Ano dapat kong gawin kapag nagtaksil ako sa aking asawa?

Maricar Santos
is in the Philippines

Maari po ba ako makahingi ng payo? Ako po ay nagkaroon ng affairs sa ibang lalaki. Ngunit inamin ko po sa aking asawa kahit na wala n po kami ng lalaki. Humingi po ako ng tawad sa kanya at humingi ng isa pang pagkakataon.

Ngunit di niya po ako napatawad. Naiwan po sa kanya ang mga anak ko nuon. Dahil umalis po ako dahil sa takot sa mga magulang ko. Halos 3 months ko po di nakakausap at nakikita mga bata dahil po ipinagsusungit nila sakin. Ngunit nabawi ko din po dahil itinakas ko.

1 month pa lang po ng maghiwalay kami, nagkaroon na po siya ng gf. Kasama niya po sa Qatar. Ipinakikiusap ko lang po sana yung sustento ng mga bata sana po ay ayusin niya. Ngunit panay po pagmamakaawa ko pag po hinihingi ko ang sustento ng mga anak ko. Biyenan ko po ang nagaabot ng 5k sa mga bata.

Sobrang nahihirapan po ako dahil hindi po talaga sapat ang sustento para sa 2 batang nagaaral. Ang masakit pa po pinapublic po nila sa social media ang relasyon nila. Ano po ang dapat kong gaweng aksyon. Kasal po kami. Naawa na po kasi ko sa mga bata. Dahil sa pagkakamali kong nuong una ay di ako nagisip. Kaya po sinasabihan ko ang aking asawa na sana siya ay magisip para sa ikabubuti ng mga bata. Please po pahelp naman po..

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Jescelyn Del Rosario
is a Legal expert in the Philippines
Try mong kausapin mo ang ang iyong asawa para sa tamang supporta kahit man lang para sa mga bata kung hindi ka pa niya mapapatawad hanggang ngayon. Kung hindi siya magbigay ng tamang sustento sabihin mo sa kanya mapilitan kang magfile sa korte laban sa kanya under RA 9262- "Anti-Violence Against Women and their children (VAWC) Act of 2004. Para naman medyo mapressure ang husband mo magpadala ng tamang support magpadala ka ng demand letter sa kanya. Para hindi na gagastos pa magpatulong sa mga opisina na nagbibigay ng libreng legal serbisyo like PAO, IBP at ibang organisasyon ng mga kababaihan na nagbibigay ng free legal aid. Kailangan kasing laywer ang gagawa sa demand letter. Kung talagang magmamatigas pa rin that's the time na magpapafile na kayo ng kaso lalo na rin na may iba siyang gf na pinopost pa ito sa social media. Ipapablotter po ninyo ito sa Police station may women's desk naman sa police station para mag assist sa iyo sa pagfile ng kaso sa Office of the Prosecutor. In that way, hindi basta2x makakaalis ang iyong husband if hindi po niya ito maisettle sa korte.
Maricar Santos
is in the Philippines
Maam tnx po s responce..maam kinausap ko po siya about s sustento..ngunit lagi niang katwiran na sapat n daw po s mga bata ang 5k..lagi kong sinasabi s kanya na magksundo kami kahit man lang s mga bata...paano ko po siya mpapadlan ng demand letter...nasa Qatar po siya ngayon ngtratrabaho kasma ng kanyang nobya..blinak ko n po siya s pone..dahil dq n po kaya ang pagiinsulto niya sa akin...at d rin naman kami ngkkasundo..maam kung sakali din po bang ilaban niya ang cstody ng mga bata...my laban po ba siya...kasi po siya my work ako wala..7 and 4 years old po ang mga anak namin...slamat po
Jescelyn Del Rosario
is a Legal expert in the Philippines
Hintaying mo nalang na umuwi siya dito sa ating bansa at saka ka pa magpadala ng demand letter pare siguradong mareceive niya ito. Pwede di namang magpadala ka ng demand letter temporarily sa email lang muna at i save mo ito but pag uwi niya kailangang padalhan mo uli para personally mareceive niya ito dahil magiging evidence ito na magagamit in case you will file petition for support in court. Possibleng ilalabang niya ang custody ng mga bata at gawin niyang grounds na unfit ka for custody ng mga bata dahil pabaya kang ina at walang trabaho, drug addict , lasinggera, may sakit na nakahahawa etc. na talagang hindi makakabuti sa mga bata kung ikaw ang mag aalaga ngunit if the children are below 7 years the law provides na ang custody ay sa ina unless nalang may mga evidence na maipakita na unfit ka.

About the author

Jescelyn Del Rosario

Legal Services and Litigation works Philippine/Foreign Paralegal Works Graduated AB Political Science and Bachelor of Laws at University of San Jose Recoletos-Cebu Completed Lawyers Trial Academy Training sponsored by IBP Cebu Chapter AIT-DOST Scholar at Cebu Institute of Technology
Profession: Lawyer
MJ Del Rosario Law Office and Associates
Office Address: Block 19, lot 26-27, Deca Homes, Talisay
Philippines , Talisay , Cebu
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.