Paano matanggal Blackheads sa ilong? Halamang gamot pangalis sa mukha at nose mawala

Medical Team
is a Medical expert in United States

Ano nga ba ang Blackheads? Maiiwasan ba ito? May magagawa ba tayo para matanggal ito? Bakit may mga tao na parang walang ganitong problema?
Paano matanggal Blackheads sa ilong? Halamang gamot pangalis sa mukha at nose mawala
Maraming katanungan sa ating isipan, na hindi natin alam ang kasagutan. Kaya sa video na ito, tutulungan namin kayo na maintindihan kung ano ang blackheads, mga dahilan bakit nagkakaroon ang tao nito, mga dapat gawin para makaiwas at mga paraan para gamutin ito.
 Paano matanggal Blackheads sa ilong? Halamang gamot pangalis sa mukha at nose mawala
Araw araw naiipon sa balat natin ang lahat ng klase ng dumi kagaya ng langis at libag. Nagreresulta ang mga ito ng bara sa mga butas ng ating balat at anit. Pinagmumulan din ang mga bara na ito ng mga ibang sakit sa balat gaya ng blackheads, whiteheads, acne, at iba pa.

Ang blackheads ay maliliit na umbok sa balat na madalas ay kulay itim. Kapag hindi nalinis ng maayos ang balat, naiipon ang “sebum” (o ang langis na natural na lumalabas sa balat). Kasama ng dumi, babara ang mga ito sa mga butas ng balat, Oras na nalantad sa hangin ang “sebum”, ito ay mangingitim. Ito ang tinatawag na blackheads.
 
Sa medikal na terminolohiya, ang blackheads ay bukas na “comedones”. “Comedone” ang tawag sa mga maliliit na umbok sa balat ng mukha, noo, likod atbp.  Nagiging blackheads ang “comedone” kapag ito ay nalantad sa hangin at nangitim. Whiteheads naman ang tawag sa mga saradong umbok o “comedone”.
 
Pangkaraniwan at nakakairitang problema ito ng maraming tao. Sa mukha ang lugar kung saan madalas tumutubo ang blackheads. Madalas makikita ito sa ilong, gilid ng ilong, pisngi, noo at baba. Pero maaari din makita ang mga ito sa ibang parte ng katawan. Maaari masabing banayad na uri ito ng “acne”.
 
Mga Paraan para Makaiwas Sa Blackheads
 
1.     Ang pag inom ng maraming tubig ay makakatulong na makaiwas sa pagkatuyo ng balat at pagbabara ng langis sa balat.
 
2.     Panatilihing malinis ang balat sa lahat ng oras.
 Tuwing lalabas ng bahay, ang balat ay umaakit ng dumi. Kung hindi ito nalinis ng mabuti, maaring magresulta ito sa pagbabara ng butas na maaring pagmulan ng blackheads. Mayroong parehong epekto ang “make up”. Kapag hindi natanggal ng maayos ang make-up, magreresulta rin eto sa blackheads, at iba pang problema sa balat. Kaya laging tandaan na magtanggal ng “make up” at hugasan ang mukha bago matulog.
 
3.     Gumamit ng malinis na sapin ng kama
Natural na nakukuskos sa mga punda, kumot at kubrekama ang mukha tuwing natutulog.
Paano matanggal Blackheads sa ilong? Halamang gamot pangalis sa mukha at nose mawala
Kapag hindi regular na nalalabhan ang mga sapin ng kama, maiipon ang dumi sa mga gamit na ito at malilipat sa mukha tuwing gagamitin. Babara sa mga butas ng balat ang mga dumi at maaaring pagsimulan ng blackheads. Ang pinakamahusay na gawin ay ang madalas na paggamit ng malinis na punda, kumot at kubrekama sa pagtulog.
  
Natural na Gamot Laban sa Blackheads
Maaaring maiwasan at matanggal ang blackheads sa paggamit ng mga natural na sangkap. Narito ang iilang natural na paraan para maalis ang mga pasaway na blackheads.
 
1.     Baking soda
Ang Baking Soda ay isang natural na pangkuskos.
 Paano matanggal Blackheads sa ilong? Halamang gamot pangalis sa mukha at nose mawala
Maghalo ng baking soda at tubig hanggang maging mamasa-masa o “paste” at ipahid sa mga blackheads. Gamit ang mga daliri, dahan dahan itong ikuskos sa balat ng ilang minuto at pagkatapos ay banlawan ng tubig. Gawin ito ng dalawang beses isang linggo.
 
2.     Pagpapa-singaw ng usok o steam sa mukha
Mabisang paraan ang pagpapausok ng mukha ng kumukulong tubig para mapalambot at matanggal ang matitigas na blackheads.
Paano matanggal Blackheads sa ilong? Halamang gamot pangalis sa mukha at nose mawala
Ang pagpapausok ng mukha ay makakatulong para malinis ang dumi mula sa loob ng balat. Papalambutin ng usok at pawis ang mga butas ng balat na tutulong para madaling lumabas at matanggal ang mga blackheads.
Bago magpausok, kumuha ng malinis na tela at italukbong mula ulo hanggang katawan upang hindi lumabas ang usok.
Paano matanggal Blackheads sa ilong? Halamang gamot pangalis sa mukha at nose mawala
Mga paraan sa pagpapa-steam o pagpapausok:
·     Magpakulo gamit ang kaldero o takuri
·     Paginit ng tubig sa microwave
·     Usok na galing sa sinaing
·     Kung kayo ay may shower, paandarin ang shower at ilagay sa pinakamataas na temperatura. Pagkatapos, hayaan itong nakaandar ng limang minuto bago pumasok sa loob ng banyo. Mag-steam ng 5-10 minuto upang guminhawa ang pakiramdam.
Iwasang dumikit sa kumukulong tubig, dahil maaaring masunog ang balat.
 Paano matanggal Blackheads sa ilong? Halamang gamot pangalis sa mukha at nose mawala
3.     Lemon (o calamansi), Asin at Honey (o pulot)
Nakakatanggal ng langis sa balat ang matapang na katas ng lemon o calamansi habang ang pagkuskos sa balat ng pinong butil ng asin ay makakatanggal ng dumi. Nagpapalambot naman ng balat at nakakatulong para hindi mabuhay ang bakterya sa balat ang honey o pulot.
 
Gumawa ng masa o “paste” gamit ang tatlong sangkap na ito at ipahid sa blackheads. Pagkatapos ng 5 minuto, simulang banayad na ikuskos ang masa o “paste” sa balat ng paikot ikot sa loob ng isang minuto. Iwanan ito sa balat ng 5 minuto. Pagkatapos, hugasan ang mukha ng maligamgam na tubig. Gawin ito ng tatlong beses sa isang linggo.
 
4.     Mask gamit ang puti ng itlog
Kilala sa pagpapabanat ng balat ang puti ng itlog at dahil dito epektibong sangkap ito sa pagtanggal ng blackheads. Kapag ginamit itong pampahid sa balat, pinapaliit nito ang mga butas ng balat, na magpapalabas ng mga blackheads sa butas. Mayaman sa sustanya ang puti ng itlog kaya nagpapaganda ito ng hilatsa ng balat at nagtatanggal ng sobrang langis sa balat.
Paano matanggal Blackheads sa ilong? Halamang gamot pangalis sa mukha at nose mawala
Ipahid ito sa mukha at patuyuin. Pagkatapos ay hugasan ng tubig.
 
5.     Kamatis
Mayaman sa Vitamin C at Vitamin A, nagpapakintab, sumisipsip ng langis at nagpapaliit ng mga butas ng balat ang kamatis.
Paano matanggal Blackheads sa ilong? Halamang gamot pangalis sa mukha at nose mawala
Mabuti ito lalo sa mga tao na malangis ang balat. Mabisa at banayad na paraan na pangtanggal ng sobrang langis ang sapal ng kamatis.
 Paano matanggal Blackheads sa ilong? Halamang gamot pangalis sa mukha at nose mawala
Hiwain ang kamatis ng pabilog na maninipis. Ihagod ang hiwa ng kamatis sa mga blackheads. Hayaan sa mukha hanggang matuyo at pagkatapos ay hugasan ang mukha ng maligamgam na tubig.
 
Mga Kaugalian na Dapat Iwasan Sa Paggagamot ng Blackheads
May mga ilang pag iingat at bagay na dapat iwasang gawin sa paggagamot ng blackheads.
 
1.     Bawal na bawal ang pagpipisil o pagpapaputok, dahil hindi ito makakatulong sa pagtanggal ng blackheads mula sa ilalim ng balat. Maaaring magkalat lang ng bakterya o magdulot ng pekas sa balat ang pagpipisil o pagpapaputok. Kaya yung mga mahilig mag-tiris dyan, tigilan niyo na yan at baka hindi lang blackheads ang maging problema ninyo, kundi pati peklat.
 Paano matanggal Blackheads sa ilong? Halamang gamot pangalis sa mukha at nose mawala
2.     Huwag kailanman tanggalin ang blackheads gamit ang tiyani o kahit anong matulis na bagay. Para lamang sa mga propesyonal ang mga kagamitang ito. Baka masaktan mo pa ang sarili mo, imbis na blackheads ang tanggalin, balat mo na pala ang natanggal.
 
3.     Inirerekomenda ang “exfoliation” o ang proseso ng pagtutuklap ng balat sa pagtanggal ng blackheads.  Pero nakakasira ang paggamit ng matatapang na kemikal, dahil nagpapatuyo at nagpapairita ito ng balat. Ang banayad na pagkuskos gamit ang natural na “exfoliators” o pangtuklap ng balat gaya ng oatmeal, asukal, asin, kape at iba pa ang pinakamabisang paraan.
 
4.     Malaki ang nagagawa ng pagpapanatiling malinis na balat, hindi lang sa pag iwas sa blackheads, kundi na rin sa “acne” o taghiyawat.
Hugasan ang mukha araw araw gamit ang banayad na sabon sa umaga at bago matulog. Maliban doon, ang pag iwas sa pagkakaroon ng langis sa mukha ay importante para hindi maipon ang langis sa butas ng balat. 
 
Magagawa ito sa paggamit ng “facial scrub” isang beses o dalawang beses sa isang linggo, depende sa uri ng iyong balat.
 
5. Mapapanatili ang lambot ng balat matapos ang bawat paglilinis sa pamamagitan ng paggamit ng tamang “moisturizer”. Gumamit ng “non comedogenic moisturizer” na tinimpla upang maiwasang magbara sa mga butas ng balat.

6. Makakatulong din ang paggamit ng “skin cream” o “gels” na mayroong “salicylic acid” sa pag iwas sa blackheads. Isang uri ng kemikal ang “salicylic acid” na madalas gamitin sa mga produktong panggamot ng “acne” at taghiyawat. Ginagamit din ito na pangtanggal ng “outer layer” o panlabas na parte ng ating balat. Madalas gamiting gamot ito sa kulugo, “psoriasis”, balakubak, “acne”, “ringworm” at “ichthyosis”.  Mapapanatili ng mga produktong gumagamit ng “salicylic acid” na malinis at sariwa ang balat sa pamamagitan ng pagtanggal ng pinakaibabaw na parte ng balat. Sa ganoong paraan maiiwasan ang blackheads.
 
6.     Kung mayroon kang “acne” o madalas na nagkakaroon ng blackheads, at gusto mong gumamit ng mga nabibiling produkto para sa balat, mabuting piliin ang mga produkto na “non comedogenic.” Sadyang tinimpla ang sangkap ng mga ito upang maiwasang makabara sa butas ng balat.

About the author

Medical Team

Our medical team verify the medical accuracy of the articles you read on our site. U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco
 

 

The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)