Paano ang Legal na hatian ng lupa kung nabili ito ng biyudo o biyuda na siya at muling mag-aasawa ngunit mayroon anak sa unang pamilya?

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.

Year 1996. Sa Taon pong ito ay muling ikinasal ang aking ama sa kanyang unang asawa at meron po silang naging 1 na anak.
Year 1997. Namatay po ang unang asawa ng aking ama kaya ang naiwan nalang po ay ang kanilang anak at aking ama .
Year 1998. Meron pong namana at nabiling lupa ang aking ama (Ang lupa pong ito ay ipinag-isa o pinatituluhan ng isang buo)
                     Sa kaparehas na taon ay pinatituluhan ng aking ama ang lupang minana at kanyang nabili at dahil nga po Biyudo na siya nung time na makuha o mapasakanya ang lupa ay “Widow” na po ang nakalagay sa titulo.
Year 1999. Nagkaroon po ng bagong asawa ang aking ama at ito nga po ang aking ina o aking mama. Makalipas ang ilang tao ay nagkaroon sila ng 3 na mga anak. At bilang mag-asawa ay nagpundar sila sa lupa ng mga apartment. Lumipas po ang ilang taon at dumating sa puntong naisanla ang lupa, buhay pa po ang aking ama. Kasabay ng ibang gastusin ay sinikap ng aking ina na tubusin ang lupa sa pinagkakasanlaan nito.
Year 2012. Naisanla ang lupa. Sa taon din pong ito ay nagsimula naring maghulog o magbayad ang  aking ina upang matubos ang lupa.
Year 2013. Namatay na po ang aking ama at patuloy pa rin po ang paghuhulog sa lupa kahit na patay na ang aming ama.
Una po sa lahat hindi kami agad nagkaroon ng extra-judical settlement after mamatay ng aming ama dahil noong panahon na iyon ay hindi pa lubos na natutubos ang lupa mula sa pagkakasanla dito. At hindi pa po naghahabol o hinihingi ng aking kapatid ang parte niya sa lupa.
Year 2017- 2018. Sa taon po ito ay fully paid na po ang lupa at natubos na nga po ito ng tuluyan ng aking ina mula sa pagkakasanla. Sa taong din pong ito ay dito na naghabol ang aking kapatid o anak sa unang asawa sa kanyang magiging parte.
Year 2019-2021. Napagusapan na po ang magiging hatian bilang mga naiwan ng aming ama dahil sa kanya naman po nakapangalan ang lupa. Ngunit, hindi po sila nagkakasundo dahil ang sabi ng kapatid ko sa unang asawa ng aking ama ay “akin ang kalahti ng lupa dahil ako ang anak sa first family”. Pumayag na po ang aking ina sa hatian na tigkalahati sila ngunit hinarang ang aking ina ng Geodetic ng sinusukat na ang lupa dahil meron daw pong anak ang aking papa at ina at ako nga po ay isa sa mga ito at ang panganay. Bali 3 po kaming magkakapatid. Hindi po nagkakasundo ang aking kapatid sa una at aking ina dahil hindi po napayag ang aking kapatid na hindi mapunata sa kanya ang kalahati samatalang ang sabi naman po ng aking ina base sa mag nakausap niyang atty ay “sa akin ang kalahati dahil ako ang surving spouse. Ang natitirang kalahati ay paghahatian ng mga magkakapatid at ngunit kasama pa ako rito”
Paano po ba ang tamang hatian? Ang sinasabi po ng aking ina na kalahati ay kanya ay parang para lang sa mga mag-asawa na conjugal property ang lupa. Ma co-considered po ba na conjugal property talaga ang aking ina at ama ang lupa kahit na kinasal sila ng effective na ang family code ngunit meroong anak sa naunang asawa? Sa kabilang bandan naman po na sinasabi ng aking kapatid sa unang pamilya ay tama po bang mapunta nga sa kanya ang half ng lupa dahil siya ang first family kung hindi naman po ito conjugal property ng aming ama at kanyang ina? Paano po ang legal na hatian dahil hindi po talaag sila magkasundo at ayaw mo naming ipaabot sa korte

 

This post has been closed for comments and replies. To ask a related or new question, please post a new question below.
Jescelyn Del Rosario
is a Legal expert in the Philippines
Unang2x sinabi po ninyo na nagpakonsulta na po kayo sa isang lawyer I would respect his advice dahil siya mismo ang personally nakapag evaluate sa inyong problema po. Ang masasabi ko lang po lahat po kayo ay co-heirs ng inyong ama. You can divide it equally and extrajudicially ng hindi na kailangang aabot pa sa korte or else kung hindi magkasundo you will have to file Judicial partition in court po. Ang unang anak has the right to claim half the share sa property na namana niya sa kanilang ina but since co-heir din siya papa niya for property acquired on the second marriage may share din po siya nito. I would suggest look for a property expert lawyer in your place bring all the documents needed such as title, tax declaration, marrige contract and marriage certificate to properly evaluate your case po.
Recommend Report abuse

About the author

Jescelyn Del Rosario

Legal Services and Litigation works Philippine/Foreign Paralegal Works Graduated AB Political Science and Bachelor of Laws at University of San Jose Recoletos-Cebu Completed Lawyers Trial Academy Training sponsored by IBP Cebu Chapter AIT-DOST Scholar at Cebu Institute of Technology
Profession: Lawyer
MJ Del Rosario Law Office and Associates
Office Address: Block 19, lot 26-27, Deca Homes, Talisay
Philippines , Talisay , Cebu
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.