Pamboboso o Paninilip: Bakit mahilig, Lunas, Paano Maiwasan Voyeurism

Dr. Jen Cruz
is a Medical expert in United States

Ano ba yung pamboboso o voyeurism? Isa itong problema sa isip kapag hindi mapigilan ng isang tao ang pagtingin sa mga sekswal na larawan, mga maseselang parte ng katawan, manilip o panonood ng palihim sa pribadong sekswal na gawain ng iba. Syempre, palihim nila itong ginagawa ng hindi nalalaman ng biktima. Kung minsan, nakikinig sila ng mga audio o nae-enjoy nila ang mga usapan o babasahin tungkol sa pagtatalik na nagpapatindi naman sa pagpapantasya nila.

Pamboboso o Paninilip, Bakit mahilig, Lunas, Paano Maiwasan Voyeurism

Kung ganito ka o may kakilala kang ganito, siguradong gusto mong malaman kung paano ba ito magagamot. Talagang nakakalason yan sa isip mo. Pero, huwag kang mag-alala. May paraan para mapaglabanan at maiwasan ang voyeurism. Eh bakit ba may mga taong mahilig mamboso o bakit nagkakaron ng ganitong sakit ang isang tao?

Walang scientific na dahilan kung saan ba yan nagmumula hanggang ngayon. Pero sabi ng mga ekspert, malamang na nagsimula yan sa aksidenteng pagkakatingin sa malaswang larawan o aktwal na sekswal na gawain ng dalawang tao. Baka dahil don, ginusto na niya ng ginusto ang mga nakikita niya, kaya pana-panahon hinahanap niya yon at nag eenjoy siya. Pero malaki ang epekto non sa pamilya, kinabukasan at lalo na sa sarili. Sabi nila, sa mga lalaki lang yan nangyayari, pero ang totoo, kahit sa babae eh pwedeng pwede rin yang mangyari. Nagsisimula din yan sa pagtingin sa porn, sexting at iba pa na nagpapalalim ng damdamin sa sekso. Sa loob ng 6 na buwan at ganito ang nadarama mo, siguradong sobrang na-sstress ka na. Baka voyeurism na yan. Paano nga ba magagamot ang sakit na yan?

- Kailangan munang tanggapin na may sakit siya at na kailangan niya ng tulong. Syempre , kung tanggap mo ang sitwasyon, mas madali kang makaka-isip ng solusyon. Malaking tulong ang mga kaibigan at kapamilya.

- Makakatulong ang ibat-ibang uri ng behavior therapy. Madaming therapy ang pwede mong subukan gaya ng cognitive at psychoanalysis therapy. Matutuhan mong magkontrol ng damdamin at para na rin maibaling mo ang atensyon mo sa ibang bagay. Totoo, hindi magiging madali sa una, pero magtatagumpay ka pa rin.

- Humingi ng tulong sa isang propesyonal gaya ng psychologist o psychiatrist para mas maintindihan mo ang sarili mo at ang problema. Huwag mong isipin na mga baliw lang o may sira sa ulo ang nagpapatingin sa mga espesyalista.


Paraan para maiwasan

Kung nararamdaman mo ang ilang senyales na ganito ka o baka nasusubukan mo pa nga yung mga ginagawa ng isang may voyeurism, kumilos ka na ngayon para paglabanan yan. Eto ang mga paraan para makontrol na agad at maiwasan ang voyeurism:

- Iwasan yung mga nagpapatindi ng damdamin mo. Limitahan yung panonood ng mga emosyonal o mga palabas na malaswa. Mag set ng limitasyon at sundin yon. Ikaw lang talaga ang higit na makakapagpabago at makakatulong sa sarili mo.

- Makipagusap sa mga kapamilya o sa mga totoong kaibigan mo. Syempre, mas gagaan ang pasan mo kung magpapatulong ka, hindi man nila maalis lahat ng problema. Sabi nga ‘two is better than one’’. Makaktulong din kung sasali ka sa mga group therapy treatments kung san makakasama mo yung mga taong gusto ding magbago. Mas magkakaron ka ng kumpyansa sa sarili mo na gaya ng iba, kaya mo ding paglabanan ang nararamdaman mo.

- Kumilos na agad.


Mahirap harapin ang problema ng mag-isa ka lang. Kung may voyeurism ka, hwag na hwag sumuko o isipin na hindi ka na magbabago. Pwedeng-pwede kang magkaron ng mas masayang buhay at payapang isip. Nakatulong sana ang artikulong ito sayo.Ano ba yung pamboboso o voyeurism? Isa itong problema sa isip kapag hindi mapigilan ng isang tao ang pagtingin sa mga sekswal na larawan, mga maseselang parte ng katawan, manilip o panonood ng palihim sa pribadong sekswal na gawain ng iba. Syempre, palihim nila itong ginagawa ng hindi nalalaman ng biktima. Kung minsan, nakikinig sila ng mga audio o nae-enjoy nila ang mga usapan o babasahin tungkol sa pagtatalik na nagpapatindi naman sa pagpapantasya nila.

Kung ganito ka o may kakilala kang ganito, siguradong gusto mong malaman kung paano ba ito magagamot. Talagang nakakalason yan sa isip mo. Pero, huwag kang mag-alala. May paraan para mapaglabanan at maiwasan ang voyeurism. Eh bakit ba may mga taong mahilig mamboso o bakit nagkakaron ng ganitong sakit ang isang tao?

Walang scientific na dahilan kung saan ba yan nagmumula hanggang ngayon. Pero sabi ng mga ekspert, malamang na nagsimula yan sa aksidenteng pagkakatingin sa malaswang larawan o aktwal na sekswal na gawain ng dalawang tao. Baka dahil don, ginusto na niya ng ginusto ang mga nakikita niya, kaya pana-panahon hinahanap niya yon at nag eenjoy siya. Pero malaki ang epekto non sa pamilya, kinabukasan at lalo na sa sarili. Sabi nila, sa mga lalaki lang yan nangyayari, pero ang totoo, kahit sa babae eh pwedeng pwede rin yang mangyari. Nagsisimula din yan sa pagtingin sa porn, sexting at iba pa na nagpapalalim ng damdamin sa sekso. Sa loob ng 6 na buwan at ganito ang nadarama mo, siguradong sobrang na-sstress ka na. Baka voyeurism na yan. Paano nga ba magagamot ang sakit na yan?

- Kailangan munang tanggapin na may sakit siya at na kailangan niya ng tulong. Syempre , kung tanggap mo ang sitwasyon, mas madali kang makaka-isip ng solusyon. Malaking tulong ang mga kaibigan at kapamilya.

- Makakatulong ang ibat-ibang uri ng behavior therapy. Madaming therapy ang pwede mong subukan gaya ng cognitive at psychoanalysis therapy. Matutuhan mong magkontrol ng damdamin at para na rin maibaling mo ang atensyon mo sa ibang bagay. Totoo, hindi magiging madali sa una, pero magtatagumpay ka pa rin.

- Humingi ng tulong sa isang propesyonal gaya ng psychologist o psychiatrist para mas maintindihan mo ang sarili mo at ang problema. Huwag mong isipin na mga baliw lang o may sira sa ulo ang nagpapatingin sa mga espesyalista.


Paraan para maiwasan

Kung nararamdaman mo ang ilang senyales na ganito ka o baka nasusubukan mo pa nga yung mga ginagawa ng isang may voyeurism, kumilos ka na ngayon para paglabanan yan. Eto ang mga paraan para makontrol na agad at maiwasan ang voyeurism:

- Iwasan yung mga nagpapatindi ng damdamin mo. Limitahan yung panonood ng mga emosyonal o mga palabas na malaswa. Mag set ng limitasyon at sundin yon. Ikaw lang talaga ang higit na makakapagpabago at makakatulong sa sarili mo.

- Makipagusap sa mga kapamilya o sa mga totoong kaibigan mo. Syempre, mas gagaan ang pasan mo kung magpapatulong ka, hindi man nila maalis lahat ng problema. Sabi nga ‘two is better than one’’. Makaktulong din kung sasali ka sa mga group therapy treatments kung san makakasama mo yung mga taong gusto ding magbago. Mas magkakaron ka ng kumpyansa sa sarili mo na gaya ng iba, kaya mo ding paglabanan ang nararamdaman mo.

- Kumilos na agad.

Mahirap harapin ang problema ng mag-isa ka lang. Kung may voyeurism ka, hwag na hwag sumuko o isipin na hindi ka na magbabago. Pwedeng-pwede kang magkaron ng mas masayang buhay at payapang isip. Nakatulong sana ang artikulong ito sayo.


About the author

Dr. Jen Cruz

U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco

The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately.

 

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)