Paano Pangalagaan ang ating Kalikasan? Ano mga Paraan upang Ligtas ang ating Yaman sa Pilipinas?

Precious Gomez
is a Nurse in the Philippines

Mga Anyong Lupa
Karagatan
Kalimitan ang ating kinakain sa araw-araw ay nanggaling sa karagatan. Dito din tayo kumukuha ng ating ikabubuhay kaya dapat natin itong pangalagaan. Mangayayari lamang ito kung tayo ay sumunod sa mga batas at alituntunin ng pamahalaan.
 Paano Pangalagaan ang ating Kalikasan? Ano mga Paraan upang Ligtas ang ating Yaman sa Pilipinas?

Ano ang mga ipinagbabawal ng pamahalaan?
a. Ang mga maliliit na isda ay pakawalan, upang dumami pa.
b. Gumamit ng mga kagamitang panghuli na ligtas para sa mga yamang dagat.
c. Mahigpit na ipinapatupad ang bawal na paggamit ng dinamita at cyanide sapagkat ito ay nakalalason at nakamamatay sa mga isda at korales.
d. Mahigpit ding ipinapatupad ang tamang pagtatapon ng mga duming kemikal at industriyal na galing sa mga pabrikang nakatayo malapit sa katubigan
e. Ipinagbabawal ang manirahan sa tabing dagat sapagkat masama ang nagiging epekto nito sa mga isda at yamang-dagat.
 
Kagubatan
Malaki ang pakinabang ng bansa sa kagubatan. Dito nagmula ang iba’t ibang uri ng punongkahoy na pinanggagalingan ng papel, panggatong, troso at iba pa. Ang mga puno din sa kagubatan ang siyang pumipigil sa baha na dahilan ng malalakas na pag-ulan.
 Paano Pangalagaan ang ating Kalikasan? Ano mga Paraan upang Ligtas ang ating Yaman sa Pilipinas?

Paano Pagangalaga ang Kagubatan:
a. Huwag magputol ng mga punong kahoy sa kabundukan.
b. Magtanim ng bagong puno sa bawat punong napuputol upang iwas kalbo sa kagubatan.
c. Ipinagbabawal din ang quarrying o pagpatag sa kabundukan sa pamamagitan ng pagkuha ng lupa at bato.
d. Ang pagkakaingin ay ipinagbabawal sa kabundukan upang hindi maubos ang mga halaman o kahoy sa bundok.
Napakahalagang panatilihing ligtas ang kakahuyan at halamanan upang may matirhan ang mga hayop.
 
Kalupaan
Malaking parte ng lupain sa Pilipinas ang ginagamit upang tamnan ng mga produktong makakain. Ito ang dahilan kung bakit ang Pilipinas ay isang bansang agrikultura. Ang pamahalaan ang may kontrol sa pagpapatayo ng mga subdibisyon, laruan ng golf o establisimiyentong komersyal at industriyal.
Sa pag tatanim ay dapat iwasan ang paggamit ng mga patabang kemikal at pamatay insekto dahil nakakasira ito sa sustansya ng nasa ilalim ng lupa.
Iwasan ding magkalat sa mga lupain lalo na yaong mga hindi natutunaw o non-biodegradable tulad ng plastic, goma, tela, kable, at yero. Bagkus, itapon ang mga ito sa tamang tapunan o di kaya’y maaaring i-recycle kung sa tingin mo ay pwede pa.
 Paano Pangalagaan ang ating Kalikasan? Ano mga Paraan upang Ligtas ang ating Yaman sa Pilipinas?

Katubigan at Hangin
Tao man o hayop ay nangangailangan ng malinis na tubig at sariwang hanging lalanghapin. Panatilihin na malinis ang ating mga lawa, bukal, at ilog.
Hangga’t maari, iwasan ang polusyon sa hangin. Ang mga pabrika na bumubuga nga maruming hangin ay nakakasira sa kapaligiran at masama sa ating kalusugan.
Iwasang paagusin ang dumi sa minahan o pabrika sa mga ilog. Dapat ding ipagbawal ang pagbabyahe o pasada ng mga sasakyang nagbubuga ng maitim at masamang usok.
Tungkulin nating lahat ang tumulong sa pangangalaga ng mga likas na yaman ng ating bansa gaya ng mga karagatan, kalupaan, kagubatan at pati na rin ang hanging nagbibigay buhay sa ating lahat.

About the author

Precious Gomez

I am knowledgeable in the use of computer and online apps. I've done freelance article writing for more than 5 years. I am hard working. I still have a lot of things to learn and very open for training and guidance. Thank you so much for viewing my profile.
Profession: Nurse
Philippines , National Capital Region , Pasig
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.