Misscariage and Empty Sac?

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity. Medical History

Sana may makatulong at masagot ito para po mapanatag na ang Loob ko .

I'm taking contraceptive pills po for 5years and nag stop po ako last October 2020 , kasi minsan nakakaramdam ako ng papanakit ng puson na hindi kagaya ng sakut pag may perios ka , (pakiramdam ko po parang pinipiga laman loob ko sa puson ) so nag stop po ako , then November 2020 - Dec2020 okay naman po period ko , January15 - 19 2021 nag period po ako , then Feb3 nag period po ulit ako until feb15 po nag bbleed ako , then nag stop siya for 5 days . Feb21 nag bleed po ulit akp , so nag decide po ako mag pacheck kasi hindi na normal pag bbleed ko , and onething po nung nag bbleed po ako February 7 po may lumabas po na parang laman halos kasize po ng 5peso coin . 

So nag pacheck up na nga po ko Today kasi wala na po akong bleed , tinest po ako ng Ob and positive po lumabas sa P.T. , pero nung inultrasound po ako via transvaginal po , and nakita po don na Empty Sac , may bahay bata daw po pero walang laman , sabi po ni doc posibility daw po na early pregnancy pero pisibility din daw po na nakunan na ko , pinapabalik niya po ako by March13.2021 para maultrasound ulit and makita kung may mabubuo doon sa Sac .

Ang question ko po is , May posibility po ba na if nakunan nga ako ano po yung Empty Sac na lumabas sa ultrasound ko ? Naiwan po ba yun sa pag kakalaglag ? 

At kung early pregnancy naman po , bakit po ako dinudugo , ang tagal ko po nag bleed ngayong February , from feb3-15 then feb21-23 nag bleed po ulit ako ng malakas , then ngayon po February 27 nag pacheck up na ko . Ano po bang ibigsabihin ng mga pag bleed ko ng ganun katagal , and During bleeding po pala sobrang sumakit po ang puson at balakang ko na parang nag lelabor , sana po masagot nyo mga questions ko , sobrang nag woworry na po ako at natatakot .

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Charisma Espinol
is a Medical expert in the Philippines
Maaaring nagkaroon ka ng "blighted ovum". Ang blighted ovum ay isang "fertilized egg" (nagsamang sperm cell at egg cell) sa matres ngunit ito ay hindi naging embryo (pinakamaagang stage ng pagkabuo ng isang sanggol). Mayroong "placenta" (inunan) at "sac form" (naglalaman ng tubig kung saan lumalaki ang sanggol) ngunit ito ay hindi naglalaman ng embryo o sa makatuwid walang lumalaking sanggol sa loob nito. Maaari ngang nakunan ka lalo't sinabi mong may lumabas na buong dugo na singlaki ng limang piso sa iyong pwerta at umayon din ang iyong OB doctor tungkol dito. Ang lumabas na buong dugo sa iyo ay maaaring ang embryo sa loob ng empty sac.

Ang matagal na pagdurugo na iyong naranasan at ang matinding sakit na iyong naramdaman ay maaaring senyales ng "miscarriage" o sa makatuwid maaaring ikaw ay nakunan ka o nalaglagan.

Ituloy mo ang pagpapakonsulta sa iyong OB doctor upang mabigyan ng tamang payo at tamang mga gamot para sa iyo.

Narito ang isang artikulo na maaari mong basahin.

https://www.healthline.com/health/pregnancy/blighted-ovum

About the author

Charisma Espinol

Profession: Nurse
Philippines , NCR , Caloocan City
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.