MGA TIPS PARA SA NAGPAPASUSONG INA o NAGPAPADEDE NANAY BAGO BUMALIK SA TRABAHO

Medical Team
is a Medical expert in United States

Gaano katagal ako dapat magpasuso?

Inirerekomenda ng mga ekspertong pasusuin mo ang iyong sanggol hanggang mag-anim na buwan ito. Ang pagpapasuso sa loob ng unang anim na buwan ay magpapababa sa tsansang magkasakit ng iyong anak. Kabilang sa mga sakit na ito ang mga impeksyon sa baga, allergy, hika, at mga sakit sa tiyan. Kakailanganin ng iyong sanggol ng vitamin D supplement pagkapanganak mo sa kanya. Kausapin ang iyong doktor tungkol sa dami at uri ng vitamin D supplement na pinakaangkop para sa iyong anak. Inirerekomenda rin ng mga eksperto na magpatuloy ka sa pagpapasuso sa iyong anak hanggang sa ika-12 buwan man lang nito, matapos siyang magsimulang kumain ng mga solidong pagkain. Maaari kang magpasuso nang mas matagal dito kung gugustuhin mo.

Ano ang pag-awat?

Ang pag-awat ay nangangahulugang babawasan o ititigil mo na ang pagpapasuso sa iyong anak. Natural na nagsisimula ang pag-awat kapag nagsisimula nang kumain ng mga solidong pagkain ang iyong sanggol. Mababawasan na ang kanyang pagsuso sa panahong ito.

Kailan ko dapat awatin ang anak ko sa pagsuso?

Kausapin ang iyong doktor tungkol sa pinakamainam na panahon para awatin ang iyong anak. Ang mga sumusunod ang pangkalahatang patnubay:

Simulang pakainin ang iyong sanggol sa kanyang ika-anim na buwan. Maaaring magpakita ng mga senyales ang iyong anak na handa na siyang kumain ng solidong pagkain. Maaaring magpakita siya ng interes habang pinapanood ang pagkain ng iba, at inaabot ang pagkain. Dapat ay naiaangat na niya ang kanyang ulo at nakakaupo na siya sa feeding chair o infant seat.
Kausapin ang iyong doktor tungkol sa formula. Kailangan ng iyong anak ang mga sustansya mula sa gatas ng ina hanggang sa ika-12 buwan man lang niya. Kung titigil ka sa pagpapasuso bago pa siya sumapit sa kanyang ika-12 buwan, kakailanganin mo siyang padedehin ng formula sa bote. Tiyaking mayroong iron ang formula.
Bakit kailangan kong iwasan ang maagang pag-awat?

Ang maagang pag-awat ay maaaring magdulot ng mga sakit sa tiyan. Hindi pa handa para sa solidong pagkain ang tiyan ng iyong anak hangga’t wala pa siyang anim na buwan. Maaari rin siyang magkaroon ng mas malaking tsansang magkaroon ng celiac disease, o iyong pagiging hirap na tunawin ang gluten, bagay na nakikita sa trigo at iba pang butil.
Ang maagang pag-awat ay maaari ring magpalaki ng risgong magkaroon ng mga sakit sa balat ang bata. Isang halimbawa nito ay ang eczema.
Maaaring magkaroon ng tsansang bumilis ang pagbigat ng iyong anak sa hinaharap. Pinahihintulutan ng pagpapasuso ang iyong sanggol na tumigil kapag busog na siya. Ang mga sanggol na dumedede sa bote ay maaaring uminom ng higit pa sa kanilang kailangan dahil nahihikayat silang inumin ang lahat ng nasa bote. Ang ilang formula ay mayroon ding mas maraming calories kaysa sa gatas ng ina.
Maaaring magkaroon ng problema sa kalusugan ang iyong anak. Ang maagang pag-awat ay maaaring maging dahilan upang mas kaunti ang gatas ng ina na iinumin niya. Ang gatas ng ina ang nagbibigay ng tamang balanse ng mga nutrisyon na kailangan ng anak mo.
Bakit ko kakailanganing i-pump ang aking gatas?
Ang pinakakaraniwang dahilan para mag-pump ay upang kolektahin ang iyong gatas nang mainom ito ng iyong anak kahit na wala ka, at upang panatilihin ang iyong suplay kapag magkasama kayo. Mahalaga ito kapag pabalik ka na sa trabaho, subalit nais mong ipagpatuloy ang pagpapasuso.

Upang masanay, magandang subukan ang pagpa-pump nang ilang linggo bago ka umasa sa in-express na gatas ng ina para sa iyong anak. Tiyakin lamang na mahusay nang nakaangkop ang iyong anak sa pagsuso bago mo siya bigyan ng bote.

Nangangahulugan din ang pagpa-pump na hindi mo kailangang laging tumugon para sa bawat pagpapasuso kapag nasa bahay ka. Maaari nang padedehin ng iyong asawa (o iba pang katuwang) ang iyong anak ng gatas mo sa bote, na magbibigay sa iyo ng mas mahabang oras para matulog o magpahinga mula sa pag-aalaga ng sanggol.

Maaari ka ring gumamit ng breast pump para sa mga dahilang ito:

·       Upang hikayatin ang pagdami ng iyong gatas

·       Upang mangolekta ng gatas para sa premature na sanggol o iyong hindi pa kayang humakab sa iyong suso

·       Upang bawasan ang sakit ng namamagang suso – bagama’t maaari lamang lumala ang sitwasyon kapag nasobrahan ang pagpa-pump

·       Upang panatilihing marami ang iyong suplay ng gatas kapag pinayuhan ka ng iyong doktor na tumigil muna sa pagpapasuso dahil sa pag-inom ng gamot na maaaring makasama sa iyong sanggol (bihira itong kinakailangan) o kapag naospital ka at hindi ka makakapagpasuso nang buong araw.

Anong uri ng breast pump ang dapat kong gamitin?
Ang pagpili ng tamang breast pump ay nakadepende sa kung gaano mo kadalas na binabalak itong gamitin at kung gaano karaming oras ang kaya mong ilaan sa pagpa-pump. Kung nagtatrabaho ka nang full time at kailangan mo pang maghanap ng oras para mag-pump sa loob ng abalang araw, mas gugustuhin mong gumamit ng automatic na pump nang sa gayon ay mabilisan mong mai-pump nang magkasabay ang parehong suso. Ngunit kung paminsan-minsan mo lang kakailanganing mag-pump ng ilang onsa, maaari na ring umubra ang mumurahing manual na pump.

Narito ang ‘pinakamainam’ na iskedyul para sa ina ng sanggol na nais lamang magbigay ng gatas ng ina sa kanya habang nasa trabaho siya:

·       Itakda ang iyong alam nang 20 minutong mas maaga (ARAY!). Pasusuhin ang iyong sanggol, kahit inaantok pa ito.

·       Kumain ng masustansya. Huwag itong kaligtaan, kahit pa pumili ka ng pagkaing madaling makuha tulad ng taho o pan de sal na may palaman. Tiyaking samahan mo ito ng masustansyang inuman, tulad ng juice o gatas. Para sa mabilis na agahan habang nasa biyahe, maaari kang gumawa ng mga smoothie sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng gatas at prutas sa blender. Masustansya at masarap pa ang mga smoothie.

·       Magpasuso muli nang ilang minuto bago ka umalis, hangga’t maaari. Minsan, masyadong maraming nakukuhang gatas ang mga sanggol sa unang pagsuso, subalit makabubuti kung susubukan mo pa rin.

·       Mag-pump sa umaga. Maglaan ng kahit 20-30 minuto para sa bawat sesyon ng pagpa-pump (10-15 minutong pagpa-pump gamit ang magandang double pump, at 10 minuto para sa pag-aayos at paglilinis). Uminom at kumain ng masustansya habang nagpa-pump ka.

·       Mag-pump ulit sa tanghali. Kung maaari, umalis sa trabaho at umuwi sa iyong anak upang magpasuso. Kung malapit lang ang inyong bahay sa iyong pinagtatrabahuhan, maaari ring dalhin ng iyong tagapag-alaga ang iyong anak sa iyo sa tanghali. Muli, kumain at uminom ng masustansya habang nagpa-pump.

·       Mag-pump ulit sa hapon.

·       Pasusuhin kaagad ang iyong sanggol sa sandaling makasama mo na siya.

·       Kumain ng masustansyang hapunan.

·       Pasusuhin nang madalas ang iyong sanggol sa gabi. Itabi siya sa iyong pagtulog nang sa gayon ay makabawi ka sa pagiging malapit sa kanya, bagay na hindi mo nagagawa sa araw. Ang ilang sanggol ay nagsisimulang sumuso nang madalas sa gabi kapag nahiwalay sila sa kanilang ina sa araw. Ang tawag dito ay ‘reverse cycle feeding’, at mainam ito para sa ilang ina, lalo na kapag nahihirapan silang mag-pump sa araw. Kung katabi mo sa kama ang iyong anak, makakapagpahinga ka habang nakukuha niya ang gatas at pag-aaruga na kailangan niya.


About the author

Medical Team

Our medical team verify the medical accuracy of the articles you read on our site. U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.