Gamot sa Sipon: Paano gumaling SIPON? ANO Mabisa para aa flu halaman?

Medical Team
is a Medical expert in United States

Ang colds or sipon ay tinatawag din na coryza, rhinopharyngitis at sniffles sa Ingles. Ang sipon ay sanhi ng isa sa tinatayang mahigit na dalawang-daang viruses. Ang pinaka-karaniwang uri nito ay ang tinatawag na rhinovirus. Ang taong may sipon ay madaling makahawa lalo na kung ang iyong resistensya ay mahina. Wala din itong pinipiling panahon, tag-init man o tag-ulan.

Ano sintomas, senyales o palatandaan ng sipon?                                                            
Ang sintomas ng sipon ay maihahalintulad sa flu o trangkaso. Ngunit, ang sintomas ay depende sa kung anong virus ang dumapo sayo. Ang mga sumusunod ay maaring mong maramdaman:
o   Baradong ilong
o   Pagbahing
o   Pamamaos  (hoarseness of voice)
o   Pagtutubig ng mata (watery eyes)
o   Mababang temperatura ng katawan
o   Sakit ng ulo
o   Masakit na tainga
o   Masakit na katawan
o   Pagkawala ng gana sa pagkain
o   Panghihina ng katawan

Ano ba ang mabisang gamot o lunas sa sipon? Paano mawawala o matatanggal ang sipon?
Ito ang mga paraan para malunasan ang sipon:
1.     Tamang pagsinga at paglabas ng sipon - mahalaga na isinga ang sipon, wag panatilihin o lunukin pabalik sa ulo. Ang tamang pagsinga ay pindutin ang isang butas ng ilong at isinga ang kabilang bahagi ng dahan dahan upang hindi magdulot ng presyon at pananakit ng tainga. Ugaliin ding maghugas at mag-alcohol ng kamay para hindi makahawa sa iba.
 
2.     Magpahinga - Tinutulungan nito ang ating katawan na bawiin ang panghihina at labanan ang virus.
 
3.     Mag-mumog o gargle - ay nakakatulong palambutin ang gasgas o namamagang lalamunan at nagbibigay ng panandaliang ginhawa. Ito ay mabisa at madaling gawin sa bahay. Kumuha ng isang kutsaritang asin at ihalo sa maligamgam na tubig, mag-mumog ng apat na beses sa isang araw. Para maiwasan ang pangangati ng lalamunan isa sa mabisang rekomdasyon ay pag-mumog ng astringent gargle tulad ng tsaa na may nilalaman na tannin para higpitan ang lamad o membranes ng ilong. O paghaluin ang isang kutsarang lemon at pulot pukyutan (honey) at ihalo sa mainit na tubig, ito’y palamigin sa tamang temperatura bago mag-mumog. Ang pukyutan ay hindi nirerekomenda sa mga batang edad isa pababa at mainam na magpakonsulta sa doktor. Mainam na gawin ito lalo na sa umaga pagkagising o bago matulog
 
4.     Pag-inom ng maraming tubig - ang paginom ng maligamgam ay nakakatulong sa pagtanggal ng pagbabara ng sipon sa ilong at maiwasan ang panunuyo o dehydration. Nagdudulot din ito ng kaginhawaan sa namamagang lamad, ilong at lalamunan.
 
5.     Mag-steam Bath - Ang ganitong klase ng paligo (gamit ang pagpapausok) ay nakakatulong palambutin ang lamad at butas ng ilong. Ang pagkahilo ay minsan nararamdaman ng ilan, kaya naman, mainam na maupo habang naliligo
 
6.     Lagyan ng hot or cold packs ang baradong ilong - ang parehong temperatura ay ngdudulot ng ginhawa. Pwedeng bumili sa botika o gumawa ng sariling pakete sa bahay. Kumuha lng ng hindi na ginagamit na damit at i-microwave ng 20 minuto (siguraduhing hindi ito sobrang init). O kumuha ng maliit na bag o supot at ilagay sa freezer hanggang magyelo.
 
7.     Wag magbyahe kung hindi naman kailangan - dahil sa presyon na dala ng pagkakaroon ng sipon ang pagsakay ng bus, jeep o eroplano ay magdudulot ng karagdagang presyon at sakit sa salamin ng tainga (eardrum). Bago bumyahe kumonsulta sa doktor para mabigyan ng decongestant at nasal spray. Ang chewing gum at madalas na paglunok ay pamamaraang natural na makakatulong din sa pagtanggal ng presyon.

Ano sanhi o dahilan ng sipon?
Madami ang nagpapa-konsulta sa eksperto at nagpapareseta ng antibiotics, sa kaalamang ito’y makakatulong pagalingin ang sipon. Ngunit ang ganitong karamdaman ay sanhi ng virus at walang epekto ang antibacterial na gamot. Tandaan, na ang sipon ay kusang nawawala. Ngunit, kung ang karamdaman ay nagdudulot ng hindi kaaya ayang pakiramdam, mahalagang magpakonsulta sa doktor para mabigyan ng tamang lunas at payo.

About the author

Medical Team

Our medical team verify the medical accuracy of the articles you read on our site. U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.