Nephritis: Impeksyon sa bato o kidney, namaga, Symptoms, Causes, medicine, treatment

Dr. Arvin Ramos
is a Medical expert in United Arab Emirates

Ano ang “Kidneys” o bato?

Isipin mo na ang iyong bato ay ang tagasala ng mga basura sa katawan at binubuo ng dalawang parang buto ng sitaw (bean-shaped organ). Araw-araw, ang iyong masisipag na bato ay nagpoproseso ng 200 litro ng dugo at nagtatanggal ng 2 litro ng dumi, basura at sobrang tubig dito. Kapag ang mga bato ay biglaang namaga, maaaring dumaranas ka ng kondisyon na tinatawag na “acute nephritis”. Ang “acute nephritis” ay may ilang mga sanhi na maaaring magdulot ng pagkasira ng bato o “kidney failure”.

Your kidneys are your body’s filters – a sophisticated waste removal system comprised of two bean-shaped organs. Every day, the kidneys work hard to process 200 quarts of blood in a day and remove two quarts of waste products and excess water. If the kidneys suddenly become inflamed, a condition called acute nephritis develops. There are several causes for acute nephritis and can lead to kidney failure. There are types of acute nephritis which include: Interstitial Nephritis; Pyelonephritis and Glomerulonephritis.


Ano ang sanhi ng “Acute Nephritis”?

Bawat isang klase ng “acute nephritis” ay may kani-kaniyang dahilan tulad ng sumusunod:


· “Insterstitial Nephritis”. Ang ganitong klase ay sanhi ng reaksyon sa medikasyon o “antibiotic”. Ang “allergic reaction” ay isang normal na tugon ng katawan sa anumang banyagang bagay na pumapasok dito. Ang iba pang dahilan ay ang pagkakaroon ng mababang “potassium” sa dugo. Ang “potassium” ang mineral na nakakatulong sa pagpapagana ng mga tungkulin ng katawan, kasali na ang metabolismo. Ang pag-inom rin ng mga gamot sa mahabang panahon ay maaaring makasira sa “tissues” ng bato.


· “Pyelonephritis”. Ang karamihan sa impeksyon mula sa “pyelonephritis” ay nangyayari dahil sa bacteria na “Escherichia coli (E. coli)”, na makikita sa bituka. Bagamat ang impeksyon ay isa sa nangungunang sanhi ng “pyelonephritis”, mayroon pang ibang dahilan tulad ng paggamit ng bagay tulad ng “cystoscope” sa eksaminasyon sa labasan ng ihi, operasyon sa pantog, bato o “ureters”, at ang pagkakaroon ng “kidney stones”.


· “Glomerulonephritis”. Ang pangunahing sanhi ng ganitong klase ng impeksyon sa bato ay hindi pa nalalaman. Bagkos, ang ilang karamdaman ay nagpapasimula ng impeksyon tulad ng problema sa “immune system”, pagkakaroon ng kasaysayan ng kanser, pagkakaroon ng nana na pumutok at napunta sa bato sa pamamagitan ng sirkulasyon ng dugo.

A number of factors have been known to trigger kidney nephritis disease. Here are some of the most common causes for nephritis:

Autoimmune Disorders: This is where attacking normal parts of the body occur instead of the invaders. One of the affected organs is the kidneys. Nephritis is one of the resulting diseases when the body’s immune system attacks itself.

Bacteria: Responsible for nephritis in children as well as adults is the streptococcus bacteria.

Medication: Long-term intake of certain medications increases the chance of having nephritis. In older people, use of specific medications is the cause of nephritis.


Heredity Factors: Having family members with nephritis increases your chance to get one.


Sino ang mga taong mas mataas ang tsansa na magkaroon ng “acute nephritis”? / Kinsa ang mga tao nga mas taas ang puruhan nga magka-“acute nephritis”?


Mayroong mga taong mas mataas ang tsansang magkaroon ng “acute nephritis”. Ang mga sumusunod ang ilang mga dahilan kung bakit mas mataas ang kanilang tsansa.


· Kasaysayan sa pamilya ng pagkakaroon ng sakit sa bato o impeksyon dito.


· Pagkakaroon ng sakit sa “immune system” tulad ng “lupus”.


· Pag-inom ng masyadong maraming antibiotics at gamot para sa kirot.


· Katatapos lang na opersyon sa “urinary tract”.


Sintomas / Symptoms, Signs

Ang iyong sintomas ay mag-iiba-iba depende sa klase ng “acute nephritis” na dinaranas. Ang pinaka-karaniwang mga sintomas para sa tatlong klase ng “acute nephritis” ay ang: pananakit ng bewang, pagkirot o parang nasusunog na pakiramdam habang umiihi, palagiang pag-ihi, malubog na ihi, nana o dugo sa ihi, pamamaga ng parte ng katawan, karaniwan na ang mukha at paa, pagsusuka, lagnat at mataas na blood pressure.


Paano mo malalaman na meron kang “acute nephritis”? / Unsaon nimo pagkabalo nga naa kay “acute nephritis”?


Ang ilang mga eksaminasyon upang makompirma na meron kang “acute nephritis” ay ang sumusunod:


· “Biopsy” ng kidneys. Ito ay ang pagkuha ng maliit na sample mula sa kidney upang ito ay maeksamin sa laboratoryo.


· Pagsusuri sa dugo at ihi. Ang mga tests na ito ay maaaring makatukoy ng bacteria at sintomas ng impeksyon.


· Ang “CT scan” ay maaaring gamitin upang makunan ng larawan ang bewang at ang tiyan.

In case you are suffering from nephritis disease, you kidneys could get affected to such an extent that they may no longer be able to function as what is expected of them. Here are some of the other common symptoms for nephritis including: an increase or decrease in the frequency of urination or the amount of urine passed each time; difficulty in breathing; positive changes in the color of urine which appears frothy or darker; extreme fatigue is felt, accompanied by weakness; presence of blood in the urine is also noted. In case of acute nephritis, which is more common in children, the inflammation is sudden. Therefore, symptoms like the retention of urine or edema may not necessarily be present. However, in such cases, even though urine is being passed in normal quantities, the amount of waste that is eliminated from the body may be a lot less, in comparison.


Paano malulunasan ang “acute nephritis”?

Ang paggamot sa “glomerulonephritis at interstitial nephritis” ay maaaring mangailangan ng paglunas sa mga kondisyon na nagdudulot ng problema. Ang mga gamot na pwedeng inumin ay mga antibiotics at “pain relievers” para sa ilan na merong “pyelonephritis”. Kung mataas naman ang blood pressure, maaaring kailanganin mo ang “calcium channel blockers”. Kakailanganin mo rin ng “corticosteroids” o iba pang medikasyon na nagpapakalma sa “immune system”.

The following are some of the treatments for Nephritis which include medications like Penicillin, Loop diuretics, Hydralazine, Furosemide, Methylprednisolone, Cyclophosphamide. Dietary changes may also be suggested by your doctor. You may be advised to reduce your intake of salty foods, drinks of high amounts of potassium, and fluid intake. These measures help in controlling your blood pressure and ensure the amount of fluid in your body is regulated. You may also be advised about protein in your diet and eating a diet low in saturated fats to help lower your cholesterol. You should also stop smoking as it relates to worsening the damage in the kidneys. There are also medications called immunosuppressants that is used to treat nephritis caused by the autoimmune activity of the body. Other medicines are used to treat high blood pressure and high cholesterol level.


Mga pwedeng gawin sa bahay.

Kakailanganin mong uminom ng mas maraming tubig kaysa sa karaniwan mong iniinom noon. Ang tubig ay tinutulungan ang iyong bato na palabasin ang anumang basura na nagpapabagal sa iyong paggaling. Maaari ring ikaw ay payuhan na kumain ng hindi masyadong maaalat na pagkain upang maiwasan na manatili ang sobra-sobrang tubig sa iyong katawan.


About the author

Dr. Arvin Ramos

Profession: Dermatologist
St. Luke's Medical Center
Office Address: E. Rodriguez
United Arab Emirates , Abu Dhabi

The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately.

 

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Good day....pag umiihi po ako may nana,pero di namn masakit balakang ko o kahit saan..n urine test narin ako okey nmn result wala nmn uti.ofw po ako Doc..sana masagot po..salamat
Ghiemer M
is in Asia/Pacific Region
doc bkt poh aq bumaba potassium ko pero sabi ng doctor ko my konting infected po ang kidney ko.. anu po bang dabest solution dun para maging normal na ulit kidney ko.. pati anu po bang klaseng sakit sa kidney meron ako pag ganun?