Paano Matanggal ang Anghang sa Kamay? Dahilan ng Hapdi, Init sa Kamay, Paso, at Sunog Dahil sa Sili pula Sile

Precious Gomez
is in the Philippines

Kung hindi ka mag-iingat sa maanghang na sili o sile gaya ng siling jalapeño, labuyo, siling haba, siling bilog, siling-pasiti, at siling-pula, at iba pa, ay maaring humapdi ang iyong kamay. Aray ko po! Masakit di ba? Kapag nagkaroon ka sa kamay, maaaring itong mailipat sa iba. Doble Aray.
 
Maraming nagsasabi na ang pagkapaso sa sili ay talagang masakit at tumatagal ito ng ilang oras, kaya naman maliwanag na kailangan ng agarang lunas.
 
Ang maanghang na sili ay mayroong capsaicin. Ito ang pangunahing sangkap ng pepper spray o ang katas ng sili o sile. Ang Capsaicin ay nagdadagdag ng lasa at anghang sa pagkain ngunit nagdudulot ng matinding pagkapaso sa iyong kamay at ibang parte ng katawan o sa bibig. Sa kabutihang-palad, mayroong ibang sangkap sa loob ng tahanan na pwedeng magpawala ng init o paso, tulad ng gatas. Ang capsaicin ay isa sa ginagawang sangkap ng sabong pampaputi.
 
Paano Matanggal ang Anghang sa Kamay?
1. Sabon- Gumamit ng sabong panghugas ng pinggan sa kamay o balat. Maaaring gamitin ang hand soap ngunit mas epektibo ang paggamit ng sabon na panghugas ng plato, upang mawala ang katas ng sili. Maraming tao ang nagsasabi na masakit ang pakiramdam ng balat na nalagyan ng katas ng sili. Maghugas ng kamay gamit ang sabong panghugas sa plato pagkatapos mahiwa ang sili
 
2. Bleach o Chlorine- Maaari mo din subukan ang pagsawsaw ng iyong mga daliri sa pinaghalong tubig at bleach (5 basong tubig sa 1 basong bleach) pagkahiwa ng sili. Maari mo itong hugasan ng tubig. Ingatang huwag mapunta ang bleach sa sili.
 
3. Gumamit ng alcohol- Upang mapalamig ang iyong kamay o iba pang bahagi ng balat na natalsikan ng katas ng sili, subukang gumamit ng alcohol. Ang katas ng sili at capsaicin ang dahilan upang mapalamig ang iyong kamay. Maaaring maglagay ng alcohol bago humawak sa sili upang malinis ang mga kamay. Pumunta sa lalagyan ng mga alak at maghanap ng high-proof alhohol tulad ng vodka. Kuskusin sa kamay at iba pang apektadong bahagi ng katawan na nakaramdam ng parang umaalab na apoy.
 
4. Baking Soda- Ang iba pang paraan ay ang paggamit ng baking soda. Paghaluin ang baking soda at tubig. Ipahid sa kamay at hintaying matuyo bago hugasan.
 
5. Malamig na Gatas- Maglagay ng alcohol sa kamay. Ilagay ang kamay sa mangkok na may malamig na gatas. Lagyan ng yelo ang mangkok at ilagay ang kamay. Hindi ito ganun ka-epektibo ngunit maiibsan nito ang sakit.
 
6. Gatas at Harina- Subukang maglagay ng harina sa mangkok na may gatas at ilagay ang kamay. Iwanan ito ng ilang minuto bago maghugas ng kamay.
 
7. Langis- Ilagay ang kamay o sa mga naapektuhang bahagi ng balat sa mangkok na may olive o vegetable oil. Ang katas ng sili ay maiibsan ang sakit ng ibang klase ng langis. Mababawasan ang tindi ng pagkapaso.  Magpahid ng kaunti sa kamay ng vegetable oil o olive oil bago hiwain ang sili o kapag nakaramdam na ng hapdi. Iwasang gumamit ng maraming oil sa kamay na maaaring maging sanhi ng pagkadulas ng kutsilyo sa kamay. Huwag hawakan ang ibang tao kung nakakaramdam ng pagkasunod sa balat, tulad ng mga sanggol, dahil pwede mo itong maipasa. Maaaring maibsan ng langis ang pagkapaso pagkatapos na hawakan ang sili.
 
8. Suka- Gumamit ng sukang walang halo at ibabad ng kamay ng mga 20 minuto. Makakaramdam ka ng hapdi at sakit. Libangin ang sarili gaya ng panunuod ng telebisyon upang makalimutan ang iniindang sakit. Ang pagligo sa suka ay mabisa sa iba.
 
Ano Dapat Gawin kung Naapektuhan ang Mata?
Kadalasan, ang pinakamalaking pagkakamali ng tao ay ang pagkusot sa mata habang naghihiwa ng sili. Ito ay nagbibigay nng matinding init sa mata lalo na kung ikaw ay gumagamit ng contact lens. Una sa lahat, importanteng iwasan ito na mangyari. Gayunpaman, lagyan ng gatas ang bahagi ng mata na naapektuhan sapagkat makakatulong ito.

Kumuha ng pad na pagtanggal ng make-up o paper towel at dumampi ng kaunti sa mangkok na may gatas. Pagkatapos, dampian ang gilid ng mata. Dahan-dahan lamang gawin ito.

Kinakailangan mong ulit-ulitin ito ng maraming beses upang tuluyang guminhawa. Kung ang pagkakapaso sa mata ay hindi nawawala o naaapektuhan na ang iyong paningin ay agad na kumunsulta sa doctor.
Kung nakakaramdam pa din ng hapdi, maaaring takpan ang apektadong mata (eye sling) gamit ang cotton ball o paper towel at isuot ito ng ilang oras. Gumamit ng butterfly clip o gauze.
 
Paano Makaiwas sa Hapdi ng Sili?
1. Magsuot ng Gloves- Kung ikaw ay magluluto gamit ang sili, magsuot ng gloves.
 
2. Gumamit ng plastic ng sandwich at gawing gloves sa kamay- Walang gloves para sa kamay? Maaring gumamit ng ibang alternatibong gloves kaysa sa walang gamitin. Gumamit ng plastic ng sandwich sa iyong kamay bago maghiwa ng sili. Mas mabilis humiwa kung maglalagay ng goma sa iyong kamay.
 
3. Paper Towel- Kung ikaw ay walang gloves o plastic ng sandwich, balutin ang kamay ng paper towel. Kahit paano maiiwasan ang pagdikit ng katas ng sili sa iyong balat.
 
4. Salamin- Upang maprotektahan ang iyong mata, magsuot ng malinaw na salamin sa mata at palaging maghugas ng kamay at maglinis ng kuko pagkatapos humawak ng sili.
 
5. Tanggapin ang pagkapaso- Hindi kasiya-siya ang pagkapaso sa bibig, ngunit may mga ebidensya na ang madalas na pagkain ng sili ay may magandang maidudulot sa katawan. Kapag nakaramdam ng hapdi sa bibig, subukang kumain ng kaunting asukal.
 
Gayunpaman, kung nabawasan na ang anghang sa bibig, hindi ibig sabihin nito ay hindi ka magkakaroon ng metabolic boost galing sa capsaicin ng sili. Malaki ang tsyansa na masisira ang atay kung kumain ng labis ng sili.
 
Ang capsaicin ay nakakadagdag ng enerhiya at metabolic levels, nakakatulong upang makabawas ng timbang at talaga namang masustansya kung kumakain ng tama.

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.