Paano ko po malalaman kung my tulo pa din ako?

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity. Medical History

Nagkaron ako ng tulo 8years ago. At nag self medication ako. Nawala ang discharge ng ari ko. Nag pacheck up ako ulit ngayon sa doctor dahil nangangati ang loob ng ari ko at minsan parang umiihi ako at meron pa sa loob na di ko malabas. Binigyan niya ako antibiotic na isang araw lang iinumin at pinagawan niya ako ng urine test at ang sabi niya sa result wala na daw akong tulo. Pero minsan ang nangangati pa din ang ari ko sa loob lalo't na kapag di ako msyado nakakainom ng tubig. Maari bang my tulo pa din ako?:

The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately.

 

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Dr. Jen Cruz
is a Medical expert in United States
Maaari dulot ito ng urethritis o pamamaga ng urethra. Ang urethra ay isang tubo na nagdadala ng ihi mula sa pantog palabas ng katawan. Ang karaniwang sanhi ng urethritis ay impeksiyon dulot ng bakteria, na nagsasanhi ng pamaaga at iritasyon.
Pinakamabuting bumalik sa iyong doktor o magpatingin sa isang urologist.
Maaring ipayo ng doktor na magpatest ulit.

About the author

Dr. Jen Cruz

U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco