PAANO MAWALA, MATANGGAL AT MAIIWASAN ANG UBO? ANO MABISANG GAMOT?

Medical Team
is a Medical expert in United States

Ano mga natural na pamamaraan at mabisang gamot sa ubo?         
Alam mo ba na ang ubo ay isa sa dahilan kung bakit madami ang nagpapakonsulta sa doktor?

Ang nakakalungkot, saka lang nagpapatingin kung ito'y wala na o lumala na. Ang pananakit, pangangati at panunuyot ng lalamunan ay ang mga senyales ng ubo.
Tara at alamin ang mga pamamaraan para maagapan ang paglala at pagaling ng ubong nararamdaman. Ang mga nakatala sa ibaba ang mga natural na pamamaraan na maaaring magpagaling sa ubo:
 
1.     Pulot-pukyutan (Honey) - ay isa sa pinakamabisang panlunas ng pamamaga ng lalamunan. Ayon sa pag-aaral, mas napapagaling nito ang ubo kesa sa mga gamot na nabibili sa botika na naglalaman ng tinatawag na pampigil ng ubo o dextromethorphan (DM). Madali lang ang paggawa nito.Kumuha ng isang basong maligamgam, paghaluin ang katas ng lemon at honey saka inumin. Pwede mo din itong ipalaman sa tinapay o sumubo ng isang kutsarang pulot pukyutan.
 
2.     Probiotics (Good Bacteria) - bagama't hindi ito ang kusang nagpapagaling sa ubo, ang mikroorganismo o good bacteria na nakukuha dito ay maganda sa ating kalusugan at tumutulong labanan ang sanhi ng ubo.
 
3.     Bromelain - ito ay isang uri ng enzyme na makikita sa tangkay at mismong bunga ng pinya. Marami ang hindi nakakaalam na ang bromelain ay nakatutulong pigilan at palambutin ang plema sa lalamunan. Para makuha ang tamang dose (dosis) ng bromelain, kumain ng isang hiwa ng pinya. Maari din uminom ng 3.5 ounces ng katas ng pinya at inumin ito ng tatlong beses sa isang araw.
 
4.     Menta (Peppermint) - ang halamang ugat o mentol ng peppermint ay mabisa sa pagpapagaling hindi lamang sa ubo. Pinapagaan nito ang pakiramdam at pini-piraso ang plema para madali itong mailabas. Pwede itong inumin o singhutin sa pamamagitan ng steam bath. Lagyan lamang ng tatlo o apat na patak ng langis na gawa sa peppermint at ihalo sa 150ml na mainit na tubig. Lagyan ng tuwalya ang ulo at amuyin ito sa pamamagitan ng paghinga.
 
5.     Marsmalow (Marshmallow) - ay isang uri ng bulaklak na tutumutubo lang sa tuwing tag-araw. Ang dahon, bulaklak at ugat ay ginagamit na panggamot ng mga sinaunang tao. Ang ugat nito ay hindi nirerekomenda sa mga bata. Wala man itong sapat na paguuri, ngunit sinasabing ito ay ligtas gamitin.
 
6.     Tim (Thyme) - ang dahon ng thyme na naglalaman ng tinatawag na flavonoids ay tinutulungang bawasan ang pamamaga ng lalamunan. Katulad ng tsaa, dikdikin ang dalawang kutsaritang dahon nito at ihalo sa isang basong tubig. Takpan ito ng sampung minuto bago inumin.
 
7.     Pagmumog ng tubig na may halong asin - ito ay ang simpleng pamamaraan, na nangangailangan ng isang basong tubig na may kalahating kutsarang asin. Nagagawa nitong palambutin at tanggalin ang pangangati. Ang mga batang anim na taong gulang pababa ay hindi marunong sa pagmumog at may posibilidad na mainom ito. Mainam na gumamit ng alternatibong pamamaraan o medisina upang mawala o matanggal ang ubo.
 
Kung ang mga natural na pamamaraan ay walang epekto, maaaring bumili ng mga tinatawag na over-the-counter na gamot sa botika tulad ng mga susumusunod:

A.    Pantanggal ng bara (decongestants) - tinutuyo nito at binabawasan ang pagdami ng plema sa baga at nagpapaluwag sa daanan ng hangin upang makahinga. Ngunit ang labis na paggamit nito ay pwedeng magdulot ng matinding panunuyot ng lalamunan at matinding pagubo.
 
B.    Pampigil ng ubo (cough suppressants) - pag ikaw ay nahihirapang matulog dahil sa madalas na pagubo at may kasamang pananakit ng dibdib ang gamot na ito ay mahusay na pantigil ditto para maiwasan ang ubo.
 
C.    Expectorant – ito naman ay para sa mga ubong maplema. Sa paginom nito, mas napapadali ang paglabas  ng plema baga at mga daluyan nito, upang mawala ang plema.
 
Komunsulta agad sa doktor pag ang iyong pagubo ay nakakaapekto ng paghinga at may kasamang dugo ang plema. Wag isawalang bahala ang ubo, dahil kapag ito'y hindi naagapan pwede itong magdulot ng mas matagal na paggaling  dahil sa impeksyon at komplikasyon.
 

About the author

Medical Team

Our medical team verify the medical accuracy of the articles you read on our site. U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.