Paano po bang gagawin sa lupa na award lamang ng GOVERNMENT. Ang mga kapatid ng aking nanay sa labas ay humahabol sa lupa na naiwan ng akinglologayunpaman tutol ang inako?

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.

Tutol ang aking ina na bigyan sila ng share sapagkat sila ay anak sa labas. Ang laki ng hinihingi nilang kapalit para lamang sa kakarampot na lupa. Ang titulo na nakaaward ay sa ngalan ng aking lolo. Kami po ay nakatira sa ngayon sa lupa ng aking lolo na balak naming ipagawa. Maraming salamat po sa inyong tugon.

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Jescelyn Del Rosario
is a Legal expert in the Philippines
Dapat sa ganitong sitwasyon na sila ay mga anak sa labas maestablish muna kung sila ay recognized na illegitimate children po ba ng lolo ninyo meaning nakapirma po ba ang lolo ninyo sa birth certificate nila bilang ama. Kung nakapirma talagang may share po sila nito kalahati po sa share ng isang legitimate children. Kung hindi naman nakapirma ang lolo kailangan munang i istablish nila ang kanilang karapatan bago po kayo magbibigay sa kanilang kaukulang karapatan. Kailangan na may evidence po sila para patunayan ito. Pinakamabuting gawin kung talagang recognized sila as illegitimate children na pag usapan lang muna ninyo sa barangay na kung maari masettle ang lahat ng ito ng hindi aabot sa korte pa. Kung kailangang bayaran ninyo sila sa share kailangang may kaukulangan written agreement po tungkol dito .

About the author

Jescelyn Del Rosario

Legal Services and Litigation works Philippine/Foreign Paralegal Works Graduated AB Political Science and Bachelor of Laws at University of San Jose Recoletos-Cebu Completed Lawyers Trial Academy Training sponsored by IBP Cebu Chapter AIT-DOST Scholar at Cebu Institute of Technology
Profession: Lawyer
MJ Del Rosario Law Office and Associates
Office Address: Block 19, lot 26-27, Deca Homes, Talisay
Philippines , Talisay , Cebu

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.