Bakit po ganon nagsusuka po ako at nagtatae? Pagkatapos ko pong magsuka, parang ang hapdi po ng lalamunan ko then maasim po yung sinusuka ko. And kahit wala na po akong maisuka, nagsusuka parin ako. Tapos pati yung tae ko kulay parang malapot na kulay brown. Bakit po ganon?
Ano sanhi ng Nagsusuka at nag LBM?
Medical History
Ang mga nararanasan nyo ay natural na pangyayari kapag nagsusuka at nagtatae. Ang dahilan nito ay maaring meron kayong nakain na pagkaing kontaminado or maaring sira or pasira na. Kaya mahapdi ang lalamunan ninyo pagkatapos ng pagsusuka at dahil sa pag labas ng asido sa tiyan. Maari ding magsuka kahit wala nang laman ang inyong tiyan dahil ito ay reaksyon ng katawan upang ilabas ang masa ninyong nakain. Para mabawasan, kumain ng dry crackers at uminom ng paunti unti. Sa pagsusuka at pagtatae, magandang hayaan mo lang magsuka at magtae ang inyong katawan, dapat lamang iwasan ang dehydration sa pamamagitan ng paginom ng oresol around 2-3 liters kada araw habang nagtatae. If hindi ito tumigil or merong ibang sintomas tulad ng pagkahilo, panlalamig, panghihina at pagbabago sa kamalayan, agad na pumunta sa pinakamalapit na emergency room para sa pa unang lunas.
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.