PAANO MALALAMAN KUNG MANGANGANAK NA? ANO SENYALES NG KABUWANAN NA O DUE DATE?

Dr. Jen Cruz
is a Medical expert in United States

Ang iyong pinakahihintay na pagsilang ng iyong sanggol ay marahil parating na. Ikaw ba ay nangangamba at nagtatanong kung paano malalaman kung simula na ng iyong panganganak o tinatawag na labor. Ang mga nagsilang na o nagbubuntis ay may iba't - ibang kwento at karanasan pag malapit na itong manganak. Ngunit may tinatawag ding false labor (maling akala o hindi pa oras manganak) at true labor (manganganak ka na). Kaya naman nararapat lang na maging handa at malaman natin ang kaibahan ng senyales nito.
 
Ano senyales ng maling akala o hindi pa naman oras na manganganak Ang mga sumusunod ay senyales ng false labor:
- Pansamantalang pananakit ng balakang o sa may bahagi ng puson kagaya ng nararamdaman pag may dalaw o menstrasyon
- Paghilab ng tiyan o Braxton hicks contraction ay hindi pare-pareho ang lakas at tagal, ito ay hindi nagtatagal o kaya’y nawawala pag nakapahinga. Pinapayuhan ang mga nagbubuntis na maglakad lakad o gawin ang mga bagay na nakakapagpagaan at makakapagpabawas ng paghilab na nararamdaman.
- Hindi tuloy-tuloy na secretion (katas o likido ng ina)
- Nakakaranas ng pagtatae
- Pabago-bagong emosyon tulad ng pagiging masayahin, pagkabalisa, kinakabahan at mainitin ang ulo
- Madaming mga buntis ang nagsasabing sila ay nahihirapang matulog pag malapit na silang manganak
 
Mahalagang malaman ang pagkakaiba ng false at true labor.  Madami sa mga nagbubuntis para sa kaninlang unang sanggol o kahit mga nanganak na, ang pinapauwi dahil sa false labor. Kapag ang iyong pagbubuntis ay nasa 37-42 linggo na, asahan na ang bata sa sinapupunan ay pwedeng lumabas na anumang oras.
 
Ang mga sumusunod ay ang mga totoong senyales (true labor) na isisilang mo na ang sanggol:
 
1. Ang pagbaba ng tiyan - ito ay ang tinatawag na “lightning” ibig sabihin inihahanda na ng katawan mo ang pagsilang ng iyong sanggol. Dahil sa pagbaba nito mas magiging maayos ang iyong paghinga ngunit mas mahihirapan kang maglakad at mapapadalas ang iyong pagihi dahil sa presyon na mararamdaman mo.
 
2. Ang paghilab o tinatawag na true labor na kontaksyon ay mas madalas at mas matagal na. Halos buong tiyan ang humihilab at dahil sa presyon, pati ang likod at balakang ay maaring sumakit din. Ang paghilab nito ay tuloy tuloy at hindi nababawasan kahit ipahinga ito o magpalit ang posisyon. Ang iyong midwife o doktor ay papayuhan kang maging kalmado o magrelax upang maireserba ang lakas pag ika’y manganganak na. Sa iyong unang pagbubuntis, ang agwat ng kontraksyon ay limang minuto at nagtatagal ito ng halos isang minuto. Sa pangalawa o sa mga sumusunod na pagbubuntis ang kontraksyon ay may agwat na walong minuto.
 
3. Ang secretion at dugo na lumalabas sa pwerta ay mas madami at mas malakas dahil sa pagbukas ng iyong cervix (kwelyo ng matres) at paninipis nito. Galing ito sa selyadong matres o bahay bata ng siyam na buwan. Kaya naman, pinapayuhang kumunsulta sa doctor o midwife para matignan ang sukat ng pagbuka ng cervix. Sinasabing pag pumutok na ang panubigan ito ay delikado at pwedeng magkaimpeksyon ang unborn child dahil ang tubig nito ay nagsisilbing proteksyon ng sanggol habang nasa sinapupunan. Kaya naman nirerekomenda ng doktor o midwife na ilabas na ang bata isa o dalawang araw pagkaputok ng panubigan.
 
4. Ang paggalaw ng bata ay mas madalang at limitado – ang sanggol ay hindi gaanong aktibo isang araw bago ang pagsilang. Walang sinumang makapagpaliwanag kung bakit, pero sinasabing ang sanggol ay nagrereserba din ng enerhiya para sa kanyang pagsilang.
 
Hindi ito magiging madali, kaya naman gawin ang mga bagay na magpapaginhawa sayo tulad ng paglakad, pagpapahinga, pagkain ng sapat at tama, paghinga ng dahan dahan at malalim. Ihanda ang katawan at magtiwala sa sarili at sa iyong sanggol. Wag magalinlangang kontakin ang iyong midwife o doktor pag nakaramdam ng anumang nabanggit sa itaas dahil sila man ay gustong malaman kung ano ang iyong pinagdaraan para ika’y matulungan.

About the author

Dr. Jen Cruz

U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco

The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately.

 

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)