Nagsex po kami ng gf ko last March 10 and sabi niya nagkaroon naman daw po siya ng mens last April 1 for 4 days, may chance pa po ba siya mabuntis sa ganyang lagay?

Rom Sumasera
is a Caregiver in the Philippines Medical History

N

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Charisma Espinol
is a Medical expert in the Philippines
Maaaring siya ay hindi buntis. Kung babasehan ang araw na siya ay nag-"ovulate" (kung saan naglalabas ang babae ng "egg cell").

Ang "ovulation" ay isang pangyayari kung saan ang isang babae ay naglalabas ng "egg cell" Ito ay karaniwang nangyayari sa ika-14 na araw ng 28 days na "menstrual cycle (bilang ng araw simula sa unang araw ng regla hanggang sa unang araw ng regla ng sumunod na buwan). Ngunit karamihan ng babae ay may iba't ibang bilang ng mentsrual cycle kaya't ang pago-ovulate ay maaarinig mangyari apat na araw bago at apat na araw matapos ang kalagitnaan ng isang menstrual cycle.

Ang pagsasama ng sperm cell at egg cell ay tinatawag na "fertilization" kung saan maaaring mabuo ang isang sanggol. Mangyayari ito kung matagumpay na nakapasok ang sperm cell sa egg cell matapos ang pagtatalik ng isang babae at lalaki.

Narito ang isang artikulo na maaaring magbigay ng karagdagang impormasyon sa iyong katanungan.

https://www.healthline.com/health/womens-health/what-is-ovulation
Rom Sumasera
is a Caregiver in the Philippines Medical History
These past week po kasi nakakaramdam siya ng sintomas ng pms na may pagkakatulad sa sintomas ng pagbubuntis. Sensyales lang po kaya ito na magkakaroon na siya?
Charisma Espinol
is a Medical expert in the Philippines
Maaaring iyon ay sintomas na nangangahulugang malampit na ang kanyang buwanang dalaw. Kung magkakaroon pa rin siya ng regla nitong buwan ng Mayo, maaaring siya ay hindi buntis. Pwede mo din siya i-advice na mag-take ng PT (Pregnancy Test) upang magkaroon kayo ng kapanatagan. Ang PT ay nabibili sa mga botika. Dapat siyang mag-PT sa unang ihi niya pagkagising niya ng umaga.

About the author

Charisma Espinol

Profession: Nurse
Philippines , NCR , Caloocan City
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.