Paano kung gumawa ng chismis ang isang tao na may HIV ang kapitbahay niyang lalaki nang dahil lang sa pagkakaroon nito ng Sore throat na may kasamang nana?

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.

Sa sobrang galit ng asawa ng inakusahan na may HIV ay nakapag post ito ng pagmumura like P*ta pero walang nakalagay na pangalan sa post niya.at gusto nilang iakyat sa taas ang kaso,sino po kaya ang mayas malakas na kaso?
yong nang chismis na may HIV ang kapitbahay niya kahit wala siyang ebidensya o yung nag post ng pagmumura (no name na nakalagay sa post)?

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Jescelyn Del Rosario
is a Legal expert in the Philippines
Nakadepende yan sa mga evidence at credible witnesses mayroon kayo sila talaga ang magpapalakas para maestablish ang probable cause ng kaso. Para sa akin yong pagpopost sa social media kahit na walang pangalan pero identifiable naman kung sino ang tinutukoy mo dahil sa mga description/circumstances surrounding the case maaring maestablish pa rin ang identity ng victim. In that way, malakas na evidence ito unless madelete mo ito as soon as possible dahil kung hindi mas lalaki ang damage na maidudulot sa biktima dahil more and more people ang makakabasa at there is really an intention na ipahiya ang tao. Tungkol naman sa possibleng grave oral defamation na kaso ang magpapalakas nito ay ang mga witness na willing magtestify against the accused. Kung you have all the evidence and witnesses pwede po ninyo itong ireport sa police. Kung maaring maayos ito sa barangay level mabuti pero kung hindi humingi nalang po kayo ng certificate to file action at maghain kayo ng complaint sa Office of the Prosecutor.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Paano po atty. kung bago po namin na delete ang post eh na iscreenshot na pala nila at yun po ang ginagamit nilang evidence laban sa amin,may laban pa rin po ba kami kahit dalawa ang witness namin doon sa ginawa niyang issue about sa HIV?
Kasi po balak daw po talaga niya kaming ipakulong dahil sa post,eh hindi naman po kami magpopost ng ganun kung hindi po dahil sa gunawa niyang kwento.

sana po matugunan niyo ang tanong ko,salamat ng marami atty.God Bless po! napakalaking bagay po kau dahil wala po kami pampa abogado
Jescelyn Del Rosario
is a Legal expert in the Philippines
The screenshot is admissible as evidence yan kaya lang you can dispute it na wala naman sa timeline mo. Kung wala kang witness sa kaso mo mahihirapan ka talaga dahil kung wala kang witness self-serving lahat ng testimony/evidence mo so mas lamang sila sa iyo.

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.