PAANO KO SASABIHIN SA BOYFRIEND KO NA NABABASTOS NYA NA AKO DAHIL SA MGA PAGHAWAK NYA SA MASELAN NA PARTE NG KATAWAN KO NG WALA SA TAMANG LUGAR?

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.

Paano ko po ba sasabihin sa boyfriend ko na hindi po ako natutuwa kapag hinahawakan niya po ang dibdib ko at private part ko ng palihim kahit na nasa opisina kami. Hindi na po kasi ako nagiging comfortable at feeling ko nababastos na ako. Thank you po

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Dolly April Plaza
is a Nurse in the Philippines
Maaari mo siyang kausapin ng personal at iopen up sa kanya ang tungkol dito. Halimbawa ay magkasama kayo namamasyal o simpleng nagmemeryenda na kamo may gusto kang sabihin at sana maging malawak ang kanyang pang-unawa dito. Ipahayag mo ang iyong nararamdaman na kahit siya ay iyong kasintahan na dapat niya irespeto kung ano ang sa tingin mo ay dapat para sa iyo. Maging tapat sa pagpapahayag na ito ay nakakabastos para sa iyo nang sa gayon ay malaman niya ang mga dapat at hindi dapat gawin. At tandaan na kung ikaw ay mahal niya ng totoo, igagalang niya ang iyong mga sasabihin at iyong mga pahayag.
Recommend Reply Report abuse