MGA WEBSITE PARA MAKAHANAP NG ONLINE NA TRABAHO

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.

May trabaho ka at matagal ka nang bahagi ng isang mahusay na kompanya. Ayos ba ito o hindi? Maganda ang pasahod, mababait ang mga tao, maayos ang kapaligiran. Hindi ba’t mas maganda kung magagawa mo ang mga ito habang ikaw ay nasa sarili mong tahanan?

Isa sa mga problema sa pagtatrabaho sa opisina ay hindi ka gaanong makakapagtipid dahil kailangan mong gumastos para sa transportasyon, pagkain, damit at marami pang iba.

Kailangan mong mamasahe, bumili ng mga damit na pantrabaho, gumastos ng pera sa pagkain at kung anu-ano pa. Hindi lamang iyon, sapagkat kailangan mo pang maglaan ng maraming oras sa haba ng trapiko o pila sa MRT o LRT para lamang makarating sa trabaho. Bago ka pa man makarating sa opisina, malamang na pagod na pagod ka na.

Mabuti na lamang at napakaraming mapagpipilian pagdating sa trabaho ngayon. At ang pinakamaganda pa, madaling makahanap ng ganito sa online, kaya’t maaari ka nang magtrabaho habang nasa sariling tahanan. Ganunpaman, napakaraming naglipanang mga manloloko sa online at marami silang ginagawang paraan para lokohin ka.

Pagbabayarin ka nila para sa pagpaparehistro, mga buwis, permit at marami pang iba. Kung hinihingan ka ng pera ng isang site, malamang na peke iyon at pinakamainam nang iwasan ang mga iyon. Ang ilang manlolokong site ay mga phishing site rin na nais kunin ang iyong personal na impormasyon para gamitin ang mga iyon sa mga bagay na illegal. Hindi ka hihingan ng pera ng mga tunay na trabahong online sapagkat ang mga ito ay hawak ng malalaking kompanya na kayang kumita sa ibang paraan. Tandaan din na maaaring magkaroon ng mga manloloko sa mga tunay na platform ng online na trabaho, na gustong makaloko ng mga empleyado, kaya’t gamitin ang parehong pag-iingat sa pagpili ng taga-empleyo.

Mayroong ilang pagpipilian para sa mga tunay at lehitimong trabahong maaaring gawin sa bahay, depende sa iyong mga kasanayan o mas pipiliing posisyon. Ang full time na trabaho sa bahay ay hindi limitado sa mga programmer o virtual assistant. Maaari ka ring maging accountant, customer service representative, medical transcriptionist, subtitlist, translator, writer, at marami pang iba.

Mga Website Kung Saan Maaari Kang Maghanap ng Mga Online na Trabaho

1.     Upwork. 

Kilala bilang dating Odesk ang kompanyang ito, at isa ito sa mga pinakakilalang website ng online na pag-a-outsource sa buong daigdig. Kung gusto mong simulan ang iyong karera sa online na trabaho o pag-freelance, maaari kang kumuha ng mga pagsusulit hinggil sa kasanayan sa iba’t ibang larangan.

Kung ang hilig mo ay graphics design, kumuha ka ng pagsusulit sa kasanayan sa Photoshop. Kung mahilig ka namang magsulat, kunin mo ang naaangkop na pagsusulit para dito. Mas maraming pagsusulit ang iyong maipapasa, mas malamang na makakuha ka ng trabaho.

Mga Kabayaran: Nakabatay sa mga napagtrabahuhang oras o nakumpletong trabaho ang mga kabayaran dito.

2.     Freelancer.

Isa rin sa mga pinakamalaking outsourcing site kung saan maaari kang mag-apply ng trabaho. Dito madalas na pumupunta ang mga web developer, virtual assistant, at iba pang taong may kaugnayan sa larangan ng IT upang makabingwit ng kliyente. Maraming Filipino at Indiyanong nagpapalipas ng oras dito.

3.     OnlineJobsPhilippines.

Ang OnlineJobs.ph ay isang online job board na tumutugon lamang sa mga oportunidad ng trabaho sa bahay. Ang maganda sa onlinejobs ay ang kanilang mahusay na sistema ng pagsasala. Kung tutuusin, ang website ay isang database ng mga resume kung saan maaaring salain ng taga-empleyo ang mga kinakailangang kasanayan, ang antas ng kasanayan, ang ninanais na pasahod, atbp.

Buuin lamang ang iyong profile upang magkaroon ng id proof na mahigit 90, at kumuha ng kanilang mga pagsusulit sa kasanayan upang makaakit ng mas maraming kliyente.

4.     Craigslist Manila.

Maaaring simple at halos walang kalaman-laman ang disenyo ng site na ito para sa online outsourcing, ngunit huwag kang magpalinlang. Mabangis pagdating sa paghahanap ng online na trabaho ang Craigslist. Maaari itong pagmulan ng iyong mga dekalidad na online na trabaho dito sa Pilipinas.

5. 99Designs

Kung may talento ka sa graphics at pagdidisenyo, magandang opsyon ang 99Designs upang makapag-apply para sa mga online na trabaho sa Pilipinas. Ang online job portal na ito ay nakatuon sa trabahong graphics design tulad ng pagdidisenyo ng logo, web, pabalat ng libro at marami pang bagay na nauugnay sa pagdidisenyo.

6. HireMe

Isa pang online job portal kung saan maaari kang mag-apply ng trabaho. Ang ilan sa mga trabahong nakapaskil ay mga full-time na trabaho at ang iba ay freelance. 

7. Guru

Isa pang site para sa mga freelancer na naghahanap ng dagdag na kita o mga online na trabaho sa Pilipinas. Gumagana ito ng tulad sa nauuna.

Gumawa ng profile, maghanap ng mga trabahong tutugma sa iyong mga kwalipikasyon, mag-apply, at magtrabaho. Babayaran ka matapos na mai-deliver mo ang trabaho.

8. PeopleperHour

Isa pa itong magandang sanggunian para sa mga taong nais kumita ng dagdag sa pamamagitan ng mga online na trabaho sa Pilipinas. Maaari kang bayaran kada oras depende sa proyekto o gawain. Gawin ang iyong profile at ipakita ito sa mga kliyente upang matanggap sa trabaho.

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Wilmor Lovena
is a Business owner in the Philippines
Earn money online, free register po yan, kung magustuhan nyo po, pwede kau mag upgrade ng account.. Click here: bit.ly/ppcmor2

Disclaimer: Buhay OFW is not a Registered Investment Advisor, Broker/Dealer, Financial Analyst, Financial Bank, Securities Broker or Financial Planner. The Information on the Site is provided for information purposes only. The Information is not intended to be and does not constitute financial advice or any other advice, is general in nature and not specific to you. Before using Buhay OFW’s information to make an investment decision, you should seek the advice of a business professional, qualified and registered securities professional and undertake your own due diligence. None of the information on our Site is intended as investment advice, as an offer or solicitation of an offer to buy or sell, or as a recommendation, endorsement, or sponsorship of any security, Company, or fund.

Buhay OFW is not responsible for any investment decision made by you. You are responsible for your own investment research and investment decisions.