Keloids medication, peklat sugat, napaso: Treatment, gamot, lunas, cures, sanhi

Dr. Jen Cruz
is a Medical expert in United States

Ano ba ang keloids? Ang mga “keloids” ay pwedeng ihalintulad sa “scars na hindi alam kung kailian sila hihinto”. Ang keloid, na minsan ring tinatawag na keloid scars, ay matigas at naka-usbong na scar at lumalaki pataas sa balat. Ito ay karaniwang may makinis na itaas at lila o pinkish ang kulay. Iregular ang hugis nito at mas lumalaki pa paglipas ng panahon. Hindi tulad ng simpleng scar, ang keloids ay hindi lumiliit o nawawala paglipas ng panahon.



Sanhi


Hindi pa mawari ng mga doktor kung ano talaga ang dahilan ng keloids formation sa bawat isang taong may keloid. Mayroon lamang silang assumption na ang changes sa cellular signals na nagkokontrol sa paglaki at pagdami ay maaaring konektado sa proseso ng keloid formation. Ngunit ang mga changes na ito ay hindi pa nasusuri scientifically. Ang keloid ay maaaring magdevelop matapos ang maliliit na injuries at body piercing o injection, o pagkatapos mapaso o masunugan ang balat.


Sino ang mas may tsansang magka-keloid?


Ang pagkakaroon ng keloids ay karaniwan sa babae at lalaki. Ang keloids ay hindi karaniwan sa mga bata at matatanda. Datapuwat ang mga maiitim ang kulay ng balat ay mas nagkaka-keloids, maaari ring magkaroon nito ang lahat ng skin types. Ang keloids ay mas malimit na nagdedevelope sa dibdib, likod, balikat, at earlobes. Paminsan-minsan lang nagkakaroon nito ang mukha particular na ang jawline. Ang keloid ay maaaring magdevelop matapos ang maliliit na injuries at body piercing. Kung minsan, magkakapamilya ang nagkakaroon ng keloids ngunit hindi matukoy kung saan ito magfo-form. Kaya naman upang makaiwas sa keloids, mangyaring iwasan ng taong may keloid ang planadong operasyon at piercing lalo na sa mga parte ng katawan na prone sa scarring.


The root cause of keloids is poor and abnormal wound healing. It is typically due to skin damage from acne, burns, chicken pox, cuts, insect bites, piercings, surgery, tattoos, vaccinations. Normally, there is a balance between the production and the breakdown of collagen, a protein that makes up the fibers in the skin. However, with keloidal scars, the cells in the skin called fibroblasts produce excessive amounts of collagen. The collagen fibers are also thicker and wavier. This leads to the thick, raised appearance that is characteristic of keloidal scars.


Sintomas, Symptoms, Signs


Ang keloids ay nakausli, makintab at dome-shaped, ranging ang kulay sa pink hanggang pula. Ang ibang keloid ay masyadong lumalaki at minsan ay hindi kanais-nais tingnan. Aside sa potensyal nito for cosmetic problems, itong mga keloid scars na ito ay kung minsay makati, masakit hawakan, at mainit-init.


Wound healing leads to the formation of fibrous tissue (called scar tissue) over the wound to repair and protect the injury. However, in some cases, scar tissues form excessively over the area of injury. Thus, keloids appear which are most commonly cosmetic in concern than a health one. Symptoms of keloids include flesh-colored area, pink or red in color, a lumpy or ridged area of skin, an area that continues to grow larger with scar tissue over time and itchy patch of skin. They tend to be larger than the original wound itself and may take weeks or months to fully develop.


Lunas


Ang desisyon kung kailangan bang i-remove ang keloid ay nag-dedepende sa sintomas na dala nito na konektado sa development nito at kung saang parte ng katawan ito lumaki. Ang isang keloids na matagal nang kumakati at na-irritate ay malaking konsumisyon. Ang keloids na nakakasira ng self-confidence tulad ng sa mukha na nagdadala ng low self-confidence ay nararapat lamang lunasan. At isang klarong katotohanan, ang malalaking keloids ay mahirap mawala. Ang mga gamot para sa keloids ay: Cortisone injections. Ito ay safe at hindi masyadong masakit. Ang injection na ito ay karaniwang binibigay ng isang beses kada buwan hanggang magkaroon ng improvement. Maliit na parte lamang ng steroids ang napupunta sa bloodstream at tumutulong upang ma-flatten ang keloids. Subalit ang cortisone injection ay maaari ring makapagpula sa keloids. Ang keloids ay mas gaganda na ring tingnan matapos ang treatment. Ang surgery ay isa ring lunas sa keloids. Ito nga lang ay delikado dahil ang paghiwa sa keloids ay maaaring mag-trigger ng formation ng mas malaking keloids. Ang ibang surgeons ay nagiging matagumpay sa surgery sa pamamagitan ng pag-inject ng steroids o pag-apply ng pressure dressing sa wound site matapos hiwain ang keloid. Ang radiation matapos ang surgical excision ay ginagamit rin. Ang paggamit ng laser ay posible rin. Hindi ito masakit at safe pa. Subalit nangangailangan ito ng maraming sessions at may kamahalan. Ang silicone sheets ay maaari ring gamitin. Linalagay ang sheet of silicone gel sa area ng ilang oras sa loob ng ilang araw, linggo, o buwan na mahirap i-sustena at nag-iiba-iba ang resulta. Ang ibang doktor ay nagki-claim na pareho nito ng resulta ang compression dressings. Mayroon ring lunas gamit ang cryotherapy, interferon, at fluorouracil.


Since keloids are oftentimes not detrimental to our health, these are managed at home with simple remedies. One of these is baking soda which serves as an abrasive agent that exfoliates the skin. One part baking soda should be mixed with three parts hydrogen peroxide to make a smooth paste. Apply the paste directly on the affected area to reduce inflammation and speed up the healing process. For best results, do this three or four times a day depending upon the severity of the scar. Aside from this, lemon juice can also help in treating keloids because it has antioxidants and vitamin C. Lastly, aloe vera can help reduce inflammation. It also keeps the skin well-moisturized and heals damaged skin. It also helps prevent skin infections.


Home remedies at natural cures


Mayroong mga home remedies para sa keloids na pwede nating subukan upang maibsan ang epekto nito. Ito ay ang apple cider vingar na tumutulong magpaliit sa sukat ng keloids at pamumula nito. I-apply ang apple cider vinegar direkta sa area at marahang i-massage ito upang ma-absorb ng balat. Hayaan itong matuyo ng ilang minuto at ulitin lang ang proseso. Gawin ito maraming beses sa isang araw upang makita ang resulta. Maaari ring gumamit ng baking soda. Ito ay maiging pang-exfoliate sa keloids. Pwede ring gumamit ng orange juice dahil meron itong vitamis C na nakakatulong sa paglunas ng ibat-ibang klase ng scars. I-apply lang ang extracted juice ng lemon sa apektadong parte ng katawan. Maaari ring gumamit ng aloe vera, honey, at bawang.


Prevention o paano maiwasan


Ang pinakamabisang pag-iwas sa keloids ay huwag magkaroon ng kahit isa nito. Hindi dapat sumailalim sa elective o cosmetic surgery. Kung keloids ang pinag-uusapan, ang prevention ay pinaka-importante.


About the author

Dr. Jen Cruz

U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco

The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately.

 

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Meron bang cream o gamot na tumutulong sa pagtanggal ng peklat?
Dr. Jen Cruz
is a Medical expert in United States
May mga binebentang cream na ipinapahid sa balat na sinasabing nakakapagtanggal ng peklat ngunit walang matibay na ebidensyang nagsasabing epektibo ang mga ito.
Nakakatulong sa collagen repair ang retinoic acid na mula sa Vitamin A at ang bitamina E. Ang mga cream para sa balat na naglalaman ng mga ito ay tumutulong mabawasan ang sintomas ng panunuyo at pangangati ng peklat. Tumutulong din ito na mapalambot ang peklat upang mabawasan ang paninigas nito. Ngunit limitado lamang ang ebidensyang nagsasabi na ang mga cream na ito ay nakakatulong sa pagtanggal ng peklat. Pero maaring makatulong na makaiwas sa pagkaroon ng stretch marks kapag regular na ginagamit ito.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Pwede bang magpa-tattoo sa ibabaw ng peklat?
Dr. Jen Cruz
is a Medical expert in United States
Depende sa uri at anyo ng peklat (halimbawa nakaangat, makinis, maitim o magaspang), kung pwedeng magpa-tattoo sa ibabaw ng peklat Mabuti rin magpa-konsulta sa doctor at professional cosmetic tattoo artist.
May mga kababaihang pinapa-tattoo ang kanilang peklat sa paligid ng kanilang utong matapos ang breast augmentation, para pumantay ito sa kulay ng kanilang balat.
Kung nais mong magpa-tattoo para matakpan ang peklat, mahalagang maghintay muna ng hindi bababa sa isang taon para tuluyang maghilom muna ito at humingi ng payo mula sa professional tattoo artist na bihasa tungkol dito.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Paano po ba agapan at gamutin ang nag-keloid na peklat?
Dr. Jen Cruz
is a Medical expert in United States
Ang nag-keloid na peklat ay mahirap gamutin pero may mga lunas na maaaring makatulong. Pwedeng irekomenda ng iyong surgeon ang mga lunas na magpapantay o magtatanggal sa peklat.
Ang keloid ay paglala ng scar tissue o peklat na tumutubo lagpas sa sugat. Karaniwang nagkakaroon ng keloid ang mga nakababata mula 10 hanggang 30 na taon, at may lahing asyano (asian) o afrikano. Kadalasang makikita ang keloid na namumula at may umbok, at maaari ding masakit kapag hinawakan. Maaaring pumantay din naman ito at hindi na kapansin-pansin pagkaraan ng maraming taon.
Kapag may history ang pamilya ng matinding pamemeklat, mahalagang sabihan ang iyong surgeon bago sumailalim sa operasyon. May mga paraang magagawa ang doktor para bawasan ang panganib na magkaroon ng keloid, kagaya ng paggamit ng pressure dressing o silicone gel sheeting sa iyong gumagaling na sugat.
Mahirap gamutin ang nagkeloid na peklat, at maaari itong magpabalik-balik. Kakailanganin ng paulit ulit na lunas kada ilang taon para mapaganda ang itsura ng nag-keloid na peklat. Ang mga sumusnod ay maaaring lunas sa keloid:
• Steroids. Ang tape na naglalaman ng steroid ay ginagamit sa umaga at sa gabi sa mahabang panahon, o kaya ang malakas na steroid ay diretsong iniiniksiyon sa peklat para tulungan itong palambutin at paliitin. Maaaring makaranas ng side effects kagaya ng pagnipis ng tissues sa ilalim ng balat na pwedeng magresulta sa paglalim ng peklat o tinatawag na sunken scar.
• Surgery. Ang pagtanggal ng peklat ay pwedeng magdulot ng mas manipis na peklat ngunit mataas ang panganib na magkaroon ulit ng keloid.
• Radiotherapy. Kung minsan, ginagamit ito kasama ng surgery para agapan ang nagkeloid na peklat. Ngunit may panganib na magkaroon ng skin cancer dahil dito. Maaari rin itong magdulot ng skin pigmentation at ulceration na karaniwan bumubuti naman sa katagalan.
• Pressure therapy. Ito ay epektibo matapos ang surgery at kadalasang ginagawang lunas para sa earlobe keloids.
• Experimental treatment. Kasali dito ang laser treatment, pag-iniksiyon ng gamot sa chemotherapy kagaya ng 5-Fluorouracil, at paginiksiyon ng interferon o retinoids sa peklat. Magkakaiba ang antas ng pagiging epektibo ng mga ito.
Anonymous Lee
is in the Philippines
Ganito rin yung look ng sakin pero nakuha ko sakin sa apoy direct sa palad ko 2days ago palang may gamot po ba dito?
Aizel De Leon
is in the Philippines
Anu po ba yung cream na para sa keloid kasi po yung asawa ko meron sa tenga medyo lumalaki na kasing lakinna ng piso?,,