PAANO KIKITA NG PERA HABANG NASA BAHAY

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.




Magturo ng Ingles (o iba pang wika) sa online

Alam mo bang kailangang-kailangan sa Asya ang mga taong may kakayahang magsalita ng wikang Ingles? Dahil dito, marami ang nagpapasyang maging freelancer na tagapagturo ng wikang Ingles gamit ang mga website tulad ng rarejob.ph. Ang naturang site ay isang virtual online classroom para sa mga freelancer na tagapagturo at mga estudyante. Pwedeng mag-alok ang kahit na sino ng mga pag-aaral (at itakda ang kanilang sariling presyo), at pwedeng mag-aral ang kahit na sino. Maaari kang kumita ng halagang $15 hanggang $20 bawat oras.

Maging Customer-Service Representative

Maraming mga kompanya, tulad ng J. Crew, Express Jet, 1-800-flowers, at maging ang IRS, ang nag-a-outsource ng kanilang mga customer-service operation sa mga kompanyang third-party na kumukuha ng mga manggagawang nagtratrabaho sa bahay (home-based worker) o kaya ay “mga ahente” na sasagot ng mga tawag at magsasaayos ng mga order. Halimbawa, kapag tinawagan mo ang 1-800-flowers, maaaring si Rebecca Dooley ang makausap mo, isang retiradong opisyal ng pulisya at empleyado ng Alpine Access, isang pangunahing kompanya sa serbisyo ng pagtawag (call-center service.) Kapag tinawagan mo ang numero nila, awtomatikong mapupunta ang tawag mo direkta kay Rebecca na nasa kanyang kwarto sa Colorado.

Kasalukuyang mayroong mahigit sa 7,500 empleyado ang Alpine Access na mga ahente para sa serbisyong pangkostumer (customer-service agent) na nagtratrabaho sa bahay na sumasagot ng mga papasok na tawag o in-bound call (wala ritong papalabas na tawag o cold calling) para sa dose-dosenang kompanya. "Tamang-tama para sa akin ang trabahong ito dahil nagagawa kong iangkop ang aking oras batay sa busy lifestyle ng aking pamilya," sabi ni Rebecca, na kadalasang nagtratrabaho ng 20 hanggang 32 oras kada linggo, depende sa kanyang iskedyul.

Samantalang ang karaniwang kada oras na sahod (hourly rate) ay nasa $9, ang mga ahente ng Alpine Access na nagtratrabaho ng mahigit sa 20 oras kada linggo ay binibigyan ng karapatang makatanggap ng mga benepisyo kasama na ang 401k program kapag nagtrabaho sila ng mahigit sa 1,000 oras. (Itinuturing ng ilang kompanya na mga independent contractor ang kanilang mga tauhan kaya hindi sila nagbibigay ng mga benepisyo.)

Pagsasagot sa Mga Survey

Kung isasantabi mo ang pagsasagot sa survey bilang isang lehitimong paraan upang kumita ng pera mula sa bahay, makinig ka kay Bonnie Alcala. Siya at ang kanyang anak na si Andrea Spain, isang kahaliling guro (substitute teacher) sa elementarya, ay nagsasagot ng mga online na survey bilang libangan at para sa kaunting kita. Nag-iingat sila upang maiwasan ang ano mang panloloko o scam sa pamamagitan ng pagtangging magbigay ng paunang bayad o ng kahit anong sinisingil. Kumikita sina Bonnie at Andrea ng $100 o halos P5,000 kada buwan kapalit ng paglalaan ng dalawang oras kada linggo sa pagsasagot ng mga sarbey, na nagbibigay sa kanila ng dagdag na kita. Dagdag pa, nangongolekta sila ng lahat ng klase ng gift card at iba pang mga pabuya.

Pagsusulat, Pagba-blog, Pag-e-edit, O Pagpo-proofread
Sinasabi ng lahat na napakahusay mong magsulat; hindi ba panahon na upang pagkakitaan mo ito? Marami pa rin ang nangangailangan sa taong mahusay magsulat ayon kay Durst, lalo na kung para sa online content. Para sa pinakamagagandang site, subukan mo ang JournalismJobs.com at About.com; hanapin mo ang “Guides” at MediaBistro.com para sa malawak na area ng mga paksa. Para naman sa mga trabahong pagba-blog, subukan ang problogger.net. Kung mayroon kang karanasan bilang isang freelance copy editor, manunulat (writer), o proofreader, magtungo sa editfast.com. Naglalaro ang sahod sa pagitan ng $6 hanggang $25 kada oras.

Virtual Assistant
Marami sa mga may-ari ng maliliit na negosyo at sa mabababa hanggang sa pinakamatataas na antas ng mga propesyonal ang nangangailangan ng mga sariling assistant (personal assistant), ngunit hindi kayang umupa ng permanente sa posisyong ito. Ang solusyon? Umupa ng tao mula sa iba o malayong lugar upang gawin ang kanilang mga gawaing administratibo.

Pinangangasiwaan ng virtual na tagaalalay ang mga proyektong administratibo, kabilang na ang pagsasaayos ng pagbibiyahe, pagplaplano ng kaganapan, liham at iba pang mga serbisyong pag-alalay na maaaring isakatuparan sa pamamagitan ng email o telepono.

Ani Lynne, isang virtual assistant na nagtatrabaho sa kaniyang sariling tahanan, nasa $3 hanggang $75 ang sahod kada oras para sa mga VA, depende sa uri ng serbisyong iyong ibinibigay. Nasa P10,000 hanggang P50,000 naman ang kakailanganing puhunan para sa mga kagamitang tulad ng computer at printer. Gustung-gusto ni Lynne ang pleksibilidad. “Masaya ang mga anak ko sapagkat wala akong nakakaligtaang mahahalagang bahagi ng kanilang buhay.”

Magbawas ng Kalat: Ibenta ang Mga Gamit na Hindi na Kailangan
Bago mo ililis ang iyong manggas at pagkakitaan ang iyong mga personal o propesyunal na kakayahan, bakit hindi mo muna pakawalan ang mga hindi mo na kailangan sa iyong buhay? Magandang paraan ang pagbebenta ng mga gamit na hindi na kailangan upang magbawas ng kalat habang kumikita ng dagdag na pera. Kung nasa transisyon ka tungo sa pagtatrabaho nang fulltime mula sa iyong tahanan, maaaring magbigay ang kitang iyon ng mahalagang tulak sa iyong mga planong magtayo ng maayos na opisina sa bahay, o ‘di kaya’y magpapahintulot sa iyong ipagpatuloy ang iyong istilo ng pamumuhay sa panahon ng kagipitan nang hindi bumabaling sa pagpapsimple ng sarili.

Pagdating sa kita mula sa sariling tahanan, ang pagbebenta ng mga gamit na hindi na kailangan ang nagbibigay-kahulugan sa “madaling pitasing prutas”.

Kahit pa pinagsisikapan mong bumili lamang ng mga kinakailangan, tiyak na mayroon kang mga pagmamay-aring maaari mo nang pakawalan: mga lumang damit at laruan ng mga bata, mga pinaglumaang kagamitang pang-isports, mga wala na sa usong damit at abubot, mga elektroniks, libangan, mga mahahalaga ngunit hindi sentimental na mga bagay tulad ng mga relo at alahas, gamit na muwebles, maalikabok na tools at kagamitang panlabas, at marahil ay pati ang malalaking bagay tulad ng motorsiklo o pangalawang sasakyan.

Mga Likhang Sining: Ibenta ang Iyong Pagkamalikhain
Kung mahilig kang lumikha ng magagandang bagay, ipinanganak ka sa taman gpanahon upang kumita nang malaki sa sarili mong tahanan. Hindi nagpapakita ng pagtigil ang nauusong paggamit ng mga sinauna at mga gawa-sa-bahay na mga produkto. Dagdag pa, puno ang Internet ng mga kilalang mapagbibilhan ng mga naturang gamit.

Halimbawa, ang Etsy ay isang mabilis na lumalagong site na nagbibigay sa mga malikhain ng pagkakataong magtinda ng mga item sa makatarungang halaga. Ipinagmamalaki ng site ang mahigit 40 kategorya, mula sa mga regalo hanggang sa mga damit at makakain, na may libu-libong nakalistang itinitinda.

Medical Transcription: Pagbebenta ng Iyong Kahusayan sa Paggamit ng Computer
Kung mahusay ka sa paggamit ng computer at mabilis kang mag-type, maaari kang magtrabaho sa iyong tahanan bilang medical transcriptionist.

Ang mga doktor na gumagawa ng mga tala sa anyong audio para sa mga pasyente ay nangangailangan ng taong magta-transcribe ng kanilang mga tala upang ilagay ang mga iyon sa mga file ng pasyente, subalit ayaw ng karamihan ng mga doktor na magbayad ng full-time na transcriptionist. Sa halip, ipinapamahagi nila ang trabaho, at magandang pagkakataon iyon para sa mga mahuhusay na typist na may kaalaman sa mga paksa at pananalitang medikal.

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)

Disclaimer: Buhay OFW is not a Registered Investment Advisor, Broker/Dealer, Financial Analyst, Financial Bank, Securities Broker or Financial Planner. The Information on the Site is provided for information purposes only. The Information is not intended to be and does not constitute financial advice or any other advice, is general in nature and not specific to you. Before using Buhay OFW’s information to make an investment decision, you should seek the advice of a business professional, qualified and registered securities professional and undertake your own due diligence. None of the information on our Site is intended as investment advice, as an offer or solicitation of an offer to buy or sell, or as a recommendation, endorsement, or sponsorship of any security, Company, or fund.

Buhay OFW is not responsible for any investment decision made by you. You are responsible for your own investment research and investment decisions.