Murang Prutas panlaban sa Cancer na makikita sa paligid

Medical Team
is a Medical expert in United States

Laganap itong prutas sa Pilipinas, lalo na sa mga probinsya. Madalas nakikita ang mga tanim nito sa bukid, likod ng bahay o kahit sa tabi ng kalsada. Makikita rin ang bunga nito sa mga palengke na ibinebenta. Mahuhulaan mo ba kung ano ito?

Sa probinsya kapag sinabing puno nito, kilala itong isa sa masustansiya at maraming benepisyo sa ating katawan. Ito ay isa sa ininuturing na halamang gamot sa nakakarami.
 
Kulay berde, dilaw o orange ito, at nakakaakit ang amoy nito kapag hinog na. Ngunit may iilan na hindi nagugustuhan ang amoy nito. Karaniwang kasya lamang sa isang palad ang isang pirasong nito, ngunit may iilang mga klase na mas malaki at kinakailangang hawakan ng dalawang kamay.
 
Madalas ginagamit ang bunga, dahon at katas ng prutas nito bilang medisina sa pagpagaling ng iba’t ibang mga sakit. Ito ay sinasang-ayunan rin ng iilang pagaaral ng mga dalubhasa.
 
Nahulaan na ba ninyo ang aming tinutukoy na prutas? Opo, ang sagot ay ang prutas na bayabas.
 
Ayon sa mga doktor, ang prutas na ito ay mayaman sa antioxidants, vitamin C, potassium, at fiber. Dahil dito, maraming benepisyo ang bayabas sa ating kalusugan.
 
Panlaban sa Cancer – Napatunayan sa lab research na ang katas sa dahon ng bayabas ay may sangkap na panlaban sa cancer. Sa katunayan, mayroon pa ngang pagaaral na nagsasabing mas epektibo ang dahon ng bayabas, kaysa sa mga cancer drugs. Sa isang test-tube study, natuklasan na ang katas ng dahoon ng bayabas ay mas epektibo sa paghinto ng pagdami ng cancer cells, kumpara sa iilang mga cancer drugs. Dahil siguro na mayaman sa antioxidants ang bayabas na pumipigil sa free radicals na makasira sa ating mga cells. Dahil ang free radicals ang isang pangunahing sanhi ng cancer.  Ngunit bagamat nakakatulong maiwasan ng katas ng bayabas ang pagkaroon ng cancer, hindi nangangahulugan na nagpapagaling nito ang taong may cancer na.
 
Kadalasan, ang katas ng dahon ng bayabas ang ginagamit dito. Paano maglaga ng dahon ng bayabas at gumawa ng tsaa? Maglagay ng tubig na sa tingin mo ay lalagpas lamang ng kaunti sa dami ng dahong ilalaga. Oras na kumulo na ang tubig, ilagay ang dahon ng bayabas. Pakuluan ito ng sampung minuto. Pagkatapos palamigin ng kaunti, maaari nang inumin o gamitin ang katas ng dahong pinakuluan.
 
Babala: Walang masama sa pagkain ng bayabas, ngunit hindi pa sigurado ng mga dalubhasa kung may side effects, kapag napasobra ang pagkain nito. Kaya’t kapag buntis o nagpapa-dede ka, mas mabuting sakto o dahan-dahan lamang ang pagkain nito.
 
Napakasarap ng bayabas at puno ito ng sustansya.

About the author

Medical Team

Our medical team verify the medical accuracy of the articles you read on our site. U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.