PAANO MAWALA MAIIWASAN PASMA? ANO GAMOT SA PASMADO? BAKIT PAWISIN KAMAY PAA

Dr. Jen Cruz
is a Medical expert in United States

Bakit nga ba nagpapawis at nanginginig ang aking mga paa at kamay? Ano sanhi o dahilan ng pasma?
Ang pagpapawis at panginginig ay tinatawag na hyperhidrosis, polyhidrosis o sudorrhea. Ito ay isang kondisyon kung saan labis ang pagpapawis hindi lang sa isang parte kundi maaaring buong parte ng katawan. Hindi ito nakamamatay, ngunit sa karamihan nakakaranas ng hindi komportableng sitwasyon na nagdudulot ng kahihiyan, trauma sa aspetong pagiisip at pagkabahala.
 
Ano ang pasma o pasmado sa Ingles?
Kadalasan nagsisimula ang pasmado o palsied sa English na pagiging pawisin o panginginig ng paa o kamay sa pagkadalaga o pagkabinata. Narito pa ang iba pang kaalaman tungkol sa pagiging pawisin at panginginig ng paa at kamay:
1. Ito ay nagsisimula sa pagkadalaga at pagbibinata
2. Sinasabing milyon-milyong tao sa buong mundo ay nakakaranas nito
3. Mas madalas magpawis at manginig ang kamay, paa at kili kili sa kadahilanang dito ang may pinakamaraming konsentrasyon ng glandula ng pagpapawis (sweat glands).
 
Ang mainit na panahon, pageehersisyo, kinakabahan, pagkatakot, pagkapahiya ay ang mga sitwasyong natural na makakaranas ng pamamawis at panginginig at upang maging maayos ang temperatura ng katawan ay naglalabas ito ng pawis. Pero, ano ano nga kaya ang mga dahilan kung bakit pasmado o nagpapawis at nanginginig ang bahagi na ito ng ating katawan?
 
1. Pamana o inherited ‘bad genes’ - ayon sa pagaaral na isinagawa ng University of California noong 2002, ito ay resulta ng ‘faulty’ genes na naipasa ng iyong ninuno o naipasa sa iyong henerasyon. Ang kagandahan nito, ang sintomas na iyong nararamdaman ay hindi sanhi ng stress, problemang medikal, o emosyonal. Dahil ito ay namana, hindi ibig sabihin na wala ng lunas ito kumonsulta sa doktor para mabigyan ng payo.
2. Ikaw ba ay madaming iniisip o naiistress - marami ang nakakaranas ng pagpapawis at panginginig ng paa at kamay kapag ang isang tao ay nasa hindi komportableng sitwasyon tulad ng pagsusulit, pagsasalita sa harap ng maraming tao, pakikipanayam at madami pang iba. Sa kadahilang ang stress ay nagdudulot ng ‘fight or flight response’ na naglalabas ng stress na hormon. Ang epihephrine at cortisol ay ang mga hormon na nakakatulong labanan ang pagtaas ng temperatura ng katawan at stress.
3. Ang blood sugar mo ba ay mababa o mataas - Ikaw ba ay may diabetes? Ang pamamawis at panginginig ay mga sintomas na hindi maganda ang blood sugar level ng iyong katawan. Kapag may abnormalidad tulad ng pagbaba at pagtaas nito ang hormon na epinephrine ay gumagalaw para matulungan ang katawan mo at bigyan ng senyales na may problema sa iyong katawan.
4. Paginom ng maraming alcohol - ang paginom ng isa o dalawang basong alcohol ay sinasabing tama lang sa katawan para maibsan ang matinding pagod sa maghapon. Ngunit pag ito ay madalas at napaparami sa paginom ang iyong katawan ay umiinit dahil sa alak o beer na iyong nainom. Ang alcohol ay isang vasodilator na pinapalawak ang daluyan ng dugo. Dahil sa mainit na pakiramdam ang iyong parasympathetic nervous system ay maglalabas ng pawis para maibalik ang tamang temperatura ng iyong katawan.
5. Mahilig ka bang kumain ng maanghang na pagkain at magkape ng madalas - ang kape at maanghang na pagkain ay may laman na nakakapagpagising sa neurotransmitter na acetylcholine na nagdudulot ng matinding reaksyon sa iyong glandula ng pagpapawis o pasma.
6. May problema ka ba sa thyroid mo - ang pagpapawis at panginginig ng kamay at paa ay mga senyales na may problema ang iyong thyroid. Noong 2010, ang Journal of Dermatology ay nagsasabing ang hyperthyroidism ay isang karamdaman na umaatake sa iyong mga normal na selula na nagdudulot ng mataas na temperatura katulad ng pagkakaroon ng lagnat. Ang iyong parasympathetic nervous system ay muling gagalaw para maibalik sa normal ang temperatura ng iyong katawan.
7. Ikaw ba ay magmemenopause o malapit na magmenopause - ang mainit na pakiramdam at pagpapawis ay ang mga senyales na malapit ka ng magmenopause. Dahil sa pagbaba ng reproductive hormon na tinatawag na progesterone at estrogen nagdudulot ito ng pagpapawis at mainit na pakiramdam at pagiging pasmado.

Ano gamot o lunas sa pagiging pasmado?  
‘Wag mag-isip na ang pagpapawis o panginginig ng kamay at paa ay kasalanan mo o dahil sa pagiging mahina. Ang pasma ay maaring normal na reaksyon ng katawan, namana o mga kondisyong medikal. Kaya naman, alamin ang sanhi o dahilan ng pagiging pasmado upang malaman kung kailangang magpasuri sa doktor at ng mabigyan ng tamang rekomendasyon at lunas.

Ano nga ba ang lunas o pamamaraan upang masolusyunan ang matinding pagpapawis ng kamay at paa?
Ikaw ba ay naiinis, napipikon o napapahiya dahil sa pamamasa ng iyong kamay at paa?

Hindi alam ng karamihan na may pamamaraan o lunas upang ang pagpapawis ng paa at kamay ay maiwasang lumala o kaya naman mawala. Ang mga iba ay hindi nagpapakonsulta dahil sa kahihiyan o hindi alam kung kanino magpapatulong.

Ang mga sumusunod ay ang mga natural at murang pamamaraan para ikaw ay matulungan sa sobrang pagpapawis ng iyong kamay at paa:

1. Pananamit - ang mga damit na nylon ay hindi mainam sa mga taong sobra ang pagpapawis. Gumamit ng malambot at maluwag na damit.
2. Medyas - ang mga medyas na gawa sa natural fiber ay makakatulong bawasan ang karamdaman dahil sa katangian nitong magsipsip ng pawis.
3. Sapatos - ang mga synthetic na materyales ay nakakapagpalala ng pamamawis ng paa, mainam na gumamit ng balat o leather na sapatos.

Kung ang mga natural na pamamaraan ay hindi epektibo, mas magandang dumulog na sa doktor. Ang tawag sa mga espesyalistang makakatulong sa iyong matinding pagpapawis ay espesyalista ng balat o dermatologist. Ang mga sumusunod ay ang mga medikal na lunas o pamamaraan:

1. Iontophoresis - ang kamay at paa ay inilulubog sa tubig at pagkatapos ilalagay ang tinatawag na painless electric current. Nagtatagal ito ng 20 hanggang 30 minutos na lunas. Hindi man maipaliwanag kung ano ang epekto nito ngunit ang electric charges ay may epekto sa glandula ng pagpapawis. Sinasabing ang ganitong lunas ay nangangain ng oras at enerhiya dahil kinakailangan ng maraming beses na pagbisista sa espesyalista upang makita ang resulta.
Ang lunas na ito ay pwedeng magdulot ng pagkatuyo at pagbabalat ng katawan.

2. Botulinum Toxins (Toxin Injections) - ito ay ang pagtusok ng kemikal o botox upang maharangan ang nerbula na nagtitrigger sa glandula ng pawis (sweat glands). Ito ang ginagawa sa matinding pagpapawis ng kamay at kilikili. Ang mga pasyenteng matindi ang pagpapawis ay kinakailangang matusukan ng maraming beses para mas maging epektibo ang resulta. Ang botilinum toxin ay maaring magdulot ng pananakit sa mismong lugar kung saan tinusukan ng kemikal, pangangati at pananakit ng ulo.

3. Anti-cholinergics na gamot - ang ganitong medisina ay pinipigilan ang pagbigay ng mensahe sa parasympathetic na nerbula upang hindi magpawis ang katawan. Inaasahang mararamdaman ang resulta sa ikalawang linggo ng paginom nito. Sinasabing pwedeng makaranas ng pagkatuyo ng bibig o bunganga, nahihirapan sa pagtae at pagihi, pagbilis ng tibok ng puso, panlalabo ng paningin at pagkaantok.

4. Endoscopic Thoracic Sympathectomy (ETS) - ito ay isang uri ng operasyon na isinasagawa sa mga pasyenteng sobra at matindi na talaga ang pagpapawis. Ibig sabihin ang mga natural, topikal at medisina ay hindi nakatulong na guminhawa o mabawasan man lang ito. Ang operasyong ito ay ang pagputol ng nerbula na nagbibigay mensahe sa pagpapawis. Ito ay hindi isinasagawa sa matinding pagpapawis sa paa dahil sa epekto nitong permanenteng kapansanang seksuwal (permananent sexual dysfunction). Ang ganitong operasyon ay maaring magdulot ng impeksyon, pagdurugo, pagkasira ng nerbula at pagpapawis sa ibang bahagi ng katawan.

Topikal na medisina o gamot na inilalagay sa balat - ang mga medisinang naglalaman ng aluminum salts ay nakakatulong sa may katamtamang karamdaman lamang sa pagpapawis. Maaring magdulot ito ng pagkasunog o pananakit ng balat.

About the author

Dr. Jen Cruz

U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco

The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately.

 

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)