Irregular Ang aking men's at minsan naring nakunan. Nag PT Po NG 3 beses at itoy puro dalawang guhit ngunit sobrang labo.,diko Po alam paano Ang counting nito dahil nga Po sa irregular ako last mens ko Po ay August.5 Mula noon ay Dina ako nagkaroon ngunit first week NG October ay nag PT ako at Ito ay negative.,pero Dina Po talaga ako nag ka period. Kaya Po NG katapusan NG November ay nagtry Po ulit ako mag PT at Ito positive na umulit pa ulit ako NG 2 at parehas positive ngunit sobrang labo NG guhit..Ang pinuproblema ko Po ay Kung ilang linggo o buwan na Ito at Kung normal ba na may spot ako NG dugo..maraming salamat Po sa sasagot.
Normal Po ba magkaroon NG spotting Ang isang buntis.?

Marie Joy Araneta
Medical History
Hindi normal na may spot ka ng dugo kung ikaw ay ilang linggo o buwan nang buntis. Malaman din kung eksaktong ilang linggo at araw ang sanggol sa loob ng sinapupunan sa pamamagitan ng ultrasound. Kailangan mong magpa-prenatal sa isang OBGyne. Ito ay para na rin masagawa ang ultrasound at masuri kung ano ang dahilan ng iyong pagsspotting. Ikaw ay maaaring sumailalim sa ibang test gaya na rin ng urinalysis. Mahalagang malaman ang kundisyon ninyo ng baby upang makasigurong ligtas kayong dalawa at ang iyong pagbubuntis.