Paano kontrolin sarili sa pagiinom? Paano makaiwas sa paglalasing alak

Dr. Jen Cruz
is a Medical expert in United States

Ano mga pwedeng gawin para maitigil ang pag-inom ng labis-labis na alak!

May kilala ka ba na hindi kayang mabuhay ng walang alak o pagtutunga? O baka isa ka din sa may problema kung paano ititigil ang bisyo na pag to-toma?

Madaling sabihin na ititigil mo na ang alak pero mahirap talagang gawin. Kapag kasi naging bisyo mo na ang pag lalaklak, apektado na ng alak ang emosyon at pati ang pagkilos mo. Pero tandaan mo na may malaki yang epekto sa kalusugan mo at sa pamilya mo. Pero madami naman na napagtagumpayan nila ang pagiging lasenggero. Ngayon nga, may mga maganda na silang trabaho at mas masaya na sa buhay nila. Walang masama na uminom. Pero heto ang mga paraan para hindi ka malasing o maihinto mo na talaga ang pagiging lasenggero. Subukan ang ilang tips na ito para maiwasan ang sobrang pagtungga ng alak:

- Sa loob ng isang oras habang nakikipag-inuman sa mga katrabaho o kumpare mo, uminom lang ng isang baso. Enjoyin ang alak o beer ng paunti unti, kesa isang inuman lang ang pagtunga. Kayang imetabolize ng atay ng isang tao ang alak sa loob ng isang oras kaya kung gagawin mo yan, hindi ka malalasing.

- Kung mag-iinom ka, baka mas maganda kung yung mamahalin ang bibilhin mo para manghinayang ka sa pera na ginastos mo. Maganda din kung iinom ka kasama nung mga taong may kontrol sa sarili nila. Matutulungan ka nila na magkontrol at mag lagay ng limitasyon. Uminom ng tubig bago at sa gitna ng pagiinom niyong magkakaibigan. Mas bibigat ang tyan mo at baka mawalan ka na ng gana na uminom pa. Makakatulong din yan para di ka agad malasing. Pero syempre, kontrol sa sarili lang talaga ang tanging solusyon.

Eh pano naman kung gusto mo na talagang ihinto ang labis labis na paginom pero hirap na hirap ka?

- Humingi ng tulong sa mga doktor. Matutulungan ka nila na magpigil lalo na at hindi madaling gawin yan mag-isa. Sabi nga nila, naiisip palang nila na wala ng alak, eh mamamatay na sila. Kung nakakaramdam ka ng pagpapanic, panginginig o yung tinatawag na withdrawal symptoms, kumonsluta na agad sa doktor. Hwag mong isipin na magagawa mo yan ng mag-isa kaya wag mahiya na humingi ng tulong.

- Mag set ng makatuwiran na goal kung kelan mo gustong maitigil ng lubusan ang pag iinom. Isipin mo yun magagandang resulta kapag naitigil mo na ang pag-iinom. Hindi makatuwiran kung sasabihin mo na sa loob ng isang buwan eh magbabago ka na. Mahirap talaga. Pero kakayanin mo. Wag madaliin ang mga bagay bagay. Kung mabigo ka man, wag masiraan ng loob kasi kasama yan sa pagbabago. Sa halip na alak, palitan ito ng matapang na kape, tsaa o softdrinks.

- Libangin ang sarili kapag natutukso ka. Halimbawa, gumamit ng internet, mag linis ng paligid, manood ng Tv, magbasa o kumain. Kapag may bisita ka, wag mong isipin na kailangan mo laging maglabas ng alak. Pwede naman ang juice.

- Baka kailangan mo munang lumayo sa mga kainuman mo. Iwasan din yung pagtatabi ng mga garapon ng alak o mga lata kase baka matukso ka lang. Iwasan lahat ng magpapatindi ng tukso.

- Humingi ng tulong sa kapamilya mo. Mas maiintindihan ka nila at malamang na gusto ka nilang tulungan.

- Laging isipin na magtatagumpay ka at konting tiis nalang. Wag mo nang balikan yung saglit na kasiyahan na dulot ng alak. Ikumpara mo yon sa problema na dinulot sayo, lalo na sa reputasyon mo. Mas nagtatagumpay sa buhay yung may kontrol. Ikaw ang kumuntrol sa alak, hindi ang alak ang kokontrol sayo.


Makatulong sana yan sayo na maitigil mo ang sobrang pagka-gumon sa alak.


About the author

Dr. Jen Cruz

U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco

The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately.

 

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)