Makakatulong ba pagsuot ng splints sa osteoarthritis? Splints joints, hands, knees, wrists

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.

May osteoarthritis po kamay ko. Makakatulong ba ang pagsuot ng splints?



Topic: Can wearing splints help people with osteoarthritis?

The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately.

 

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Dr. Ed Santos
is a Medical expert in Saudi Arabia
Ang pagsuot ng splints sa iyong kamay, hinlalaki o wrist ay makakatulong sa pagkakaroon ng ginhawa sa sakit, pagiwas sa paninigas at pagbibigay ng suporta sa iyong mga joints. Ang mga resting splints ay maaaring gamitin sa gabi at ang mga working splints ay dapat na gamitin kapag ikaw ay may ginagawa.
Kung gumagamit ka ng hand or wrist splint, makakatulong ito sa pagbawas ng pananakit at ng pangangalay sa iyong joints. Mayroon 2 uri ng splints.
Mararamdaman mong nakakatulong ang resting splints sa pagsuot nito sa gabi hanggang kinabukasan. Sinusuportahan nito ang iyong mga kamay, wrists at forearms. Ang mga resting splints ay madalas na customize upang maging angkop ito sa iyo. Ang iyong physiotherapist o occupational therapist ay maaaring magbigay ng impormasyon kung paaano makakakuha nito. Ang mga working splints naman ay makakatulong sa kapag ginagamit mo ang iyong mga kamay, tulad ng pagmamaneho at pagtratrabaho sa garden. Gawa ang mga ito sa elastik na materyal na nagbibigay ng flexible support. May mga iba't ibang uri ng working splints gaya ng mga splints para sa pagsuporta ng iyong thumb o wrist. Ang mga compression gloves na tinatawag din minsan na isotoner gloves ay maaaring makatulong sa pagtanggal ng pamamaga at pananakit. Mas madali itong isuot kung ikukumpara sa mga splints. Huwag magsuot ng splints sa buong araw. Huwag isuot ito ng overnight kung hindi ito payo ng iyong physiotherapist.

About the author

Dr. Ed Santos

My uncles and aunts were pediatricians and family physicians, so I had an inkling that I would do primary care. So at a young age, I dreamt of becoming a physician.
Profession: Family Medicine
Saudi Arabia , Jeddah