Masakit right lower back pag pinipisil nadidighay, burp pinch back pain

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.

Masakit po yung right lower back ko. Pag pinipisil ko po nadidighay po ako. Gusto kong malaman kung anong sanhi nito at paano mawala ang sakit. Maraming salamat po,


Translation: I feel pain on my right lower back, it's aching. And when I pinch it, I feel like burping. I would like to know what could be the cause of this. How can I stop the pain?

The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately.

 

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Mabuhay Pilipinas
is a Medical expert in Nicaragua
Hello! Kumusta na? Ganoon pa rin ba ang iyong nararamdaman? Bago natn maituro ang sanhi ng pagkirot ng iyong likod ay gusto kong malaman ang kasagutan sa mga sumusunod na tanong: 1) Gaano kasakit ang iyog likod kung ito ay bibigyan ng kaukulang bilang( 0=walang sakit, 5=tama lang, 10=sobrang sakit) 2) Maliban sa parting ibaba ng iyong kanang likod, saan banda pa kumikirot? tuwing kailan sumasakit? Sumasakit ba ito kapag ay ikaw ay katatapos lamang kumain? Maliban sa pagdighay, anu-ano pa ang mga nararamdaman mo habang ito ay sumasakit? Anong mga gawa ang nakapagdudulot ng sakit sa iyong liko?

Importanteng malaman ang mga ito para kahit papaano ay mabigyan ng direksyon ang pagsiyasat sa iyong karamdaman. Sa impormasyong iyong binanggit, nakikita ko ang problema sa apdo. Ngunit nililinaw ko na ito ay aking opinyon habang wala pang kaukulang physical exams ang ginawa sayo. Ang pagdidighay at pananakit sa likod na mas pinapalala ng pagkain ng masesebong pagkain ay tumuturo sa problema sa apdo. Ngunit habang wala pang kasagutan sa mga tanong ko ay di muna kita mabibigyan ng sapat na impormasyon sa ngayon. Mainam din na magpunta sa duktor para mas mabusisi ng husto ang iyong problema. Tandaan, wala paring tatalo sa pisikal eksams na ginagawa namin sa aming mga pasyente. Sana ay nakatulong ako sa iyo.

About the author

Mabuhay Pilipinas

Profession: Adolescent Medicine
Office Address: Tandang Sora, Q.C
Nicaragua , Managua