Mga Kilalang Tao sa Panahon ng Espanyol- Ano ang sasakyan Espanyol Pagsakop sa Pilipinas

Precious Gomez
is a Nurse in the Philippines


Noong Nobyembre 21, 1564 apat na barko ang pinadala sa Pilipinas ni Haring Felipe. Merong 380 katao ang laman ng bawat barko.

 

Si Felipe II o Philip II ay ang pinakamakapangyarihang tao sa mundo noong panahon niya. Si Felipe ay pinanganak noong Ika-21 ng Mayo, taong 1957 at namatay siya noong ika-13 Setyembre, taong 1598. Nagpadala si Haring Felipe ng utos upang maghanda ng panibagong ekspedisyon sa Pilipinas.



Si Miguel Lopez de Legaspi ay ipinanganak noong 1510 sa Espanya, at namatay noong Agosto 20, 1572 sa Pilipinas. Si Miguel ang pinakaunang gobyerno sa PIlipinas noong 1565 hanggang sa kanyang kamatayan. Ang paglalakbay na pinamunuan ni Miguel ang nagtagumpay upang masakop ang Pilipinas sa pamamagitan ng pakikipagsanduguan sa mga lokal na pinuno at paggamit ng dahas.



Si Raha Sikatuna ay isang Datu sa isla ng Bohol sa Pilipinas. Ang kanyang totoong pangalan ay "Katuna", ngunit ang "Si" ay idinagdag sa kanyang pangalan dahil ito ay isang panandaliang tagapagpahiwatig para sa isang Pilipino. Gumawa siya ng isang compact na dugo o "Sanduguan" na alyansa sa Espanyol na si Miguel López de Legazpi noong Marso 16, 1565 malapit sa modernong bayan ng Loay.

May monumento sa paggunita sa kasunduang ito na tinatawag na “The Sandugo Blood Compact Site”, na matatagpuan sa distrito ng Bohol, Tagbilaran City.



Si Raha Sulayman ay isang matapang na Muslim na namuno sa Maynilad (Manila). Siya ay tumanggi sa pakikipagkaibigan ng mga Espanyol, na ang naging kabayaran nito ay ang pagkawala ng kalayaan ng kanyang mga taong nasasakupan.

Dalawang beses siyang nakipaglaban sa mga Espanyol sa pamumuno ni Miguel Lopez de Legaspi taong 1570 at 1571. Na naging resulta ng pagkasunog ng kanyang kaharian. Sa pangalawang pakikipaglaban niya sa “labanan ng Bakunsay” noong Hunyo 3, 1571, namatayan siya ng 300 na mandirigma.



Si Rajah Tupas ang namuno sa Cebu hanggang matalo siya ni Miguel Lopez de Legaspi noong Abril 27, 1565. Siya ay anak ni Sri Parang ang Limp. Pamangkin siya ni Rajah Humabon. Siya ay kilala na nabautismuhan o biniyagan noong Marso 21, 1568 sa edad na 70. Sina Tupas at Legaspi ay lumagda ng kasunduan sa Cebu na nagbibigay sa Espanya ng soberanya sa Cebu.



Si Martin de Goiti ay isang Espanyol na nanguna sa isa sa mga ekspedisyon sa Pilipinas noong 1569 sa ilalim ng kuutusan ni Miguel Lopez de Legaspi. Siya ang tumulong kay Miguel Lopez de Legaspi sa paggalugad at pagsakop sa Maynila.
Nakipaglaban siya sa mga Pilipino sa ibat ibang parte ng bansa partikular sa mga lugar sa Luzon. Ang kanyang nais ay makasakop ng malawak na bahagi ng bansa upang maangkin ang likas na kayamanan ng mga ito at upang paghirapan ang Pilipinas. Kasama siya sa mga nakipaglaban kay Rajah Soliman sa Maynila na tinawag na Battle of Maynila.



Si Lapu-lapu ay isang Datu sa pulo ng Mactan, isang pulo sa Cebu, Pilipinas. Siya ang kauna-unahang katutubo ng kapuluan na nakipaglaban sa pananakop ng Kastila. Si Lapu-lapu ang tumalo at naging dahilan ng kamatayan ni Magellan. Siya ang pinakaunang bayaning Pilipino.



Si Ferdinand Magellan o Fernando de Magallanes sa Kastila ay isang eksplorador ng Portuges na naglayag para sa Espanya. Siya ang kauna-unahang naglayag mula Europa pakanlurang patungong Asya, unang europeo na nakatawid ng Karagatang Pasipiko. Si Magellan din ang namuno ng unang ekspedisyon sa daigdig. Sa paglalakbay ng Magellan, napatunayan niya na ang mundo ay bilog. Siya ay nasawi sa laban nila ni Lapu-lapu sa Mactan.



Noong Agosto 10, 1519, ang limang mga barko sa ilalim ng pamumuno ni Magellan na Trinidad, San Antonio, Concepción, Victoria at Santiago ay lumisan sa Sevilla, Espanya.

Trinidad- Ang barkong nawawala, ang kapitan ay si Magellan.

San Antonio- Bumalik sa Espanya, ang kapitan ay si Juan de Cartegana.

Concepcion- Barkong nasunog, ang kapitan ay si Gaspar de Quesada.

Victoria- Si Sebastian Elcano ang kapitan ng Victoria. Ang barkong Victoria ay dala ni Magellan na nakaikot sa silangan gamit ang rutang pakanluran.Ito ang kaisang-isang barko na bumalik sa Espanya.
 Santiago- Nasawi sa Karagatang Atlantiko, ang kapitan ay si Geovanni “Juan” Serrano.
 




 





About the author

Precious Gomez

I am knowledgeable in the use of computer and online apps. I've done freelance article writing for more than 5 years. I am hard working. I still have a lot of things to learn and very open for training and guidance. Thank you so much for viewing my profile.
Profession: Nurse
Philippines , National Capital Region , Pasig
Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.