PAANO MAKAKAKUHA NG MATERNITY BENEFITS SA PHILHEALTH?

Medical Team
is a Medical expert in United States

Magkano ba Ang Panganganak Ngayon?

Congratulations! Malapit niyo nang makita ang inyong bagong kapamilya! Hindi talaga nawawala ang kasabikan sa masayang paghihintay ng bagong karagdagan sa pamilya, kahit pa kailangan mong paghandaan ito. Narito ang isang listahan ng mga kailangan mong pag-ipunan.

Bago manganak
Ang panganganak ay hindi kasing simple ng pagluluto ng keyk at paglalabas noon sa oven. Napakahalaga ng wastong pangangalaga sa buong panahon ng iyong pagbubuntis.

1. Mga Tsekap at Konsultasyon

Nagkakahalaga ito mula P300 hanggang P1,200, depende sa kung saan mayroong klinika ang OB-Gyne mo. Ang dalas ng iyong mga tsekap ay babatay din sa kung ano ang kalagayan ng iyong pagbubuntis, at kung nasa aling yugto ka na. Huwag mag-atubiling magpalit ng doktor kung hindi ka komportable nang buung-buo. Karapatan mong humingi ng opinyon ng iba at pumili kung sino ang magiging katuwang mo. Kung nais mong makatipid, nag-aalok ang mga barangay center ng prenatal at post-natal consultations nang walang bayad. Hangga’t hindi delikado ang iyong pagbubuntis, maaari kang umasa sa mga libreng serbisyong inaalok ng mga ito. May ilan ring health center ang mayroong mga pasilidad para sa panganganak.

2.Gamot
Karaniwan, magrereseta ang iyong doktor ng mga madalas na ibinibay na prenatal supplement tulad ng mga multivitamins, malunggay capsule, calcium, folic acid, at iron na nagkakahalaga ng P3,000 hanggang P5,000 para sa buong pagbubuntis. Mag-iiba-iba ito batay sa kung saan ka bibili. Tandaan na laging mas mahal ang mga gamot na may brand kaysa sa mga generic na gamot. Nagbibigay ang mga barangay health center ng mga multivitamins, folic acid, at iron, kaya mainam kung makakakuha ka doon ng mga ito.

3.Mga Pagsusuri

 Uutusan ka ng iyong doktor na magpa-lab test at ultrasound upang suriin kung mayroon anumang maaaring makaapekto sa iyo at sa iyong pagbubuntis. Sa buong panahon ng iyong pagbubuntis, maaaring kailanganin mong magtabi ng badyet na nagkakahalagang P5,000 hanggang P30,000 para sa mga ito, depende kung komplikado ang iyong pagbubuntis.

4. Mga Pangangailangan sa Pagbubuntis

Mula sa mga damit hanggang sa mga kendi na panlaban sa pagsusuka, espesyal na underwear at mga babasahin, ikaw ang magpapasya kung magkano ang iyong ilalaan para sa mga kagamitang ito.

Panganganak
Kailangan mong pumili kung saan ka manganganak—sa lying-in clinic ba, sa health center, o sa ospital? Maaaring maging mahirap ito kung mayroon kang partikular na doktor na nais mong magpaanak sa iyo. Depende sa iyong badyet, maaari kang pumili nang naaayon sa iyong kagustuhan, kaginhawahan, at higit sa lahat, kaligtasan ninyong mag-ina.

Philhealth Maternity Benefits: Your benefits and how you can avail them
Ang mga babaeng nagdadalang-tao na hindi pa sakop ng Philhealth ay pinapayuhang magsumite ng sinagutang PhilHealth Member Registration Form at anumang katibayang buntis ka, tulad ng medical certificate, ultrasound o mga resulta ng laboratory. Kailangan din nilang bayaran ang buwanang hulog na P2,400 upang makakuha ng mga benepisyo. Iyong mga naka-enrol na sa PhilHealth ay dapat isapanahon ang kanilang pagbabayad.

Kabilang sa Maternity Care Package ang mga serbisyo bago ang panganganak, normal delivery at pagkatapos manganak, kabilang ang mga follow-up tsekap sa loob ng 72 oras at isang linggo matapos ang panganganak. Ang Package ay nagkakahalagang P6,500 kapag ginamit sa accredited na ospital, at P8,000 kapag ginamit sa mga accredited na paanakan, maternity clinic, infirmary, o dispensary.

Sa kabilang banda, sinasakop ng Normal Spontaneous Delivery Package ang mga importanteng serbisyo para sa normal, at hindi delikadong panganganak at pagkatapos ng panganganak. Ang package ay nagkakahalagang P5,000 para sa paggamit sa ospital, at P6,500 kapag ginamit naman ito sa mga accredited na paanakan, maternity clinic, infirmary o dispensary.

Ang iba pang paraan ng panganganak tulad ng Caesarean section, mga komplikadong vaginal delivery tulad ng pagpapaanak ng suhi ay sakop din kapag isinagawa sa mga accredited na ospital.

Dagdag dito, may karapatan ang bagong silang na sanggol sa Newborn Care Package (NCP) na kinabibilangan ng Newborn Screening Test, Newborn Hearing Test at mga probisyon ng esensyal na pangangalaga sa bagong silang na sanggol, na may kabuuang halagang P1,750.00.

Paano Mag-apply
Paano Papalitan ang Iyong Membership Status
Kung dati kang may trabaho at sa kasalukuyan ay hindi na nagtatrabaho, kailangan mong palitan ang iyong membership mula ‘Employed’ tungong ‘Voluntary’.

Upang gawin ito, pumunta lamang sa pinakamalapit na tanggapan ng PhilHealth at magdala ng:

·       Isang valid ID

·       Anumang sumusuportang dokumento kung babaguhin mo rin ang iba pang impormasyon sa iyong membership (halimbawa, marriage o birth certificate), at

·       Ang iyong PhilHealth contribution (maaari kang maghulog para sa bawat kwarto, kalahati ng taon, o buong taon)

Magbabatay ang iyong kontribusyon o hulog sa iyong buwanang kita. Kung mayroon kang buwanang kita na P25,000 o higit pa, ang iyong taunang kontribusyon ay magkakahalagang P3,600. Sa kabilang banda, kung mas mababa sa halagang iyon ang iyong kita, ang iyong taunang kontribusyon ay magkakahalagang P2,400.

Pagdating mo sa tanggapan ng PhilHealth, lumapit sa help desk officer sa information booth. Bibigyan ka nila ng form na sasagutan at isusumite sa isang processing officer. Hindi gaanong mahaba ang pila sa priority lane. Pagkatapos ay bibigyan ka ng processing officer ng updated na Member Data Form na magpapakita ng iyong bagong membership status. Kapag nasa iyo na ang form na ito, maaari ka nang tumuloy sa kahera upang magbayad.

Itago ang Member Data Form at resibo ng iyong kontribusyon o hulog. Kakailanganin mo ang mga ito kapag magfa-file ka na ng iyong claim sa ospital na accredited ng PhilHealth kung saan ka manganganak.

Tiyaking dala mo ang mga sumusunod na requirement sa ospital

·       Hindi bababa sa 3 buwang kontribusyon o hulog sa loob ng naunang 6 na buwan bago ang araw ng iyong pagkaka-confine

·       Ang iyong updated Member Data Form

·       Resibo ng iyong mga kontribusyon o hulog

·       Valid ID

·       Mga sumusuportang dokumento (hal. marriage certificate)

·       Nasagutang Claim Form 1 (2 kopya-isa para sa ina at isa para sa sanggol)

Babayaran ng Philhealth ang maternity benefit ilan man ang bilang ng mga naunang panganganak.

Isumite ang mga dokumentong ito sa billing section ng ospital bago ka i-discharge nang sa gayon ay maibawas ang mga benepisyo sa iyong kabuuang bill.


About the author

Medical Team

Our medical team verify the medical accuracy of the articles you read on our site. U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.