PAANO MALAMAN KUNG ANG PEKE ANG GINTO? TUNAY ALAHAS KARAT CARAT

Precious Gomez
is in the Philippines

Ang ginto ay isang kemikal na elementong may simbolo na Au o Automic number 79. Ito ay bahagyang makinang, mamula-mulang dilaw, siksik, malambot, nagbabago ng anyo at hugis at ductile na bakal. Binagong metal ito at kabilang sa pangalawang grupo ng elemento. Ang bakal na ito ay galing sa mga bagay, bilang tipak o mga butil, sa mga bato o sa mga ugat ng kahoy at sa mga naanod na bato. Ang mga nangongolekta at eksperto ay nakakaalam ng kahalagan nito, kaya dapat pangalagaan at ingatan ito. Meron mga hakbang o tamang kaalaman kung paano masusuri kung tunay nga ba o peke ang isang alahas o ginto.
 
Ang pekeng ginto o immitation ay mababa sa 10 Karats/Carats ang halaga nito. Mainam na ipasuri sa mga eksperto ng ginto o mga pawnshop upang malaman kung tunay nga ba o hindi ang hawak na alahas. Mahalagang malaman ang iba't ibang hakbang upang masuring mabuti ang ginto o alahas na bibilhin.
 
Mga hakbang paano malaman ang ginto kung ito ay tunay:
 
1. Tingnan ng Mabuti - Ang unang gawin ay tingnan maigi o inspeksyunin ang hawak naborloloy kung ito ba talaga ay ginto.
 
a. Ang unang hakbang ay tingnan ang piraso ng ginto at suriin kung may opisyal na palatandaan o selyo. Ang selyo o marka ang magiging silbing pamamaraan upang makilala kung orihinal nga ba ito o hindi.  A t mapapadaling malaman ang presyo nito sa kalakal.  Alamin kung nakasulat sa alahas at kung ilan ang karat nito. Mayroong 10 k ,14 k, 18 k, 20 k o 24 k.  Ang K ay karat ito ay nagsasabi kung alin ang may pagkapurong ginto ng alahas.
 
b. Maaring gumamit ng magnefying glass upang masuri ng maigi kung tunay nga ba ito.
 
c. May mga ang ginto na lumang na. Alinman sa marka o selyo nito dahil sa haba ng panahon ng paggamit maaring mabura at maaring maging kagaya ito ng di tunay na ginto. Kailangan ipasuri sa eksperto upang makasigurado sa hawak na alahas.
 
c.  Mahalaga ring tingnan ng mabuti ang kulay ng alahas dahil tumutulong ito upang matukoy kung orihinal ito. Oras na magbabago ang kulay, nangangahulugan na ang ginto ay di tunay.
 
Pagkagat (Bite test)- Ang isang mahusay na paraan upang suriin ang ginto ay ang pagkagat ng piraso nito. Kadalasan nakikita natin sa mga pelikula o telebisyon kung paano kagatin ng mga tauhan sa pelikula upang masuri nila kung tunay nga ba. Kabilang din dito yung pagkagat ng mga nanalo ng gintong medalya sa patimpalak na sinalihan, kinakagat nila ito upang malaman nila na totoo ito at di lang nililinlang at para maiwasan ang dayaan.
 
·         Bakal na Magnet- Ang pamamaraan na ito ay madali. Subukan mong itapat sa magnet ang jewelry mo. Kapag dumikit sa magnet, ito ay hindi totoong ginto. Ang ginto ay hindi apektado o naaakit sa mga magnetismo.
 
·         Timbang (density test)- Mahalagang malaman ang bigat o timbang at dami ng isang ginto. Suriin ang materyal kung ito ay tunay o hindi. Ang bigat ng 24 k ay 19.3 g/ml mas mataas kumpara sa ibang uri ng ginto. Mas mabigat na timbang mas puro ang ginto. Bago timbangin ang alahas na ginto alisin muna ang gemstone. Maari mong gawing halimbawa ang paglagay ng tubig sa bote. Hindi mahalaga kung ilan ang sukat ng tubig sa bote. Basta't huwag lang umaapaw sa lagayan. Ilagay ang ginto sa isang bote ng tubig. Mahalagang itala ito kung ilan ang sukat ng gintong ilalagay sa loob ng bote.

 Mga resulta ng sukat gamit ang tubig.  
a. 14 k dilaw- 12.9 hanggang 13.6 g/ml
b. 14 k na puti- 12.6 hanggang 14.6 g/ml mas mataas ang alloys nito
c. 18 k na dilaw – 15.2 hanggang 15.9 g/ml
d. 18 k na puti- 14.7 -16 g/ml
e. 22 k ay 17.7-17.8 g/ml
 
 

·         Platong ceramiks - Pwede mo malaman na totoong ginto ang alahas mo sa pamamagitan ng platong ceramiks. Ganito lang ang gawin mo, Ikuskos ang alahas sa likod ng ceramiks na plato, kapag nagkulay itim ang marka ng sa plato, hindi yan totoong ginto, at kapag kulay ginto ang marka tunay ito.
 
 
·         Nitric acid o Suka - Ang ginto ay kinikilala na mataas ang densidad. Patakan ng ilang drops ang iyong alahas ng acid osuka . Kapag bumula ito o nag iiba ng kulay o magkukulay berde ay hindi ito totoong ginto. Ang totoong ginto ay hindi bumubula kapag pinatakan ng acid. Pero bago gawin ito, tiyaking malinis ang alahas dahil maaring bumula ito dahil sa dumi.
 
 
·         Paglitaw (floating test) - Ang tubig ay isang pamamaraan upang malaman kung ang ginto ay tunay o hindi. Kapag ang isang ginto ay nilagay sa tubig ito ay lulubog agad. Habang ang di tunay ay lumilitaw o lumulutang sa, itaas na bahagi ng tubig. Ang tunay na ginto ay hindi kinakalawang o nagbabago ang kulay kung mabasa ng tubig.
 
 
·         Skin test - Sa lumang pamamaraan ginagamit ito upang suriin ang ginto. Kuskusin ang piraso ng ginto sa pamamagitan ng balat sa kamay at kung mayroon itong pawis at pagkatapos ay magkaroon ng amoy acid ang balat sa kamay malinaw na katibayan ito na ay mapanlinlang. Ang tunay na ginto ay walang interasksyon sa balat. Maganda pa rin na mapatingin ang ginto sa eksperto ng mga ginto o sa pawnshop dahil marunong silang kumilatis sa mga bagay na ito.

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)