Paano Makabuo o Makagawa ng Bata/Anak na Lalaki? Ano pinakamainam na posisyon para mabuntis agad?

Precious Gomez
is a Nurse in the Philippines

Madalas sa mag-asawa nangangarap magkaroon ng mga anak na  merong babae at lalaki. Kadalasan sa mga magulang na kapag puro babae ang mga anak nila naghahabol sila na magkaroon ng lalaki at pareho din sa mga anak na puro lalaki gustong magkaroon ng anak babae. Halos lahat gustong humanap ng paraan kung paano makagawa ng babae o lalaki na anak. Hanggang ngayon hindi pa napag-aralan ng mga eksperto kung paano makabuo ng saktong kasarian ng bata ngunit sa paglipas ng panahon marami na ding paraan paano makabuo ng saktong kasarian ng bata. Ayon sa agham malaki ang ginagampanan ng tamud ng lalaki sa kasarian ng anak, subalit may mga ibang eksperto na ang mga simpleng estratehiya ay talagang gumagana. Siyempre, mas mahalaganga resulta ay pagkakaroon ng isang malusog na sanggol.
 
Kaya, mahalaga na tiyakin kung paano gumawa ng batang lalaki at isaisip mabuti. Merong dalawang uri ang sperm cell, ang isa ay may dalang X chromosome at ang isa naman ay Y chromosome. Ito ang mga klase ng sperm na nagpe-fertelizes ng egg at nalalaman kugn ano ang kasarian nito. Ang X Chromosome ay babae samantala ang Y chromosome naman ay sa lalaki.
 
Ayon sa pag-aaral ng mga eskperto ang lalaking sperm ay maliit, mabilis ngunit mahina o madaling mamatay. Samantala ang babaeng sperm naman ay mabagal ngunit kayang mabuhay ng matagal sa loob ng katawan ng babae. 

Mga Dapat Gawin Para Makabuo ng Batang Lalaki
Narito ang mga pinaka-epektibo o mabisang gawin upang makagawa agad ng anak at magbuntis ng lalake.
 
1. Doggy Style o Dog Style- Isa sa mga kilala at gusto ng karamihan ay ang dog style. Luluhod ang babae upang mas mabilis ang pagpasok ng lalaki sa ari ng babae. Maaring ayusin ang posisyon kung saan komportable, maghanap ng pwedeng masandalan ng kamay ang babae upang maiwasang mapagod. Sa ganitong paraan mas nasasagad ng lalaki ang kanyang ari sa loob ng ari na babae. Malaki ang tyansa na makarating ng buhay ang lalaking sperm cell sa egg cell ng babae dahil hindi na ganun kalayo ang kanyang lalanguyin.


2. Patayo o Stand Up- Kagaya ng dog style ang ganitong posisyon sa pakikipagtalik ay mas nasasagad ng lalaki ang kanyang ari sa loob ng babae. Maraming nakapagsasabi na ang ganitong posisyon ay mas lamang ang lalaking sperm cell dahil nakakalangoy sila ng mabilis at mas mabilis silang makarating dahil sa malapit na distansiya. Kapag nagse-sex maaaring itaas ng kaunti ang babae o nakasandal ang katawan sa pader.


3. Sumaklang o Pumatong sa ingles Straddle- Sa ganitong posisyon ang lalaki ay nakahiga sa sofa, kama o kung saan siya komportableng humiga. Pumatong ang babae at tiyaking nakasagad ang pagkakapasok. Sa posisyong ito, sagad na sagad ang pagtatalik at ang babae ang nagko-kontrol. Kung ang lalaki ay may malaking titi at nakakaramdam ang babae ng mabilis na pagkapagod, umayos ng pagkakapatong ang babae hanggang sa pakaramdam ng komportable.


4. Lalaking Sperm Cell at Ovulation o fertile- Dahil ang lalaking sperm cell ay mas mabilis sa babaeng sperm cell, magniniig sa araw kung saan fertile ang babae. Malaki ang pagkakataong makabuo ng lalaki kung maiwasang pakipagtalik ng hindi bababa sa apat o limang araw simula ng pagka-fertile o ovulation ng babae. Kapag makipagtalik sa malayong petsa ng pagka-fertile ng babae malaki ang posibilidad na mabilis mamatay ang lalaking sperm, samantala buhay naman ang babaeng sperm na siyang mag-fertilize sa itlog ng babae.

 
5. Kumain ng Pagkain Mayaman sa Calories- Kumain ng cereal tuwing almusal. Batay sa pag-aaral na isinagawa, mahalaga kumain ng pagkain na mayaman sa calories at hindi bababa sa 400 calories bawat araw ang nakakain. Ang mga pagkain gaya ng cereal, saging, isda, gulay at iba pang mga mataas na enerhiya na pagkain, ay maaaring makatulong sa pagbuo ng isang batang lalaki.


6. Underware o Brief ng Lalaki- Maraming nagsasabi na ang sinusuot na salawal ng lalaki ay nakakaapekto din sa pagbuo ng kasarian ng bata. Ayon sa paniniwala kung suot ng lalaki ay boxer short o maluwag, malaki ang tsansya nito na maka-gawa ng lalaking anak. Ang skrotum nito ay hindi gaanung mainit na nagpapataas sa dami ng paggawa o production ng tamud. Ang masikip naman na brief ay mas mainam para sa mga babaeng sperm cell, ngunit nakakabawas sa paggawa o production ng sperm dahil sa sobrang init nito.

 
7. Pag-inom ng Kape o soda ng Lalaki- Pagkalipas ng kalahating oras o higit pa, uminom ng isang tasang matapang na kape o isang boteng soda o softdrink bago makipag-sex. Makakatulong ito upang mapalakas ang resistensya ng sperm cell lalo na ang lalaking sperm cell nito.
 
8. Maunang Labasan ang Babae- Maraming nagsasabi na malaki ang papel na malabasan ang babae upang makabuo ng lalaki anak. Oras na nilabasan ang babae, ang alkaline na lumabas sa puki nito ay nagbibigay sa sperm cell na lalaking ng mas mataas na pagkakataong mabuhay. Sinasabi na malaki ang pagkakataon na magkaroon ng isang batang lalaki, kapag naunang labasan ang babae bago ang lalaki.

About the author

Precious Gomez

I am knowledgeable in the use of computer and online apps. I've done freelance article writing for more than 5 years. I am hard working. I still have a lot of things to learn and very open for training and guidance. Thank you so much for viewing my profile.
Profession: Nurse
Philippines , National Capital Region , Pasig

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.