Wala ako hika dati nung bata. Nakukuha ba asthma sa trabaho? Occupational asthma, allergic reaction, irritant, chemicals

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.

Nakakaranas po ako ngayon ng sintomas ng hika, pero wala naman ako hika dati nung bata. Nakukuha po ba asthma sa trabaho?


Topic: I'm experiencing symptoms of ashtma, but I didn't have asthma when I was a kid. Could I have gotten asthma from work?


The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately.

BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

 

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Dr. Ed Santos
is a Medical expert in Saudi Arabia
Ang occupational asthma ay dulot ng pagka-expose sa mga kemikals at iba pang bagay na makikita sa iyong lugar na pinagtatrabahuan. Mas mataas ang iyong tsansang magka-asthma kung ikaw ay isang panadero, metal worker o spray painter. Mayroong mahigit sa 200 materyales na pang-industrya ang naturang nagdudulot ng occupational asthma. Ang asthma na ito ay nagaganap tuwing nakakalanghap tayo ng bagay tulad ng harina, o alikabok mula sa kahoy na nasa iyong pinagtatrabahuan. Nagiging sensitibo ang mga airways (daanan ng hangin papunta sa ating baga), na ginagawang makipot at masikip ang daluyan ng hangin. Sa pabalik-balik na pagka-expose sa mga bagay na ito, may mas malaking tsansa na magka-asthma.
Ayon sa isang pagaaral, ang mga trabahong ito ang may pinakamatataas na tsansang makakuha ng occupational asthma:
• Panadero – dahil sila ay exposed sa harina habang nagmamasa ng tinapay
• Spray painters ng mga sasakyan – dahil sila ay na-eexpose sa spray ng pintura
• Tagasolda ng bakal – dahil sila ay exposed sa alikabok ng bakal kapag nag-sosolda
• Mga woodworkers – dahil snakakalanghap sila ng alikabok mula sa lahat ng klase ng kahoy na kanilang pinuputol at liniliha
• Mga trabahante o empleyado ng Ospital – dahil sa exposure sa pulbos ng latex gloves, biocides at disinfectants
• Mga laboratory animal workers – dahil palagi silang in contact, nakikihalubilo, at naglilinis kasama ang mga hayop
• Mga inhinyero – dahil ang mga alikabok sa mga bakal habang gumagawa ng mga makina ay palagi nilang nalalanghap
Hindi madaling malaman kung ang iyong trabaho ay nakakadulot ng asthma sa iyo. Dahil hindi agad-agad lumalabas ang sintomas kahit na ikaw ay na-expose na sa mga bagay na nakaka-asthma, ngunit maaari itong umatake matapos ang iyong trabaho o tuwing gabi. Mapapansin mong nawawala ang sintomas na nararamdaman kung ikaw ay nag-day off o nagbakasyon sa trabaho. Kung ikaw ay may asthma, kailangang magpatingin sa iyong doktor. Maaari ka niyang isangguni sa espesyalista sa baga – doctor na tumutukoy sa paglunas ng mga sakit sa baga. Ang doctor ay magtatanong sa iyong sintomas at kung ikaw ba ay na-expose sa mga bagay na nakaka-asthma. Kung minsan, maaari kang sumailalim sa skin patch test upang malaman kung meron kang allergic reaction o ang doctor ay maaaring magrekomenda ng espesyal na inhalation test upang ma-monitor ang iyong reaction sa ilang mga bagay.
Kung ang iyong doctor ay natukoy na ang relasyon ng iyong asthma at sa bagay na nagpapasimula nito sa iyong working area, ikaw ay ida-diagnose na may occupational asthma. Kung ikaw ay may karagdagang tanong ukol sa occupational asthma, maaaring magtanong sa iyong doktor.

About the author

Dr. Ed Santos

My uncles and aunts were pediatricians and family physicians, so I had an inkling that I would do primary care. So at a young age, I dreamt of becoming a physician.
Profession: Family Medicine
Saudi Arabia , Jeddah