NBI HIT, Old case Attempted murder: May expiration ba ang pagsampa ng kaso?

Red Zoura
is a n/a in the Philippines

Pasensya na sa abala. hihingi lang po sana ng advise.
Kumuha kasi ako ng NBI and my HIT, nainterview ako sa quality control and sabe my kaso daw na isinampa saken noong 2005 pa. Attempted murder. Binigyan ako kung saang presinto ko pupuntahan.
Pero nagda-doubt ako.
Nadamay kasi yung pangalan ko doon, pero di ko naman talaga yun ginawa... Malapit kasi sa lugar namen yung nangyare, at ang mga barkada ko ang may gawa nuon sa tao..
Ano po ba ang maaring gawin?
May expiration ba ang pagsampa ng kaso?
Makukulong ba ko kahit di ko naman iyon ginawa?
Maoopen ba ang kaso na iyon ulit?
Atty., Malaking tulong po na magreply kasyo.. kasi nacoconfuse talaga ako..
Maraming salamat po.



 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Jescelyn Del Rosario
is a Legal expert in the Philippines
Mas mabuting alamin po ninyo sa korte ang kaso ninyo pwede naman po na mag utos kayo to ask anong kaso ang pending laban sa inyo. Kung binigyan ka ng detalye saang korte at docket number madali lang yang hanapin. Possibly may pending warrant na to or kaya tingnan kung bailable para po makapagpyansa. May prescription ang crimes depende sa anong kaso at impossable penalty yong mabibigat na kaso magprescribe in 25 years or 15 years mas mabuting alamin mo. Makukulong ka talaga kung hindi ka magpost ng bail. Pwede naman po kayong magpatulong sa mga PAO lawyers if qualified.
Red Zoura
is a n/a in the Philippines
Atty., Ano po yung impossable penalty yong mabibigat na kaso magprescribe in 25yrs or 15 years.?

Meaning, ppwede akong i-aarest kapag once na nag-utos ako kung anong kaso ko?
And kung sakaling bailable po, nasa magkano naman po ang pag-pyansa nun? my idea po ba kayo?

Paano po ma-ioopen ang kaso? Yung complainant po ba ang mag-oopen nun?
Jescelyn Del Rosario
is a Legal expert in the Philippines
Impossible penalty yan ang magiging sentensya na maaring pagsilbihan mo once mapatunayan ng korte na may kasalanan ka. Pwede kang arestuhin once malalaman na nila ang location mo. Ang bail depende yan na sa record yan ng kaso mo nakasulat doon so dapat mong alamin doon kung magkano ito. Ang nakaassigned na Fiscal representing the state na ang magiging complainant ang tunay na victim ay magiging witness nalang. So kung madakip or makapag bail ka sa korte ang korte na mismo mag inform sa kanila na pwede na ipagpatuloy ang kaso dahil you are in the custody of the law na.
Red Zoura
is a n/a in the Philippines
Good eve po.
Atty., First time ko lang kumuha ng NBI and wala akong idea na pending case pala ako..
more than 10yrs., na ang nkalipas. Ano po yung possible na gagawin ko?
Jescelyn Del Rosario
is a Legal expert in the Philippines
Sorry for some typo errors POSSIBLE penalty for a crime po ang pagbabasihan for prescription of crimes.
Red Zoura
is a n/a in the Philippines
Atty., magandang gabi.
Nagpakuha na ako ng Record ko sa rtc, and ang sabe po e may pending warrant nga daw po ako. Mag-volunteer surrendered daw po ako, may bail po kaso sobrang laki at di ko naman kayang bayaran iyon.
Lumapit po ako sa Pao ng may hawak ng case ko., kaso umalis po siya, di na bumalik..kaya di ko alam gagawin..
Nakalagay nga ang Name ko doon sa papel, pero walang middle name? Then, isa sa statement ng biktima, ay hinarangan ko daw siya, pero hindi naman po totoo iyon. Idinamay niya ko sa gulo nila. My mga napatingin/napasilip din doon that time kasi may gulo, ayaw naman nameng umawat nun, kasi baka madamay pa kami, without knowing na dinamay niya ko, Kahit mismo sa testify ng Biktima ay di niya nabanggit na isa ko sa nanakit sa kanya..
And may witness na nagtestify din that time kasi umawat siya sa away, at hindi naman ako nabanggit sa mga nanakit sa biktima.

Ano ang possible na maari kong gawin at maaring mangyare atty.?
Gusto ko kasing malinis ang pangalan ko, dahil alam ko sa sarili ko, wala akong ginawa masama sa kanya. salamat po.
Please help po.. Salamat po.
Jescelyn Del Rosario
is a Legal expert in the Philippines
Ask po kung anong kaso at saan nakapending na korte po ito so you can take appropriate action. You can ask the help of PAO lawyer po para hindi na gagasto. You have to clear your name about this case dahil it will remain in the record until may court clearance po kayong maipakita.
Jescelyn Del Rosario
is a Legal expert in the Philippines
If malaki talaga ang bail you can look for surety/bonding company para po sa bail ninyo. Sila na po yong magbabayad sa court but ang nasabing amount with interest ay maaring babayaran mo ng hulug-hulogan sa surety. You have to attend hearing and present your witnesses para po maclear up ang pangalan ninyo. Kahit na wala na ang previous PAO lawyer na naghahandle may mga substitute naman po sila.
Red Zoura
is a n/a in the Philippines
Maraming Salamt Atty.

Gusto kong magvolunteer surrender.. pero pwede pa sa lugar ko mismo? sa ibang RTC (Regional Trial Court) po kasi nakasampa ang kaso ko. Possible po ba 'yon maipalipat? or ililipat ako sa jail kung saan nkasampa ang kaso ko?
At kung mailipat naman po, Same Atty., p din po ba ang nka-assign doon?or police na po ang mag-aasign ng magiging PAO lawyer ko doon?

Saka po, kung sakaling magvolunteer surrender ako, at di ako makapgbigay agad ng bail. Pwede pa ba ako makapagbail nun kahit nakakulong ako ng ilang araw? di kasi ako mkkpagprovide agad ng pera kasi wala naman akong trabaho ngayon mggawan pa po b ng atty. na mapababaan ang bail? matagal po ba process ng pagpapa-approve sa court to reduce my bail?

Salamat po atty., sa pagrereply niyo po mas nakakatulong po kayo sa'min na wala pong ganong alam sa batas.
Jescelyn Del Rosario
is a Legal expert in the Philippines
Mas mabuting sa court kung saan nakapending ang kaso mo ka magpafile ng bail kaya lang pwede rin naman sa malapit na korte sa inyong lugar kung saan ka nakulong/nadakip. Yong reduction of bail sa korte na yan dapat ipetition ng lawyer dahil wala ka namang capacity to pay that amount isa rin yan iconsider ang risk na lalayas ka. The judge may approve to it or else kung hindi mo kaya makukulong ka muna. Madali lang naman mag paapprove sa court sa motion for bail but you need to attend at the hearing.
Red Zoura
is a n/a in the Philippines
Atty., goodmorning po..
Maraming salamat po sa advise niyo..
Ittanong ko lang po kung ppwede ba ko makakuha ng passport kahit walang akong ipapasa na NBI?

nkapagschedule na kasi ako ng passport before,..bago ko kumuha ng Nbi...
Di ba nila ko huhulihin sa dfa? di ba nila ippending yung passport ko?sayang kasi yung binayad ko online...
Ittnong ko po kung wala bang mgging problema sa pgkuha ko ng passport....?
Jescelyn Del Rosario
is a Legal expert in the Philippines
If you have a pending case ay talagang mahohold ka sa immigration lalo na if may hold departure order ka. In your case mas mabuting kukuha ka ng NBI dahil they will require you of that. Mas mabuting may macocontact po kayong lawyer na magrerescue sa iyo incase dakpin kayo para protektahan ang mga rights mo.
Red Zoura
is a n/a in the Philippines
Good afternoon Atty.

I mean po, kukuha lang po ng passport Pero hindi naman po ako aalis ng bansa (Pinas).,. napa-isched ko na po kasi yung passport bago ko malaman na my pending case ako...
di kaya ako huhulihin sa dfa kung sakali? sayang po kasi yung binayad ko sa dfa..

Ang takot ko lang po e, baka pag kumuha ako, bigla na lang akong hulihin doon..

Thanks po.
Red Zoura
is a n/a in the Philippines
Hi. Atty, Good day.

Ano po kaya ang mangyayari sa gnitong sitwasyon.
Since attempted murder ang isinampang kaso sa kanya, pero base sa police report, wala ang kanyang pangalan.. Naisama ang pangalan niya sa pinakasummary na ng court or yung sumunod na sa police.. Pero Base sa salaysay ng biktima, hindi siya kasama...

Then, nahuli o nakuha na ang isa sa mga suspek, (isa iyon sa mga nanakit sa biktima)
Kaya kasi siya nadamay ay dahil nanood lang siya,..
At ang nangyare po ay "hearing na ng isa sa mga nahuli"..

Ano po ang mangyayare sa kanya (yung frend) ko na di ba sumuko sa korte.?
Pag once po ba na closed ang kaso, malinis na rin ang pangalan niya (yung frend ko po)?

Hintayin ko po sagot niyo atty. malaking tulong po ang inyong pagtugon..
Salamat po ng marami

About the author

Jescelyn Del Rosario

Legal Services and Litigation works Philippine/Foreign Paralegal Works Graduated AB Political Science and Bachelor of Laws at University of San Jose Recoletos-Cebu Completed Lawyers Trial Academy Training sponsored by IBP Cebu Chapter AIT-DOST Scholar at Cebu Institute of Technology
Profession: Lawyer
MJ Del Rosario Law Office and Associates
Office Address: Block 19, lot 26-27, Deca Homes, Talisay
Philippines , Talisay , Cebu
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.