Paano Matanggal ang kalyo sa Paa? Maalis Makapal na Balat Talampakan Patay na Balat Daliri Paa

Precious Gomez
is in the Philippines Medical History

Sa buong buhay natin, tayo ay naglalakad ng libu-libong beses sa pamamagitan ng ating mga paa.  Sa mga lakad na ito, unti-unting mararamdam ang pananakit dahil sa mga sinusuot natin sa ating mga paa. Sa kasamaang-palad, ang paa natin ay nagkakaroon ng mga kalyo. Ang panatilihing malinis ang ating paa sa pamamagitan ng pagsuot ng maayos na sapatos at medyas, gayun na rin ang madalas na pagbabad at pagkuskos rito ay makakatulong upang maalis ang mga kalyo. Kung makakasanayan ang ganitong kaugalian, maiiwasan na ang pagkakaroon ng kalyo sa umpisa pa lamang.
 
Ang kalyo ay sanhi ng paulit-ulit na pagkakapwersa ng bahagi ng ating balat. Ang balat ay tumutubo sa mga apektadong bahagi hanggang sa ito ay tumigas at unti-unting lumalabas ang umbok nito. Hindi masakit ang pagkakaroon ng kalyo at ito ay kadalasang nakikita sa sakong, palad, tuhod at daliri sa paa. Ilan sa mga karaniwang sanhi ng pagkakaroon ng kalyo ay dahil sa pagsusuot ng masisikip na sapatos, paglalakad ng nakapaa, paggamit ng mga instrument, at pagtatrabaho gamit ang kamay.
 
Hindi na kinakailangan pa ng medikal na atensyon ang pagkakaroon ng makapal na balat at hindi ito dahilan upang humanap ng agarang lunas. Kung nais mo talagang maalis ang iyong mga kalyo dahil hindi ka komportable, maaaring subukan ang mga natural na lunas sa inyong tahanan:
Paano Matanggal ang kalyo sa Paa? Maalis Makapal na Balat Talampakan Patay na Balat Daliri Paa
Mga Lunas sa tahanan
1. Maligamgam na tubig- Palaging ibabad ang mga paa sa maligamgam na tubig. Kung ikaw ay may kalyo, subukang ibabad ng madalas ang paa upang lumambot ang tuyo at patay na balat. Ang paglambot ng balat sa maligamgam na tubig at pagsabon sa paa ay makakatulong upang mapadali ang pagtanggal ng kalyo.
 
-          Gumamit ng maligamgam na tubig sa halip na mainit na tubig. Ang mainit na tubig ay nakakapagpatuyot ng balat at nagiging sanhi ng pagkairita ng paa.
 
-          Kung ikaw ay may diabetes, kinakailangang hugasan ang paa araw-araw. Gumamit ng maligamgam na tubig na may sabon at patuyuing maigi ang paa. Pagkatapos, pahiran ang mga paa ng lotion, petroleum jelly o kaya’y baby oil.
 
-          Pagkatapos punasan ang iyong balat, tignan kung napunasang maigi ang iyong kalyo malayo sa iyong daliri.
 
 
2. Pangkudkod (Pumice stone) - Alisin ang kalyo gamit ang bato panghilod o foot file. Pagkatapos ibabad ang mga paa sa maligamgam na tubig o pagkatapos maligo. Gumamit ng pumice stone, foot file o emery board upang maalis ang natitirang patay na balat sa iyong mga kalyo. 
 
-          Mas magiging mabisa ang batong panghilod at foot file kung babasain ito ng maligamgam na tubig bago gamitin.
 
-          Kung walang pumice stone, foot file o emery board, maaaring gumamit ng hinugasang tela upang ipangkuskos sa patay na balat.  
 
-          Pagkatapos kuskusin ang paa, maglagay ng moisturizer upang mapanatiling malambot ang iyong mga paa.
 
-          Kung ikaw ay may diabetes, siguraduhing kumunsulta sa doktor kung maaaring gumamit ng pumice stone upang matanggal ang mga kalyo.
 
 
3. Non-medicated pads- Ito ay tinatawag din na callus pads. Ito ay may silicone at medyo malagkit, ngunit maaaring ilagay sa parteng may kalyo at isuot sa ilalim ng medyas, sapatos, gloves o shirts. Habang suot ang pad na ito, maiiwasan ang pagkairita ng paa ng dahil sa kalyo. Maprotektahan rin ang iba pang parte ng ating paa. Tumutubo ang kalyo sa mga bahagi ng paa na kumukuskos sa ating sapatos at medyas habang tayo ay naglalakad. Maaaring gumamit ng over-the-counter na pads upang maprotektahan ang paa.
 
-          Ang pads na ito ay may iba’t-ibang sukat at hugis para sa iba’t-ibang uri ng paa, ngunit mayroon ring mas malaking sukat nito na maaaring gupitin at ilagay kung saan man gustuhing ilagay.
 
-          Ilan sa mga pads na ito ay mayroong gamot, gayunpaman, maaaring iwasan na lamang ang paggamit nito maliban na lang kung ito talaga ay pinapagamit ng doktor.
 
4. Apple cider vinegar- Ang apple cider vinegar ay naglalaman ng acid na nakakatulong upang mapalambot ang matigas na balat ng kalyo.
 
-          Paghaluin ang tubig at apple cider vinegar at ibabad ang parteng may kalyo ng 20 minuto.
 
-          Kapag tinanggal na ang balat sa pagkakababad, mas makabubuti kung tutuklapin ang kalyo o ang natutuklap na kalyo. Huwag itong piliting tanggalin. Hayaan itong kusang matanggal.
 
-          Ang pagtuklap sa balat na nakapalibot sa kalyo ay maaaring maging resulta ng impeksyon.
 
5. Langis- Ang oil ay ginagamit upang maging madulas ang ating balat. Ito ay makakatulong rin upang matanggal ang kalyo kapag ito ay kinuskos.
 
-          Ibabad ang kalyo sa maligamgam na tubig na may 5 kutsaritang castor oil, ito ay sapat na upang mapadulas at mapalambot ang matigas na balat at paginhawain ang apektadong bahagi nito.
 
6. Asin- Ang lunas na ito ay lalong makakatulong kung susubukang magpahinga pagkatapos gamitin ang kamay sa pagtatrabaho at upang alisin na rin ang kalyo.
 
-          Tunawin ang pinong butil ng asin upang ma-relax ang muscles at ang balat.
 
-          Haluin ang 2 o 3 kutsaritang asin na may maligamgam na tubig sa mangkok bago ibabad
 
-          ang kalyo, ito ay makakatulong upang mapadali ang pagtuklap sa kalyo.
 
 
7. Papel de liha o Sandpaper- Ang marahan na paggamit ng sandpaper ay makakatulong rin upang maalis ang mga kalyo. Ipares ito sa isa sa mga lunas na nakasulat rito para sa magandang resulta. Mas makabubuti kung ibababad muna ang kalyo bago gamitin ang sandpaper.
 
-       Dahan-dahang ilagay ito sa kalyo at suriin kung maaaring kuskusin ang makapal na balat.
 
-          Kung hirap tanggalin ang kalyo, ulitin lamang ang pagbabad o subukan na lamang ulit sa mga susunod pang araw. Huwag masyadong kuskusin o pilitin na matanggal ang makapal na balat gamit ang sandpaper.
 
 
8. Tea tree oil- ito ay antibacterial, antifungal at antiseptic na panglunas.
 
-          Maglagay ng konting patak ng tea tree oil sa isang palanggana na puno ng maligamgam na tubig, ibabad ang kalyo hanggang sa maramdaman ang paglambot at itaas ito.
 
-          Huwag ibabad ang kalyo ng higit pa sa 15 minuto sapagkat ang tea tree oil ay sadyang matapang na maaaring ikasira ng balat kung matagal na nakababad.
 
9. Baking soda at lemon juice- kinakailangang pagsamahin ang acid ((lemon juice) at chemical (sodium hydrogen carbonate, o Baking soda) upang magkaroon spark reaction na nagpapadali sa pagtanggal ng kalyo.
 
-          Kinakailangan ng maligamgam na tubig, palanggana at 2-3 kutsaritang lemon juice upang makapagsimula.
 
-          Pagkatapos ibabad rito ang kalyo ng ilang minuto, ilagay ang baking soda. Makakatulong ito upang mapalambot ang kalyo sa paa.
 
 
 
Tamang pangangalaga sa Paa
1. Pumili ng angkop na sapatos- Ang pagbili at pagsusuot ng angkop na sapatos ay nakakatulong upang maiwasan ang kalyo na tumutubo sa ating paa. Mayroong mga ilang bagay ang maaaring tingnan sa pagpili ng bagong sapatos:
 
·         Siguraduhing susukatin ng tindira ang iyong paa. Maaari kasing mas malaki ang sukat ng isang paa kaysa sa isa pa. Kinakailangang pumili ng sapatos na tama ang sukat sa iyong dalawang paa.
 
·         Hangga’t maaari, ihuli ang pagbili ng iyong sapatos. Sa paglipas ng buong araw, ang iyong paa ay bahagyang lalaki o mamamaga at mas gugustuhin mo na ang iyong sapatos ay naaayon sa sukat ng iyong namamagang paa. Ito ay upang masigurado na tama ang laki ng sapatos na naaangkop sa iyong malaking paa at patuloy na maging komportable sa paglipas ng araw.
 
·         Bumili ng sapatos na talagang maginhawa sa iyong paa, kahit huwag ng isaalang-alang ang sukat ng sapatos.
 
·         Bumili ng sapatos na kahugis ng iyong paa. Maraming disenyo ng sapatos ay gumagawa ng kakaibang mga sapatos na nagiging sanhi ng pagsakit ng mga paa at pagkakaroon ng kalyo sa bandang huli.
 
·         Habang sinusubukan ang bagong sapatos, siguraduhing ang buong paa ay kompotable sa loob ng sapatos simula dulo ng daliri sa paa hanggang sakong.
 
·         Mag-iwan ng halos 3/8 hanggang ½ na espasyo sa dulong daliri ng paa bago bumili at gamitin ang sapatos.
 
2. Panatilihing tuyo ang mga paa- Ang medyas ay mahalaga rin tulad ng sapatos upang mapanatiling ligtas sa kalyo ang paa. Ang cotton na medyas o medyas na gawa sa natural fiber ay ang pinakamagandang klase na dapat gamitin upang mapanatiling tuyo ang paa sa loob ng sapatos. Ito ay mahalaga rin kung gagawa ng mga pisikal na aktibidad na maaaring ikapawis ng husto kaysa sa karaniwan.
 
·         Siguraduhin na tuyo ang sapatos bago suotin ulit, huwag magsuot ng basang sapatos.
 
·         Hangga’t maaari, iwasan ang pagsuot ng medyas na ginamit na ng dalawang araw, lalo na kung ito ay nabasa o napawisan.
 
·         Kung nabasa ang medyas, magpalit kaagad sa lalong madaling panahon.
 
·         Palaging tandaan na hugasan ang mga paa araw-araw bilang parte ng regular na kalinisan, isama rin ang mga daliri sa paa. Pagkatapos maghugas ng paa, siguraduhing napatuyo ito ng maigi bago isuot ng medyas.
 
·         Isaalang-alang rin ang pagsusuot ng tsinelas o sandals kung maglalakad lamang sa publiko o maligo sa swimming pool at kahit sa loob ng palikuran.
 
3. Pahiran ng moisturizer ang paa araw-araw- Ang kalyo ay nabubuo dahil sa mga parte sa iyong paa na kinukuskos sa sapatos at medyas. Ngunit ito ay maaaring iwasan at gumaling sa pamamagitan ng pagpahid ng mga moisturizer sa paa araw-araw at mapanatiling maganda at malambot ang balat. Mas importante na mapanatiling malambot ang mga paa lalo na kung taglamig.
 
·         Ang tangkang paglalakad ng walang suot sa paa at hindi paglalagay ng moisturizer ay lubhang napakadelikado.
 
·         Sanayin ang sarili na maglagay ng moisturizer sa paa bago matulog.
 
·         Bigyan ng pagkakataon na mamasahe ang mga paa habang nagpapahid ng moisturizer. Masarap ito sa pakiramdam dahil nakakatulong ito upang mapadaloy ng maigi ang dugo sa paa.
 
·         Kung posible, bumili at gumamit ng moisturizer na pinapahid lamang para sa paa.
 
4. Itaas ang mga paa- Mahalagang naipapahinga ng madalas ang mga paa. Ang mga paa ay kinakailangang maipahinga mula sa pagkapagod tulad rin ng iba pang bahagi ng ating katawan. Kung ikaw ay uupo ng nakapatong ang paa sa isa pang paa, salit-salitan itong gawin upang mabago ang pagdaloy ng dugo.
 
Kelan Pumunta sa doctor?
Kung ikaw ay mayroong kalyo na nagiging dahilan ng matinding sakit o pamamaga, isaalang-alang ang pagpunta sa doktor upang mapag-usapan kung ano ang nararapat na maging aksyon.
 
-          Ang doktor ay may sapat na posibilidad at kagamitan upang matanggal ang sobrang balat mula sa kalyo. Hindi ito dapat tinatanggal sa tahanan.
 
-          Ang doktor ay nagbibigay rin ng mungkahi o nagbibigay ng reseta na antibiotic ointment upang gamitin sa kalyo kung ito ay infected na o kung may posibilidad na ito ay nakakahawa.

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)

The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately.