O LUNAS SA IMPATSO O DYSPEPSIA? PAANO MAIWASAN ANG HINDI NATUTUNAWAN NG PAGKAIN? ANO SANHI NG INDIGESTION LUNAS

Medical Team
is a Medical expert in United States

Ang indigestion o IMPATSO – na tinatawag ring dyspepsia o pagkasira ng tiyan – ay isang pangkalahatang salita na naglalarawan sa hindi magandang pakiramdam sa upper abdomen o bandang itaas ng tiyan. Hindi ito isang sakit o karamdaman, ngunit sintomas na nararamdaman, na may kasamang pananakit ng tiyan at pakiramdam ng pagkabusog matapos kumain. Nag-iiba-iba ang nararanasan na indigestion ng bawat tao. Paminsan-minsan lang nagkaka-indigestion ang mga tao ngunit may iba na araw-araw itong nararanasan. Ang indigestion ay maaaring sintomas ng iba pang digestive na sakit. Ang indigestion na hindi dulot ng underlying na sakit ay maaaring maibsan sa pamamagitan ng lifestyle change at medikasyon.


BAKIT BA HINDI AKO MATUNAWAN O NATUTUNAWAN? Ano Dahilan o Sanhi ng Impatso o Dispepsia?
Ang indigestion ay maraming posibleng dahilan. Iba-iba mga dahilan ng impatso. Karaniwan konektado ito sa klase ng pamumuhay at maaaring ma-trigger ng pagkain, inumin o medikasyon. Ang mga karaniwang dahilan ng indigestion ay ang sumusunod: Ang sobrang pagkain o sobrang bilis sa pagkain, pag-ubos ng mga matataba o maaanghang na pagkain, sobrang kape, alcohol, tsokolate o mga soft drinks, paninigarilyo, pagkabalisa, iilang mga antibiotics, pain reliever, iron supplements. Kung minsan ang indigestion ay sanhi ng ibang digestive conditions tulad ng gastritis, peptic ulcers, celiac disease, gallstones, constipation, pancreatitis, stomach cancer, blockage ng intestines, kulang na blood flow ng dugo sa intestins. Ang indigestion na walang hinihinalang dahilan ay tinatawag na functional dyspepsia o nonulcer stomach pain.

Ano mga Senyales, Palatandaan o Sintomas ng Impatso? 
Ang taong may indigestion ay maaaring may isa o higit pang sintomas sa mga ito:
- Madaling pagkabusog sa kalagitnaan ng pagkain. Hindi ka pa nga natatapos kumain ay nabubusog ka na at maaaring hindi mo na ubusin ang pagkain.
- Hindi komportableng pagkabusog matapos kumain. Ang pagkabusog sa indigestion ay tumatagal nang mas matagal kaysa sa normal.
- Mayroon ring discomfort sa upper abdomen. Mayroong parang burning sensation sa itaas na parte ng tiyan.
- Makakaramdam ka rin ng parang masikip na pakiramdam sa tiyan ay pakiramdam ng pagsusuka.

Ang Dyspepsia, o tinatawag na impatso o indigestion ay nararanasan ng lahat ng tao paminsan minsan. Sa mga banayad o hindi malalang kaso, makakaramdam ang tao ng pagkabusog o hindi magandang pakiramdam. Maaaring makaramdam din ang pasyente ng heartburn, pagka bondat, naduduwal, o nasusuka sa mga malalang mga kaso. Maliban dito, maaaring makaranas ang pasyente ng pagkabusog kahit hindi pa nauubos ang pagkain. May mga nakakaranas din ng paginit ng sikmura.

Komplikasyon
Datapuwat ang indigestion ay may seryosong komplikasyon, maaari itong maka-apekto sa kalidad ng pamumuhay dahil ang discomfort na nararamdaman sa tiyan ay maaaring makapag-pawala ng ganang kumain. Kung ang indigestion ay sanhi ng isang mas seryosong sakit, maaari rin itong may ibang komplikasyon na dala.

Ano ang pinakamabisang lunas o gamot sa impatso o dyspepsia?
Ang pagbabago sa mga pagkain ay maaaring makagaan ng pakiramdam mula sa indigestion. Ang doktor ay maaaring mag-rekomenda na umiwas sa mga pagkain na nagti-trigger o nagiging sanhi ng indigestion, pagkain ng 5-6 na maliliit na meals kada araw imbes na 3 malalaking meals, pagbawas o pag-iwas sa pag-inom ng alcohol at kape, pag-iwas sa paggamit ng pain relievers tulad ng aspirin, ibuprofen at naproxen. Ang iba pang rekomendasyon ay ang pagkontrol sa stress at anxiety. Kapag ang indigestion ay hindi pa rin nawawala gamit ang nasa itaas, maaaring uminom ng over-the-counter na antacids (pang-neutralise ng acid sa tiyan). Ang ibang options ay ang proton-pump inhibitors na nagpapababa ng acid sa tiyan, ang H2-receptor antagonists ay nakakapagpababa rin ng stomach acid, prokinetics upang ang tiyan ay mag-empty nang marahan, antibiotics para sa H. pylori bacteria kung ang iyong indigestion ay sanhi nito at antidepressants o anti-anxiety medications kapag ang discomfort sa tiyan ay sanhi ng stress.

Kaya nating iwasan ang dyspepsia o impatso ng hindi bumili ng gamot sa botika. Mayroong mga natural na gamot na nakikita sa bahay. Isa na rito ang pagkain na luya o ginger, na nakakatulong sa pagtunaw ng pagkain. 

Paano maiwasan ang Impatso o hindi natutunawan ng pagkain? Ano mga simpleng tips o pag-iingat na dapat sundin? (Home remedies)
Ang hindi seryosong indigestion ay maaaring maiwasan sa pamamagitan ng pagbabago sa pamumuhay, tulad ng pagkain nang maliliit ngunit mas mas maraming beses sa isang araw. Nguyain rin dapat nang marahan ang pagkain. Iwasan ang mga triggers o nagpapalala ng dyspepsia o indigestion tulad ng matataba, maaanghang, processed foods, carbonated beverages, kape, alcohol / alak at paninigarilyo. Panatilihin rin ang tamang timbang, dahil ang sobrang bigat ay nakaka-stress sa tiyan na nagtutulak sa stomach acid patungo sa lalamunan.

Kailangan ring mag-ehersisyo, dahil nakakatulong ito sa pagkatunaw ng pagkain o mas agarang pagtunaw ng pagkain. Mabuti rin na iwasan ang stress. Kung umiinom ng gamot, maaaring ihinto ang ibang pain relievers nang may pahintulot ng doktor dahil ang mga ito ay nakaka-irita sa stomach lining. Maaari rin inumin muna ang mga gamot, ngunit siguraduhing pagktapos nang kumain.

References:

WebMD. (2020 March 08). Indigestion. Retrieved from: https://www.webmd.com/heartburn-gerd/indigestion-overview#1

MedicineNEt. (2019 October 17). Indigestion Dyspepsia. Retrieved from: https://www.medicinenet.com/dyspepsia/article.htm

WebMD. (2018 November 13). Gastritis symptoms and causes. Retrieved from: https://www.webmd.com/digestive-disorders/digestive-diseases-gastritis#1

Mayo Clinic. (2020, April 3). Gastritis. Retrieved from: https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/gastritis/symptoms-causes/syc-20355807

Cleveland Clinic (2016 January 11). Gastritis. Retrieved from: https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/10349-gastritis

 

About the author

Medical Team

Our medical team verify the medical accuracy of the articles you read on our site. U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Bakit po karaniwang nararanasan ng mga buntis and hindi matunawan ng pagkain sa tiyan o dyspepsia?
Medical Team
is a Medical expert in United States
Nakakaramdam ng mga sintomas ng hindi pagkatunaw ng pagkain sa tiyan o dyspepsia ang mga buntis dahil sa changes sa kanilang hormones na progesterone at estrogen. Maaaring dahil din sa pressure ng uterus o ng bahay bata. Ang paglaki ng uterus ay nagdadala ng pressure dahil tinutulak nito ang ating tiyan o stomach. Dahil dito, mas mataas ang tyansa na magkaroon ng acid reflux. Nasa apat hanggang walo mula sa sampong kababaihan sa mundo ang hindi natutunawan ng pagkain habang buntis. Ang mga sintomas nito ay ang mga sumusunod:
• Masikip at masakit na pakiramdam sa iyong dibdib at sa itaas na bahagi ng tiyan.
• Mainit na pakiramdam (tinatawag din na heartburn) na mararamdaman mula dibdib papunta sa itaas ng leeg
• Kawalan ng ganang kumain
• Panghihina
• Pagdidighay

Ang mga sintomas na ito ay maaaring maramdaman sa kahit na anong buwan habang buntis. At mas mataas ang tsansa na magkaroon ng dyspepsia kung mayroon ka nito kahit pa noong hindi ka buntis o kung may history ka na nito sa nakaraang pagbubuntis. Mas tumataas ang mga episodes na mararamdaman mo ang mga sintomas na ito habang lumalaki ang iyong tiyan sa iyong pagbubuntis. Kung naramdaman ang dyspepsia sa pagbubuntis, maaaring maramdaman ito sa buong cycle o panahon na ikaw ay buntis. Unti-unting mawawala ang mga sintomas sa oras na nailabas ang iyong baby at bumalik na ang mga hormones sa normal level bago ka magbuntis. Importanteng magpatingin sa iyong doctor kung ikaw ay buntis at nakadama ng indigestion o dyspepsia. Maaaring bigyan ng lunas and mga ibang dahilan ng iyong indigestion.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Nakakaramdam ako ng sobrang pagkabusog pagkatapos kumain at nauutot ako at nahihiya ako dahil dito. Ano ang pwede kong gawin?
Medical Team
is a Medical expert in United States
Kadalasan, ang gas sa ating katawan ay lumalabas sa ating pwet (utot) o sa ating bibig (dighay). Kapag hindi nakalabas ang gas sa ating katawan, nakakaramdam tayo ng hindi maganda at pakiramdam ay sobrang busog (bloated). Maaaring maiwasan ang ganitong sintomas sa pamamagitan ng mga pagbabago sa pamumuhay at hindi magandang nakasanayan. Sa iyong paglunok, may hangin na pumupunta sa iyong tiyan. Dumidighay ang mga tao kapag nagkaroon ng sobrang hangin sa tiyan. Ang pagkain at paginon ng mabilis, pagnguya ng bubble gum, at ang paninigarilyo ay nakakadami ng hangin sa tiyan. Kung ikaw ay nakakaranas ng stress, maaaring nakakalunok ka din ng hangin ng hindi mo napapansin. Dahil dito, nararapat lang na itigil ang paninigarilyo, umiwas sa stress at ugaliing kumain ant uminom ng dahan dahan upang maiwasan ang pagka–bloated. Napro-produce din ang gas kapag ang pagkain sa ating katawan ay nag-digest o tinutunaw ang pagkain. Ang gas na ito ay lumalabas sa ating katawan sa pamamagitan ng utot. Ang pagbawas sa paginom ng softdrinks ay makatutulong din dahil ang softdrinks at nagdudulot din ng pagdami ng gas sa ating tiyan. May mga pagkain din na nakakadami ng gas sa katawan gaya ng beans at cabbage. Kapag na-didigest ang mga ito sa iyong large intestine, nagbubuo ng gas ang mga ito. Kapag may lactose intolerance ang isang tao, ang iyong tiyan at small intestine ay hindi nakakapag – digest ng isang klase ng sugar na tinatawag na lactose. Kadalasan makikita ito sa gatas ng baka at kambing. Dahil dito, ang lactose ay pumupunta sa large intestine upang madigest at magfoform ito ng gas. May mga lab tests upang malaman kung ikaw ay may lactose intolerance. Magpatingin sa iyong doctor. Maaaring ipabawas ng doctor ang paginom ng gatas kung napatunayan na mayroon ka ng lactose intolerance. Kung hindi nabawasan ang iyong sintomas at lumala pa ang mga ito kahit na nagkaroon ng mga pagbabago sa iyong kinakain, mas makabubuting kumonsulta sa doctor.
Alizei Carm  Estamo
is in the Philippines
Halos 2 weeks na pong sumasakit ang tyan ko na may pag dighay po, lagi po ako nadidighay at kung minsan po ay nauutot. Sobrang bigat po ng pakiramdam ng tyan ko. Ano pong pwede kong gawin?
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Ilang beses ko n din naranasan to. Yung parang busog ako at bloated kahit n hindi p ako man lang nag almusal eh lunch time n. Nasusuka din ako kapag umiinom ng kahit ano, tubig lalo n ang softdrinks kaya madalas akong dumura. Kanina lng field trip ng anak ko 2pm n hindi p ako nag lunch, bigla nlng akong nahilo at nanghina, nanginginig din mga kamay ko at pagod na pagod ako, buti may nurse ok nman daw bp ko and oxygen level, sabi ko hindi p ako kumain pero wala p tlaga akong gana at hindi ko mapilit sarili kong kumain, binigyan nya ako ng candy at tubig pero kahit yun gusto kong isuka, pinilit ko lng dahil nanghihina n ako. Ngayon 8pm na busog p din ako, pinilit ko lng uminom ng coke in can, 2 subong kanin at 2 kagat sa manok, tsa tiger energy biscuit kasi parang hindi nko makatayo sa panghihina.

ano kayang sakit ito, 3x ko n naranasan, namamanhid din pla ang mga kamay ko at minsan pati mukha.
May Alipio
is in the Philippines
ano pong dapat gawin kasi ang asawa ko.. laging nagsusuka sa umaga pag maliligo.. sabi acidic daw po.. dahil uminom ng kape o softdrinks.. sa lahi daw po yon.. pero.. iba kasi siya magsuka.. nkakatakot... tapos po minsan sa pag busog na siya.. ayaw na niyang kumain kasi isusuka lang daw po niya.. anu po ba yon?
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Ano po ang gamot sa naimpatso na baby?
Johanna Manacap
is in Taiwan
ang pag dighay po ba ng maraming beses na minsan parang naduduwal ay senyales po ba ng pagiging buntis?
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Magandang araw po yung anak ko pong 2 years old mdalas hindi matunawan lagi pong matigas at malaki ang tiyan niya.anu pong dapat kong gawin? Dumudumi din po sya ng malambot at mabaho..pls help po salamat
Ching Trinidad
is a Nurse in the Philippines
Hello po mommy! Ano po ba ang madalas kainin ng inyong anak? Sa aking palagay po ay kailangan ninyong dagdagan ang intake ng dietary fiber sa pagkain ng inyong anak gaya ng mga prutas tulad ng apple, carrots, gulay tulad ng patatas, green beans at whole grains gaya ng oatmeal. Makakatulong po ang dietary fiber para mag increase ang bigat at laki ng dumi at mapanatili itong malambot. Kung nagtatae naman po ay nakakatulong ito para mas maging buo ang dumi.
Grant  Dale
is in the Philippines
Nararanasan ko po na busog ako tapos diko na malunok yung pagkain ko parang sa bandang leeg ko lang po nararamdaman ... Ano po gagawin ko ... 17 years old palang po ako
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.