PAANO PALIITIN ANG TIYAN O MATANGGAL ANG BILBIL? PAANO PUMAYAT NG MABILIS? MAGPAPAYAT MAGPALIIT BILBIL

Dr. Jen Cruz
is a Medical expert in United States

Ano Gabay O Mga Hakbang Upang Mawala Ang Taba Ng Tiyan?
Napakasarap sigurong isipan kung iisa na lamang ang paraan ng pagtanggal ng taba ng tiyan. Ang lahat ay nagnanais nito ngunit imposible itong mangyari. Maraming bagay ang pwedeng ikonsidera sa pagtanggal ng taba sa tiyan: genetika, lakas ng pangangatawan, mga ginagawang uri ng pag-eehersisyo, ang iyong medikal na kasaysayan, hormones, edad, kasarian at iba pa.

Narito ang ilan sa mga gabay o mga hakbang upang matanggal ang taba ng tiyan:
 
1.     Magkaroon Ng Wastong Postura
Ang unang hakbang sa isang magandang hugis ng tiyan ay ang pagkakaroon ng wastong postura. Upang maaayos pustura habang nakaupo, siguraduhin na ang iyong mga paa ay palaging nakasagi sa sahig. Maglagay ng isang maliit na unan sa iyong likod upang matiyak na maayos ang iyong pagkakaupo.
 
2.     Ugaliing uminom ng tubig
Tumutulong sa pag-aalis ng mga toxins sa katawan ang pag-inom ng tubig na hindi bababa sa walong baso sa isang araw. Nakakatulong din ito sa pagbabawas ng timbang, lalo na sa midsection ng katawan. Ugaliing uminom ng tubig bago kumain. Huwag uminom ng tubig pagkatapos ng tanghalian o hapunan. Maghintay ng 10-15 minuto tsaka ka uminom ng tubig. Mabuting iwasan din ang pag-inom ng alak dahil ito ay may halong alkohol na nagdudulot ng bloating o paglobo ng tiyan, gayundin ang pag-inom ng labis na tubig.
 
3.     Linisin Ang Iyong Sistema
Maganda ang naidudulot ng pagbabawas ng dumi araw-araw dahil naiiwasan nito ang konstipasyon, kabag at paglobo ng tiyan. Ugaliin ang regular na pag-inom ng isang malaking baso ng mainit-init na tubig tuwing pagkagising sa umaga upang mabawasan ang dumi sa tiyan.
 
4.     Kumain Ng Tama
Iwasan ang pagkain ng mga instant at mga processed foods. Naglalaman ito ng mga preservatives na may mataas na content ng asin na nagdudulot ng bloating o paglobo ng tiyan. Kumain ng mga prutas at gulay na mayaman sa fiber at sagana sa tubig. Nababawasan ng tubig ang bloating at nakakatulong ang fiber sa tamang pagtunaw ng mga kinain. Kumain lang ng sapat na bahagi ng pagkain. Dapat nguyain ang pagkain nang hindi kukulangin sa 10 beses bago ito lunukin. Kung hindi ito manguya ng wasto, kailangang magtrabaho ng katawan nang labis upang masira ang pagkain sa tiyan. Humahantong ito sa kabag, bloating, at hindi pagkatunaw ng pagkain. Maghinay-hinay lang sa pagkain at huwag matakaw.
 
5.     Sapat Na Oras Ng Pagtulog
Nakadaragdag sa taba ng tiyan ang kakulangan ng oras ng pagtulog. Tumutulong sa pagkontrol ng mga stress hormones ang sapat na oras ng pagtulog. Ang stress hormones ay ang kumukontrol ng iyong gana sa pagkain at nagbibigay ito ng mas maraming enerhiya para sa mga pisikal na ehersisyo. Nakakatulong din ito upang mabawasan ang pananabik sa pagkain ng mga matatamis at naiiwasan ang emotional eating.
 
6.     Bawasan Ang Stress
Nagdudulot ng masamang epekto sa katawan ang stress. Ang pagtaas ng antas ng stress hormones sa katawan tulad ng cortisol ay resulta ng pagtaas ng sugar at blood pressure at nawawala ang gana sa pagkain. Naaapektuhan din ang mga thyroid glands at mga hormones na tumutulong sa iyong metabolismo na may kakayahang kontrolin ang antas ng taba ng katawan. Mahalagang bigyanng oras ang regular na ehersisyo, meditasyon, pamamasyal at paghahanap ng mga masasayang libangan upang mabawasan ang stress mula sa trabaho, kakulangan sa pagtulog, mga relasyon, pananalapi at iba pa.
 
7.     Maglakad-lakad Paminsan-minsan
Isa itong mahusay at simpleng paraan na pangpawala ang taba ng tiyan nang walang ehersisyo. Ang 30 minutong paglalakad ay nakapagpapabuti sa metabolismo at nababawasan ang mga sobrang taba mula sa iyong tiyan at baywang.
 
8.     Iwasan Ang Mga Matatamis
Sa bawat pag inom ng isang pakete o nakalatang fruit juice, nagbibigay ito ng mas maraming calories kaysa sa pagkain ng sariwang prutas. Kahit ang mga de-latang fruit juice ay naglalaman ng tunay na katas ng prutas, naglalaman din ito ng mataas na sugar content, pampalasa, at mga food coloring. Lahat tayo ay may “sweet tooth”, at hindi basta-basta ang pagpipigil sa sarili sa pagkain ng cake at mga tsokolate. Ngunit pwede ka pa rin namang kumain ng mga cake na may kaunting asukal or artificial sugar, mga dark chocolates at mga less sweetened sweets.
 
9.     Paggamit Ng Mga Food Supplements Ng Balanse
Mahalaga para sa ating katawan ang B-complex at calcium. Tumataas ang antas ng estrogen sa katawan pagkatapos ng puberty o pagdadalaga ng isang babae. Pinapatibay nito ang mga good fats, o protective fats, sa iyong mga balakang at iyong tiyan, habang inihahanda nito ang iyong katawan para sa pagbubuntis. Kapag naabot mo na ang pagmemenopos, ang mga antas ng estrogen ay bumababa, at ang mga protective fats ay bumababa sa paligid ng iyong tiyan. Samakatuwid, nakakatulong din ito sa pag-aayos ng mga antas ng estrogen sa iyong katawan. Ang mga suplemento na B-complex vitamins at calcium ay naglalabas sa labis na estrogen sa katawan.
 
10.  Dagdagan ang paggamit Vitamin C
Nakakatulong ang vitamin C upang maibsan ang stress sa katawan na nagdudulot ng problema sa kalusugan. Ang mga prutas tulad ng orange, kalamansi, apog, paminta, broccoli, kale, kahel, at kiwi ay magandang pinagkukunan ng bitamina C at mineral tulad ng calcium, potassium, magnesium, at zinc. Tinutulungan ng vitamin C ang digestion at pinapanatiling normal ang presyon ng dugo. Ugaliing kumain ng kahit isang prutas na mayaman sa vitamin C araw-araw dahil ito ay mabuti sa katawan.
 
11.  Kumain ng masustansyang carbohydrates
Mabuti sa ating katawan ang mga carbohydrates dahil nagtataglay ito ng mga bitamina at mineral. Mahalaga din na pumili ng mga pagkaing pagkukuhanan ng carbohydrates. Maaaring makatulong sa pagkawala ng taba ng tiyan ang brown rice, couscous, cereal fiber, bulgur wheat, at dark bread. Ang mga ito ay puno ng fiber na hindi mabigat sa tyan kaya nagiging maayos ang iyong pakiramdam at hindi mo na kailangan pang kumain ng marami dahil madali ka lang mabusog sa mga pagkaing ito.
 
12.  Kumain Ng Mga Pagkaing Sagana Sa Protina
Ang pagkain ng protina na may mataas na kalidad ay nakakatulong upang mabawasan ang taba ng tiyan habang tinutulungan ng mga protina ang metabolismo at binabawasan ang mga cravings o gutom. Ang inihurnong isda, nilagang manok, mga soy chunks, lentils, sprouts, at mushrooms sa iyong diyeta ay mga halimbawa ng mga pagkaing sagana sa protina.
 
13.  Magkaroon Ng Tatlong Serving Ng Dairy Foods Araw-Araw
Nagpapalakas ng immune system, napapabuti ang digestion, pinapalakas ang iyong mga buto, at tumutulong din sa pagbabawas ng labis na taba ang pagkakaroon ng tatlong servings ng mga dairy products tulad ng gatas, yogurt, buttermilk, at keso. Nakakabusog din ito ng mabilis dahilan upang hindi mo na kailangan pang kumain pa ng mas marami.
 
14.  Iwasan Ang Mga Pagkaing Gawa Sa Harina
May mataas na starch content ang naidudulot ng white bread, polished milk, pasta, pansit, mais, harina ng mais, patatas, at iba pa. Nagiging harina ang asukal kapag naibahagi na ito sa ating katawan. Maaaring manatili ito sa katawan bilang taba kapag sumobra na ang akumulasyon ng asukal sa katawan. Upang mawala ang taba sa tiyan, iwasan ang mga pagkaing ito. Maaaring humanap na lamang ng alternatibong pagkain tulad ng brown bread at brown rice.
 
Ang pagwala ng taba ng tiyan ay hindi lamang upang bumuti ang hugis at porma ng katawan, ito rin ay may mabuting maidudulot sa atin upang maiwasan ang peligrong dala ng mga sakit tulad ng diabetes, sakit sa puso, mataas na presyon at iba pa. Upang maiwasan ang mga sakit na ito, sikaping magkaroon ng isang healthy lifestyle. Gawing regular ang pag-eehersisyo, pagkain ng masusustansyang pagkain at umiwas sa mga iba’t ibang uri ng mga bisyo. Samakatuwid, nangangailangan ito ng determinasyon upang maisakatuparan ang mga inaasahang mabuting pagbabago sa katawan.

About the author

Dr. Jen Cruz

U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco

The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately.

 

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)