Paano ang Tamang Paggamit ng mga Bantas? Ano-ano ang mga Bantas?

Precious Gomez
is a Nurse in the Philippines


Mahalaga ang paggamit ng bantas upang malinaw ang mga salita. Ginagamit din sa sa paghiwa-hiwalay ng mga pangungusap, parirala at salita. Narito ang mga bantas na madalas ginagamit sa pangungusap.

1. Kuwit (,)- Ginagamit ang kuwit sa mga sumusunod:

a. Paghihiwalay ng mga salita, parirala at pangungusap.

Halimbawa: Ang aming bagong paaralan ay malinis, tahimik, maayos, at malawak.
                  Maraming ayaw makatabi sa Juan dahil ito ay mabaho, madaldal, at palaaway.

b. Pagsulat ng kompletong address- Ginagamit sa paghiwa-hiwalay ng pangalan ng gusali, kalye, bayan, lungsod, lalawigan, at bansa.

Halimbawa: Imperial building, Abad street, Quezon City, Manila\
                  Unit 1233, Antel Global Building, Esguerra Street, Brgy. Nagtahan, Pasig City

c. Liham- Makikita ito sa dulo ng bating pambungad sa liham-pangkaibigan,mahal sa buhay at bating pangwakas ng iba't ibang liham.

Halimbawa: Mahal kong Rogelio, (bating pambungad)
                  Nagmamahal Emelia, (bating pangwakas)

d. Pagsulat ng pangalan kapag nauuna ang apelyido sa pangalan

Halimbawa: Santos, Mariella
                  Garcia, Benjamin

e. Pagsulat ng kompletong petsa

Halimbawa: Hulyo 2, 2018
                  Dsiyembre 25, 2018

2. Panipi (" ")- Ginagamit ang panipi sa mga sumusunod:

a. Upang kulungin ang sinasabi ng nagsasalita

Halimbawa: "Umalis na kayo dito", sabi ng ale.
                  "Huwag kang mag-aalala lalayas na kami dito ngayon din", sagot ni Maria.

b. Pamagat ng isang arikulo o kwentong hango sa isang katipunan.

Halimbawa: Ang paborito kong awitin ay "Ikaw".
                  Nakakalungkot ang tulang pinamagatang "Wala ng Liwanag na Darating Pa"

3. Gitling (-) - Ginagamit ang gitling sa mga sumusunod:

a. Kapag ang nilalapian ay pangngalang pantangi

Halimbawa: maka-Diyos
                  mag- Internet

b. Pag-uulit ng mga salita

Halimbawa: ara-araw
                  dala-dalawa

c. Nagtatapos sa katinig o ang nilalapian ay nagsisimula sa patinig

Halimbawa: mag-ina
                  salitang-ugat

4. Tutuldok o Kolon (:)- Ginagamit ang tutuldok sa mga sumusunod:

a. pagsulat ng oras- matatagpuan ito sa pagitan ng oras at minuto.

Halimbawa: 7:30 n.u.
                  8:00 n.g.

b. paghihiwalay ng lugar na pinaglathalaan at ng tagapaglathala o publisista sa isang entri ng sanggunian.

Halimbawa: Santos, Manuel P. Dakilang Lupa. Bulacan: Bulb Publishing House, 2018

c. Hulihan ng bating pambungad ng liham-pangangalakal

Halimbawa: Mahal na Prisipal:
                  Mahal Punong Baranggay:


About the author

Precious Gomez

I am knowledgeable in the use of computer and online apps. I've done freelance article writing for more than 5 years. I am hard working. I still have a lot of things to learn and very open for training and guidance. Thank you so much for viewing my profile.
Profession: Nurse
Philippines , National Capital Region , Pasig

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.