Paano Maiwasan ang Pagkabaog? Hirap Magkaanak o Di Makabuo ang Lalaki Mga Dahilan at Dapat Gawin Upang Makaiwas sa Pagkabaog

Gabriela Ortega
is a Blogger/ Researcher in the Philippines

Umaabot sa 15 porsyento ng mag-asawa ang hindi magka-anak o humigit kumulang 1 sa 6 na mag-asawa. Ibig sabihin, wala silang kakayanan na bumuo ng bata kahit na madalas silang magtalik at walang ginagamit sa loob ng isang taon o higit pa. Kalahati sa mga mag-asawang ito, kadalasan ang lalaki ang walang kakayanan na makabuo. Ang pagsusuri ng kawalan ng kakayanan na makabuo ng bata ay ibinibigay kung ang mag-asawa ay hindi pa nakakabuo sa loob ng isang taon.  Ang lalaking baog ay humugit kumulang 30% sa lahat ng kaso na hindi magka-anak.
 
Ang pagkabaog ng lalaki ay dahil sa kakulangan ng produksyon ng esperma, abnormal na kulang ng sperm o mayroong humaharang upang mailabas ang tamud. Ang mga sakit, sugat, problema sa kalusugan, stress at iba pa ang sanhi ng pagkabaog ng lalaki.
 
Ang hindi pagkakaroon ng anak ay nakababahala, ngunit ang dahilan ng hindi pagkakaroon ng anak ay mayroong gamot.
Karamihan sa mga sinasagawang pag-aaral, ang dahilan kung bakit hindi magkaanak ang magkapareha ay ang lalaki. Sa dami ng kaso ay “unknown cases” pa rin ang naitatala. Ang pagkabaog ng lalaki ay nangyayari dahil sa abnormal na tamud, dahil sa hindi sapat na bilang nito o problema sa bulalas.
 
Apat na pangunahing dahilan ng pagkabaog ng lalaki:
a. A hypothalamic o pituitary disorder (1-2%)
b. Gonad disorder (30-40%)
c. Sperm transport disorder (10-20%)
d. Unknown causes (40-50%)
 
Ano ang mga palatandaan, sintomas at dahilan ng Taong Baog?
Ang pinaka-palatandaan ng isang lalaking baog ay ang hindi pagkakaroon ng anak. Maaring walang ibang palatandaan o sintomas. Mayroong ibang kaso naman na ang pinagbabatayan ay tulad ng mga minanang sakit, hormonal imbalance, malaking ugat sa itlog, o kondisyon na may nakaharang sa daluyan ng tamud ay mga palatandaan o sintomas.
 
1. Problema sa sekswal na ginagawa- halimbawa, hirap sa ejaculation o kaunti lamang ang lumalabas na tamod, binabawasan ang labis na pagtatalik o hirap sa pagpapatayo ng ari ng lalaki (erectile dysfunction).
 
Mga problema sa Ejaculation:
a. Premature ejaculation
b. Retrograde ejaculation, nangyayari ito kapag ang semilya ng lalaki ay bumabalik sa pantog
c. Hindi pagtayo ng ari
d. Kumplekasyon sa mga gamutan o mga operasyon
 
2. Pananakit, pamamaga o bukol sa bandang itlog
 
3. Pabalik-balik at hirap sa paghinga
 
4. Kawalan ng kakayanan sa pang-amoy
 
5.  Abnormal na paglaki ng suso
 
6. Pagbabawas ng mga buhok sa mukha at katawan o iba pang palatandaan ng chromosomal o hormonal abnormality
 
7. Ang pagkakaroon ng mababang bilang ng tamud kaysa sa normal na bilang (mas kaunti sa 15 milyong tamud kada milliliter ng semilya o kabuuang bilang ng tamud na hindi baba sa 39 milyon per ejaculate)
 
Dahilan ng mababang bilang ng tamud o kakulangan ng tamud:
a. Pre-existing genetic condition
 
b. Pag-inom ng alak at paggamit ng tobacco o sigarilyo at iba pang droga
 
c. Malubhang impeksyon pagkatapos ng pagbibinata
 
d. Pagkakaroon ng luslos
 
e. Hormone disorder
 
f. Babad sa mga nakakalasong kemikal
 
g. Babad sa radiation
 
h. Dating dahilan ng malalang pagbabara
 
i. Pagsusuot ng masikip na pang-ibaba o salawal
 
j. Sugat sa bandang singit
 
 
8. Sperm Abnormalities
Mga Dahilan:
a. Pamamaga ng itlog
 
b. Pamamaga ng ugat sa scrotum
 
c. Abnormal na pag-buo ng itlog
 
9. History ng STD’Sa
 
10. Urinary Tract Infection
 
11. Paggamit ng iba’t ibang klaseng gamot
 
Ano nga ba ang iba’t ibang Sanhi at Rason ng Pagkabaog
1. Varicocole- Ito ay ang pamamaga ng ugat dahilan upang matuyo ang itlog. Ito ang pinaka-karaniwang dahilan ng pagkabaog.
 
2. Impeksyiyon- Karamihan sa mga impeksiyon ay humahadlang sa paglikha ng tamud o sperm health o dahilan upang magsugat at magbara sa daluyan ng tamud. Kasama dito ang pamamaga ng epididymis (epididymitis) o itlog (orchitis) at iba pang naipapasang malubhang sakit, gaya ng gonorrhea o HIV.
 
3. Antibodies na umaatake sa tamud - Ang mga kalaban ng tamud ay ang immune system cells na magkakamaling makilala ang sperm na unti-unting pumipinsala at nagtatangkang alisin sila.
 
4. Industrial Chemicals- Sobrang pagbababad sa mga benzenes, toluene, xylene, pesticides, herbicides, organic solvent, painting materials at lead ay dahilan upang bumaba ang bilang ng tamud.

5. Heavy metal exposure- Sobrang pagbabad sa lead o mga mabibigat na bagay ay sanhi rin ng pagkabaog.
 
6. Radiation o X-rays- Ang sobrang pagbabad sa radiation ay nakakabawas rin ng paglikha ng tamud, bagaman ito rin at unti-unting babalik sa normal. Kapag mataas na kalidad ng radiation, ang paglikha ng tamud ay mananatiling unti-unting mababawasan.
 
7. Pag-init ng labis ng itlog- Ang mataas na temperature ay nagpapahina ng paggalaw at paggawa ng tamud. Bagaman, sa pag-aaral ay limitado at hindi pa napatutunayan, ang madalas na paggamit ng mga saunas o hot tubs ay panandaliang pahihinain ang iyong sperm count.
 
8. Paggamit ng ipinagbabawal na gamot- Ang Anabolic steroids ay dahilan upang pasiglahin at palakihin ang inyong muscles na nagiging dahilan upang ang itlog ay umurong at ang paglikha ng tamud ay mabawasan. Ang paggamit ng cocaine o marijuana ay nakakabawas rin ng bilang at kalidad ng tamud ngunit ito ay maaari pang maagapan.
 
9. Pag-inom ng alak- Ang pag-inom ng alak ay nakabababa ng testosterone levels, dahilan ng hindi pagtayo ng ari at pagkonti sa pagbuo ng tamud. Ang pag-inom ng labis ay maaaring magkaroon ng sakit sa atay at dahilan din upang magkaroon ng fertility problem.
 
 10. Paninigarilyo- Ang mga lalaking naninigarilyo ay maaring magkaroon ng mababang bilang ng tamud kaysa sa mga lalaking hindi naninigarilyo. Pati na rin ang mga nakakalanghap lamang ng usok ng sigarilyo ay maari rin maapektuhan ang sperm count.
 
11. Emotional Stress- Ang pag-iisip at pagkapagod ay nakakagambala din ng mga hormones na kailangan upang makagawa ng tamud. Ang sobra at matagal na pagka-stress ay kabilang sa problema sa fertility na nakaaapekto sa iyong sperm count.
 
12. Timbang- Ang labis na timbang ay nakakasama sa pagbuo ng tamud sa maraming bagay, naaapektuhan rin nila ang kani-kanilang sarili pati ang mga hormones ay nagbabago dahilan upang mabawasan ng sperm count. May mga trabaho rin tulad ng pag-wewelding o ang matagalang pag-upo gaya ng truck driving ay kasama sa mga dahilan ng pagkabaog.  Gayunpaman, ang pagsusuri tungkol dito ay mga haka-haka lamang.
 
Tandaan: Ang matagalang pag-upo, pagsusuot ng masisikip na damit o ang mga nagtatrabaho gamit ang mga laptops at computers ng mahabang oras ay nakakabawas din ng temperatura ng inyong scrotum at makakabawas ng pag-buo ng tamud ng kaunti.
 
Paano nga ba Mabuntis ang inyong partner?
1. Kailangan ay mayroon kang malusog na tamud- Simula pa lang, ay nasasangkot na ang paglaki at pagbuo ng ari ng lalaki habang nagbibinata. Dapat ay isa sa mga itlog mo ay gumagana ng maayos. Ang iyong katawan ay lumilikha ng testosterone at iba pang hormones at mapanatili ang paglikha ng tamud. 
 
 
2. Kailangan maidala ang sperm sa semen- Kapag ang tamud ay nagawa na sa itlog, ang delikadong tubes ay pupunta hanggang sa maghalo sila ng semen at lalabas ito sa ari ng lalaki.
 
3. Kailangan ay may sapat na sperm sa semen- Kung ang bilang tamud sa inyong semen ay mababa, ay kaunti lamang ang tyansang mapunta ang iyong sperm sa egg cell ng iyong partner. Ang mababang bilang ng tamud ay mas kaunti sa 15 milyon kada millimiter ng semen o hindi bababa ng 39 milyon kada ejaculation.
 
4. Ang tamud ay kailangan gumagana at gumagalaw- Kung ang paggalaw ng iyong tamud ay hindi normal, maaring hindi nito maabot ang egg cell ng iyong partner.
 
Kailan Maari Pumunta sa Doktor?
Pumunta sa doctor kung hindi pa rin makabuo ng bata sa loob ng isang taon na regular ang pagtatalik at walang ginagamit na kahit na anong proteksyon o kung mayroon ka sa mga ito:
 
1. Problema sa ejaculation o pagtayo ng ari, low sex drive, or iba pang problema sa pagtatalik
 
2. Pananakit, hindi komportable, bukol o pamamaga sa parteng itlog
 
3. History ng problema sa itlog, prostate at pakikipagtalik
 
4. Nagkaroon ng operasyon sa singit, itlog, ari at scrotum
 
Paano magagamot ang pagkabaog ng lalaki?
Ang pagkabaog ng lalaki ay madalas nagagamot sa magandang pamamaraan tulad ng mga sumusunod:
 
1. Ang pag-inom ng gamot na nakakatulong para madagdagan ang sperm
 
2. Pag-inom ng antibiotics upang maghilom ang infection
 
3. Pag-inom para sa hormones tulad ng mga pills upang ayusin ang hormone imbalance
 
4. Pag-iwas sa mahabang paggamit ng mainit ng tubig tulad ng hot tub o sauna
 
5. Pagsusuot ng maluwang na pang-ibaba tulad ng mga boxer shorts at jockey shorts
 
6. Pag-iwas sa mga nakahahawang sakit
 
7. Pag-iwas sa ipinagbabawal na gamut
 
8. Pag-iwas sa radiation hangga’t maari
 
9. Pag-iwas sa mga nakalalasong kemikal
 
10. Pag-iwas sa mga matatapang na alak o madalas na pag-inom ng alak
 
11. Pagkakaroon ng kalinisan sa katawan at magandang kalusugan
 
Medical Methods:
1. Fertility Supplements- Ang pag-inom ng mga supplements ay nakakatulong rin upang madagdagan ang bilang ng tamud. Lahat ng dumadagdag na bilang ng tamud ay malaki ang posibilidad upang magkaroon ng anak. Bumili ng mga masusustansyang pagkain sa tindahan at mga vitamins o supplements para sa male fertility.
 
2. Artificial Insemination- Ito ay isa sa mga pagpipilian kung mababa ang bilang ng tamud ng lalaki. Sa prosesong ito, ang tamud ay iipunin sa pamamagitan ng ejaculation at ilalagay nila ito sa uterus o fallopian tubes ng babae.
 
3. Vitro Fertilization- Ito ay isa pang pagpipilian na magagamit upang labanan ang pagiging baog ng lalaki. Sa prosesong ito, ang sperm at egg cell ay i-fefertilized sa laboratoryo, pagkatapos ma-fertilized ang egg ay ilalagay ito sa uterus ng babae.
 
4. Donor Sperm- Kung ipinapakita na ang tamud ay walang problema o walang ibang problema sa kasalukuyan, ang donor sperm at gagamitin upang padaliin ang pagbubuntis. Sa prosesong ito, ang donor sperm ay kukunin sa sperm bank at ito ay ilalagay sa uterus o fallopian tubes ng babae gamit ang artipisyal na insemination.

About the author

Gabriela Ortega

I'm a freelance blogger, and an aspiring author. Graduate of De La Salle University.
Profession: Blogger/ Researcher
Philippines , Metro Manila , Makati

The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately.

 

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)