Paano maiiwasan o makaiwas sa DYABETIS? DIABETES, PAGIHI NG MATAMIS

Dr. Jen Cruz
is a Medical expert in United States

Paraan para maiwasan Diabetes

Ang diabetes na yata ang pinaka karaniwang sakit ng halos lahat ng umi-edad. Yung mga edad 40 pataas lang ang karaniwang nagkakasakit niyan noon, pero ngayon, kahit na teenager o bata eh pwedeng-pwede na din. At sa totoo lang, ginagamot lang nila ang diabetes nila kung kalian na malala na ito.

Nagkakaron ng diabetes ang isang tao dahil sa maling lifestyle o namamana. Kutakot-takot na problema ang dala ng diabetes. Yan ang pangunahing dahilan ng pagkabulag, pagpalya ng bato o kidney sa pagsala ng mga dumi sa katawan, mga komplikasyon sa nerves at sa puso at ang mas malala pa nga eh yung maputulan ka ng binti o paa. Nangyayari ang diabetes kapag hindi na kaya ng katawan na gumawa at maglabas ng insulin o kapag hindi na nagagamit ng maayos ang insulin sa katawan. Pero kayang-kaya mong iwasan ang tyansa na magkaron ng diabetes.



Paano mawala, gamutin o magagamot ang diabetes?

Eh paano nga ba maiiwasan ang type-2 diabetes o yung pinaka-karaniwan na uri ng diabetes? Heto ang magagawa mo:

- Iwasan na laging nakaupo at dalasan ang mga pisikal na gawain. Sa halip na laging nakatutok sa TV o computer, magpapawis sa labas. Mag-jogging o maglakad-lakad araw-araw. Mag exercise hindi lang kapag naisipan. Gawin mo yang regular. Bababa ang timbang mo pati ang blood sugar. Ipinapakita ng mga pagsusuri na yung aerobic exercise eh malaking tulong para maiwasan ang diabetes. Mag-isip din ng mga gawain na matutulungan kang sanayin ang self-control mo.

- I-check ang tyansa mo na magkaron ng diabetes. May mga kamag-anak ka bang may diabetes? May nararamdaman ka bang mga sintomas gaya ng pamamanhid, pagkalabo ng mata, mabilis na mapagod o mauhaw at madami pang iba? Ang pinaka magandang solusyon? Magpacheck-up ng blood sugar.

- Baguhin ang lifestyle. Magbawas ng timbang kung masyadong mataas ang timbang mo at hindi angkop sa edad mo. Kunin ang BMI o Body Mass Index. Sikapin na wag maging obese o overweight. Pumili ng mga diet program na mas malamang ang ehersisyo. Huwag basta uminom ng mga gamot na pampapayat lalo na kung hindi ito aprubado ng BFAD. Mas maganda pa din ang natural na pagpapapayat dahil yung mga gamot na nangangako ng mabilisang pagbabawas ng timbang ay may side effect.

- Piliin ang mga whole-grains, gulay at mga pagkaing mayaman sa fiber. Sa halip na mga processed na pagkain, cold cuts o instant, ugaliing magluto ng masusustansya. Numero uno jan ang gulay at prutas. Alamin ang mga dapat mong iwasan: masyadong matatamis, macarbohydrates gaya ng white bread at pasta o mga processed na karne. Ang totoo, wala namang bawal na pagkain basta’t balanse lang. Kapag natutukso na kumain ng matatamis o mga instant foods, bakit hindi subukan ang mga fruit shakes? Pagdating naman sa inumin, maging banayad sa pag-inom ng softdrinks at alak. Kung palagi kang iinom niyan, talagang tataas ang tyansa mo na magka diabetes.

- Iwasan ang paninigarilyo. Mas madaming komplikasyon at mas malaki ang tyansa na mauwi sa kamatayan ang isang pasyente kapag naninigarilyo ito.

- Regular na I-check ang blood pressure mo para maiwasan ang sakit sa puso na maaaring komplikasyon ng diabetes.


Ang totoong solusyon? Disiplina at kontrol sa sarili. Nakatulong sana sayo ang mga nabanggit.


About the author

Dr. Jen Cruz

U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco

The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately.

 

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)